Ang Pilipino
Posted on Saturday, 10 February 2018
Ang Pilipino
Ni Apolinario Villalobos
Ang bawa’t Pilipino ay may mga obligasyon tulad ng mga
sumusunod:
·
Pagsuporta sa military at kapulisan sa pagsugpo
ng kriminalidad upang magkaroon ng kapayapaan sa paligid.
·
Pagtulong sa LGU tulad ng simpleng paglinis ng
kalsadang natapatan ng bahay, o hindi pagtapon ng basura kahit saan lang lalo
na sa gilid ng highway, na upang hindi mahalata ay inilagay pa sa shopping bag.
·
Pagbigay ng suggestion sa LGU kung ano ang dapat
gawin sa mga problema sa halip na makipagtsismisan agad sa mga umpukan kapag
may nangyari. Nakakatulong sa effort na ito ang mga homeowners associations at
purok organizations.
·
Pagbayad ng tamang buwis.
·
Pagprotekta sa imahe ng bansa at pagsulong ng
respeto sa bandila.
·
Pagpapakita ng magandang ugali, anumang uri ng
relihiyon ang kinabibilangan.
·
Paggamit ng wikang pambansa sa tamang paraan
lalo na sa pagbigkas ng mga salita.
·
Pagpapairal ng kaugaliang Pilipino tulad ng
paggalang sa matatanda at pagmamahal sa mga anak.
·
Pagpapairal ng ugaling makabayan dahil nag-iisa
lang ang ating bansang sinilangan.
·
Hindi pagnakaw sa kaban ng bayan at paglinlang
sa kapwa tulad ng ginagawa ng mga korap sa gobyerno at illegal recruiters,
respectively.
·
Hindi pagbenta ng droga at pag-rape sa mga
inosenteng bata.
Ang
pagiging Pilipino ay nagsisimula sa tahanan kung saan unang nililinang ang
ugali ng kabataan at pinagpapatuloy ng mga guro sa mga paaralan kung saan naman
sila natuturuan ng mga dagdag-kaalaman na kailangan nila sa pagharap sa mga
pagsubok habang sila ay naghahanda para sa kanilang hinaharap. Ang pagiging
mabuting Pilipino ay dapat ding ipaalala ng mga simbahan na kinaaaniban ng mga
mamamayan.
Discussion