Showing posts with label Imelda Marcos. Show all posts

0

September 21...the day democracy died in the Philippines

Posted on Wednesday, 20 September 2017

September 21
…the day democracy died in the Philippines
By Apolinario Villalobos

Indeed, September 21 gained prominence in the history of the Philippines as the day democracy died because of the Martial Law declared by the late Ferdinand Marcos. Among the reasons cited for signing the declaration were insurgency, Communism, corruption in the government…all of which were deterrent to the advancement of the country’s economy. After the declaration, the Marcos government became a beehive of activities founded on “Bagong Lipunan” or New Society.

Slogans and songs were composed, projects were implemented, infrastructures to support various industries, particularly tourism, mushroomed. In addition to those, permits for logging and mining were issued to hasten the exploit of the natural resources, purportedly to give additional support to the quest of the dictator to put the country ahead of the rest of the Southeast Asian nations. Marcos succeeded as he gained prominence and looked up to with awe and admiration by the rest of ASEAN nations. He inspired Lee Kwan Yew to transform Singapore into what it is today.

Along with the so-called progress, military and police abuse also gained prominence resulting to the incessant rallies. The notoriety of “METROCOM” was the talk of the town, as well as, the disappearance of prominent student leaders. Political personages who belonged to the opposition were dragged out of session halls and their homes to be locked up, including Benigno S. Aquino.

What has the country gained? Obviously, Manila became the cultural center of Asia, what with the springing up of the Cultural Center Complex along Roxas Boulevard that included, The Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, the former Philippine Plaza Hotel (today, Sofitel), the cluster of squat buildings for agro-industrial exhibit and shows. Marcos became the new “tiger of Asia”. The Philippines soared as the new leader of Southeast Asian nations. Thankfully, there was no suppression of religion. The illegal drug “industry” was somewhat controlled with the execution of a Chinese drug lord in Rizal Park.

On the other hand, the Marcos take-over and control of various corporations was overwhelming. The act was decently dubbed “sequestration” to give it a legal impression….nothing personal. But the book written by Jovito R. Salonga, “Presidential Plunder…The Quest for the Marcos Ill-Gotten Wealth”, tells all about the staggering number of sequestered corporations controlled by the family and their allies. The book also tells how money is transferred from Manila to the banks in America for spending during their trips, as well as, the acquired properties in the land of Uncle Sam. The author was the first Commissioner of the Philippine Commission on Good Government, a misnomer, as the agency was supposed to concentrate on the ill-gotten wealth and not the issues on good governance.

During the time of their prominence, Imelda was quoted, “WE PRACTICALLY OWN EVERYTHING IN THE PHILIPPINES, FROM ELECTRICITY, TELECOMMUNICATIONS, AIRLINE, BANKING, BEER AND TOBACCO, NEWSPAPER PUBLISHING, TELEVISION STATIONS, SHIPPING, OIL AND MINING, HOTELS AND BEACH RESORTS, DOWN TO COCONUT MILLING, SMALL FARMS, REAL ESTATE AND INSURANCE”. This is the caption in the photo showing Imelda and Ferdinand Marcos in the same aforementioned book written by Salonga.

But the big question now is…HAD IT NOT BEEN FOR THE MARCOSES, WOULD THERE BE CULTURAL CENTER COMPLEX, PHILIPPINE HEART CENTER, PHILIPPINE KIDNEY CENTER, THE BETTER LRT (COMPARED TO THE NEW ONE), EXPANSION OF THE PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL, ETC, AT THE RATE PLUNDERING IN THE GOVERNMENT IS GOING?

TODAY, EVEN A FEW KILOMETERS OF HIGHWAYS ARE SHODDILY CONSTRUCTED, BRIDGES ARE BUILT OF INFERIOR MATERIALS, PROJECTS ARE LEFT UNFINISHED, EVEN THE SHELTERS FOR THE DISASTER VICTIMS ARE BUILT OF INFERIOR MATERIALS. AFTER MARCOS, ILLEGAL DRUGS HAD AND ARE STILL HAVING A HEYDAY…ALTHOUGH, DUTERTE IS DOING HIS BEST TO CONTROL IT.

