Hindi Magkakaproblema sa Pagkain Kung May Akma o Karampatan (Appropriate) na Pagkilos ang Mamamayan
Posted on Thursday, 8 February 2018
Hindi Magkakaproblema sa Pagkain Kung
May Akma o Karampatan (Appropriate) na Pagkilos ang
Mamamayan
Ni Apolinario Villalobos
Tulad ng dapat asahan, lumutang na naman ang pangamba na
magkakaroon ng krisis sa bigas at tulad pa rin ng dapat asahan, nag-uumpugan
ang magkaibigang pananaw ng mismong mga nasa loob ng National Food Authority
(NFA). Ang isang grupo ay nagpipilit na umangkat ng tone-toneladang bigas mula
sa mga nakasanayan nang karatig-bansa tulad ng India at Thailand. Ang isa
namang grupo naman ay nagsasabi na hindi kailangan dahil sapat ang inaasahang
aanihin ng mga magsasaka at ang nakaimbak na bigas ng gobyerno. Ang ganyang
eksena ay hindi na bago kahit mula pa noong hindi pa presidente si Duterte…
kaakibat kasi niyan ang isyu pa rin sa korapsyon dahil sa sinasabing “komisyon”
sa pag-angkat ng bigas.
Ang hindi nabibigyan ng pansin ay ang pagsirit ng presyo ng
mga gulay na “native” o likas sa Pilipinas tulad ng alogbate, sitaw, ampalaya,
,kamatis, bawang, at iba pa. Ang mga ito ay pwedeng itanim sa bakuran ng mga
bahay lalo na sa probinsiya…pwede kahit sa paso o junk na plastic containers
kung sa mga lunsod naman, PERO HINDI GINAGAWA. May mga nagpipilit na gumamit ng
“sibuyas Bombay” o yong bilog na uri na mahal ang presyo, samantalang pwede
namang gumamit ng “sibuyas dahon” o spring onion na noon pang unang panahon ay
ginagamit na ng mga Pilipino. Ang “sibuyas dahon” ay pwedeng itanim kahit sa
mga maliliit na lata o sa gilid ng bakod, PERO HINDI GINAGAWA. Hindi pwedeng
sabihin na may mga putahe na ang dapat gamitin ay “sibuyas Bombay” , pero kung
panahon ng kakapusan, ang dapat pairalin ay RESOURCEFULNESS at ADJUSTMENT upang
mapunan ang matinding pangangailangan. BAKIT IPIPILIT ANG HINDI KAYA?
Ang mga guro ay dapat ding kumilos sa pagsabi sa kanilang
mga mag-aaral bilang paalala tungkol sa mga bagay na pwede nilang gawin tulad
ng pagtanim ng gulay upang mabawasan ang problema ng kanilang pamilya sa
pagkain dahil hindi na bibili at sa halip ay pipitas na lang sa garden, pero
ang tanong ay, GINAGAWA BA NILA? Palagi din ba silang nagpapayo sa mga
mag-aaral na palaging kumain ng gulay para sa kanilang kalusugan, maliban sa
mahal ang isda at karne? Kasalanan ng KARAMIHANG Pilipino kung bakit
nagkakaroon ng problema sa pagkain ang bansa. Kasama diyan ang nabanggit nang
KATAMARAN sa pagtanim ng gulay. Idagdag pa diyan ang KAYABANGAN at BUWISIT NA
UGALING PAGTIRA NG PAGKAIN SA PINGGAN.
Ang isang paraan upang makatipid sa bigas ay ang pagkain ng
NILAGANG KAMOTE, SAGING AT KAMOTENG KAHOY KUNG MINSAN, PERO HINDI GINAGAWA
DAHIL SA TINGIN NG MARAMING PILIPINO, ANG MGA NABANGGIT AY PAGKAIN NG
MAHIHIRAP…HINDI TULAD NG PUTING BIGAS NA SOSYAL. Para sa mga mayayabang na
Pilipino, nakakahiyang malaman ng kapitbahay na kumakain sila ng nilagang
kamote sa almusal. Para sa mayayabang na estudyanteng mahirap din naman ang
pamilya, nakakahiyang magbaon sa school ng nilagang talong o talbos ng kamote o
ginisang sitaw…dapat ay hotdog o longganisa o piniritong tuna o hamburger o
isda….diyan lumalabas ang kasalanan ng magulang na nagkulang sa pagdisiplina sa
mga anak….silang mga magulang na umuutang ng pambili ng pambaong hotdog,
lonnganisa, etc.
Naging ugali na ng Pilipino ang palaging manisi sa gobyerno
kapag may problema…okey lang sana kung malinis ang gobyerno pero hindi, dahil
sa mga korap na nakaupo sa iba’t ibang ahensiya nito. At kahit malinaw pa sa
sikat ng araw na walang mangyayari sa mga reklamo, ay wala pa ring ginagawang
paraan upang kahit papaano ay mabawasan ang paghihirap. Ginagamit pa ng mga
grupong may pansariling layunin ang mga estudyante, kasama na ang mga
tinaguriang mga iskolar ng bayan upang mag-rally sa kalsada at magsisigaw ng
mga nagtataasang presyo kaya kailangang itaas ang sahod.
DAHIL SA MGA NABANGGIT, PAANONG UUSAD ANG PILIPINAS NA PILIT
BINABAGO NI DUTERTE?...ASAHAN NA KAPAG NADAGDAGAN ANG PROBLEMA SA PAGKAIN,
PRESIDENTE NA NAMAN ANG SISISIHIN….KAWAWANG DUTERTE NA MAGANDA SANA ANG MGA
LAYUNIN.
ANG MALAKING TANONG AY, NAKIKIPAGTULUNGAN BA SA KANYA ANG
MGA MAMAMAYAN?
Discussion