Finally, my advice as a mere “chirp in the wilderness” to President Duterte, is to tone down his praises to the Marcoses as the more praises he utter, the more supporters he losses. It is enough that he has let the whole world know that his family owes a lot to the Marcoses…with such pronouncement, he has already shown his gratitude more than enough.








0

Dapat Maghinay-hinay si Senador Marcos

Posted on Wednesday, 24 September 2014



Dapat Maghinay-hinay si Senador Marcos
Ni Apolinario Villalobos

Nagkaroon ng pagkakataong mapasentro sa limelight si Senador Marcos dahil sa usapin tungkol sa Bangsamoro. Dapat mag-ingat siya at alagaan niya itong pagkakataon upang hindi masayang at biglang maglaho nang dahil lamang sa mga sasabihin niya sa media tungkol sa kanyang ama na talaga namang kinilalang diktador noong kapanahunan nito. Tumagal ang tatay niya sa poder dahil nagdeklara ito ng Martial Law, hindi dahil marami siyang ginawang kabutihan o dahil gusto siya ng mga Pilipino – yan ang dapat niyang tandaan. Ang sobrang pagnanasa sa kapangyarihan ang nagpabulusok sa kanyang tatay na ikinasama ng imahe nito na maitatala sa kasaysayan ng Pilipinas bilang kinamumuhiang diktador.

Walang bigat ang pagiging sundalo ng kanyang ama noong WWII upang ito ay dapat na mailibing sa Libingan ng Mga Bayani o kundi man ay sa kanilang bayan pero may full military honor bilang “bayani”. Maraming sundalo noong WWII na nabigyan ng maraming medalya, hindi lang ang tatay niya. Ang ibang sundalong nabigyan ng ganitong karangalan ay nagpilit na magpakita ng karapatan hanggang sila ay mamatay. Ang dangal naman ng kanyang tatay, bilang presidente noon ng bansa ay nabahiran ng putik ng pagkasuklam ng mga Pilipino na nakapansin ng mga iregularidad sa unang termino pa lang nito, at lalong lumala noong patapos na ang kanyang ikalawang termino. At dahil ayaw nang bumitaw sa pwesto ay nagdeklara ng Martial Law na taliwas sa demokrasyang pinaglalaban ng mga Pilipino. Paano ngayon siyang ituturing na bayani, kung ang ginawa niya sa huling yugto ng kanyang panunungkulan ay hindi ayon sa adhikain ng mga Pilipino? Kaya dapat tumigil na siya sa pagturing na “bayani” ang kanyang tatay. Siguro para sa kanila bilang pamilya nito, ay okey lang, subali’t hindi para sa mga Pilipino.

Akala ni Senador Marcos ay nakakabuti ang pagpipilit niyang makasama sa usapan ng Bangsamoro sina Misuari at Umbrakato. Sa simula pa lamang ay gusto na ni Misuari ang magtiwalag sa bansa. Kaya ito naging gobernador ng ARRM noon ay dahil na rin sa kagagawan ng dating presidenteng Cory Aquino na nagpakitang gilas, in the name of reconciliation. Ang pananahimik ni Misuari sa Middle East ay binulabog ng “pakiusap” na umuwi. Ginawan ng paraan upang maging gobernador, subali’t sa kabila ng malaking pondong ibinigay dito, walang nakitang pagbabago sa mga nasasakupang bayan at probinsiya, lalo na sa Jolo na balwarte pa naman niya. Pati ibang lider ng MNLF ay lumayo sa kanya dahil hindi na nila matiis ang mga maling panukala nito. Upang makakuha uli ng atensiyon, ginulo ni Misuari ang Zamboanga…at ang sumunod ay pagpapakita na naman ng isang mukha ng kapabayaan sa panig ng gobyerno - ang paghihirap ngayon ng mga taga-Zamboanga. Si Umbrakato naman ay itinuring na noon pa man na “berdugo” dahil sa walang katuturang pananalakay sa mga bayan at pagpatay kahit na mga babae at bata. Ngayon, ano pang matinong ideya ang pipigain sa dalawa upang magamit sa usapan tungkol sa Bangsamoro?

Kung gusto ni Senador Marcos na magkaroon ng bahagi sa usapin ang MNLF, bakit hindi imbitahan ang mga namumuno sa ibang faction nito?

Paalala lang kay senador Marcos…palaging nasa huli ang pagsisisi!

0

Tacloban Noong Panahon ni Marcos

Posted on Sunday, 6 July 2014



Tacloban Noong Panahon ni Marcos
Ni Apolinario Villalobos

Noong panahong presidente ng Pilipinas si Ferdinand Marcos, ang trabaho ko sa Philippine Airlines ay bilang editor ng isang magasin nitong pangturismo, ang TOPIC Magazine. Para sa isang isyu, nagbiyahe ako sa Tacloban kung saan ay may istasyon ang kumpanya. Ang balak ko ay galugarin ang buong lalawigan ng Leyte upang mai-feature sa magasin, pero nakasentro sa Tacloban bilang pangunahing lunsod at kinaroroonan ng airport.

Sa lumang domestic airport sa Baclaran, maraming mga naka-unipormeng sundalo, marami ring naka-polo barong na sabi sa akin ay mga security personnel daw. Dahil hindi ako maurirat, hindi na ako nagtanong pa. Na-delay ang departure namin dahil may “problema” daw. Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay, pinasakay na kami, subali’t napansin kong may isa pang eroplanong unang lumipad ng halos kalahating oras.

Pagdating sa Tacloban, nasilip ko sa bintana ng eroplano na maraming tao sa rampa ng terminal. Nang nakababa na kami, pupunta sana ako sa opisina ng station manager ng PAL, subali’t sa di-kalayuan, nakita ko si Imelda Marcos. Ang ganda pala talaga! Dahil may kamera ako, isinet ko ito upang kunan siya na ilang metro lang ang layo sa akin, subali’t may pumigil sa kamay ko sabay hawak sa kamera. Nagtanong ang naka-short sleeved na barong kung may ID ako. Ipinakita ko ang PAL ID ko. Sabi niya hindi ito, yong official media ID. Nang malaman niyang wala ako noon, pinilit niyang kumpiskahin ang kamera ko at PAL ID, mabuti na lang at nilapitan kami ng station manager namin at  sinabihan ang security officer na official business ang biyahe ko sa Tacloban napasabay lang sa biyahe ni Imelda ang flight. Chartered flight pala ng First Lady ang halos kasabay naming eroplano.

May tinawagan ang station manager namin na taga-Department of Tourism, pinaalam na dumating na ako. Inasikaso na pala ang schedule ko sa pag-ikot sa Leyte at tutulong ang Department of Tourism. Sa pinagmamalaki nilang Leyte Park Hotel ako pinatuloy. Kinahapunan mismo, dinala ako sa Sto. Shrine, kung saan may activities din ang grupo ng First Lady. Ayaw kong lumapit sa grupo dahil na-trauma ako. Sinilip ko na lang ang mga kwarto na may iba’t ibang motif na batay sa mga touristic regions ng Pilipinas. Unang gabi ko sa Tacloban nagdusa ako sa loose bowel movement o lbm, dahil marami akong nakaing “moron”, isa sa mga tanyag na kakanin ng Leyte. Nag-alala ako dahil may appointment ako kinabukasan kay Kokoy Romualdez na kapatid ng First Lady, at noon ay commodore din ng Philippine Navy.

Mabait si Kokoy Romualdez. Siya mismo ang nag-asikaso sa akin kinabukasan nang magkita kami sa pantalan. Isang PT boat ng navy ang nagdala sa amin sa Diyo Island na may mga pasilidad din para sa seminar. Sa Isla din dinadala ang mga dignitaryong bisita ng bansa na inaaliw ng mga international artists, mga singers at piyanista. Iniwan ako sa Diyo Island upang matulog ng isang gabi. Kinabukasan, si Kokoy pa rin ang sumundo sa akin, at pagdating sa pantalan pinahatid pa niya ako sa opisina ng Department of Tourism.

Bagong gawa ang mga shrine na tourist attractions sa Tacloban noon, kaya maswerte ako. Nangingintab pa ang mga piguring tanso nina MacArthur sa Landring Shrine, pati ang mga markers ng iba’t ibang landing sites niya sa Leyte noong WWII, nang bumalik siya bilang pangako noong October 20, 1944. Ang mga shrines na madalas puntahan ng mga turista at mga estudyante ay ang Guinhagdan Hill o Hill 522 at ang isa pa ay ang Hill 120 kung saan ay unang itinayo ang bandila ng Pilipinas bilang sagisag ng liberation.

Maliban sa mga WWII shrines, maraming magagandang beaches malapit sa lunsod ng Tacloban na ang pinakatanyag ay nasa Tolosa. Ang dalawang madalas ding puntahan ng mga turista ay ang mga isla ng Biliran at Gigatangan. Kung talon naman o waterfall, nandiyan ang Tomalistis at Balugo, at kung mainit na bukal, nandiyan ang Mainit Spring. Karapat-dapat ding banggitin ang Rizal Park at Botanical Garden ng University of the Philippines.

Lahat ng mga nabanggit ay maaaring nahagupit ng typhoon Yolanda at maaaring pilit na inaayos. Ganoon pa man, ang hindi kayang hapayin ng anumang dilubyo ay ang kultura na ang isang bahagi ay may kinalaman sa pagkain. Ang mga Taclobanon ay pinagmamalaki ang kanilang “bahalina” o “siyete biyernes”, alak na gawa sa tuba ng niyog at “pinahinog” sa pagkaka-imbak ng matagal. Meron ding silang “binagol”, kakaning nasa bao ng niyog, at “piῆato”, local version ng pop rice. Isama pa diyan ang “moron”, isang suman na gawa sa giniling na malagkit na bigas at mani.

Tinawid din namin ang San Juanico Bridge na nilundagan ni Dante Varona para sa isang eksena ng pelikula. Malaking tulong ang nasabing tulay sa mga biyaherong papuntang Manila, na galing pang Mindanao . Napansin ko ang luntian at magubat na Leyte Mountain Trail. Natanim sa isip kong gawan ng paraan upang maakyat ang mahabang bundok ng PAL Mountaineering Club sa pamumuno ni John Fortes, na nangyari naman kinalaunan. Tinawid ng nasabing mountaineering club ang mountain trail mula sa Burauen, Leyte at bumaba sa bahagi ng Ormoc. Nagawa ito sa loob ng apat na araw sa kabila ng sama ng panahon. Ang pinakamatanda sa grupo ay si “Nani Quinto” isang babaeng mahigit sixty years old, guest climber na galing pa sa Davao.

Sa paghagupit ng typhoon Yolanda sa Tacloban, isa ako sa mga nalungkot. Sa isang magdamag, humapay ang mga pinaghirapang itayong mga istruktura na dapat sana ay mga palatandaan ng isang maasensong lunsod sa bahaging ito ng Pilipinas. Isa ang Tacloba sa pinakatanyag na puntahan ng mga turistang mahilig sa nature at sa kasaysayan. Hitik ang Leyte Mountain Trail sa mga likas na yaman. Ang kapansin-pansin ay ang hindi man lamang pagkatinag ng San Juanico Bridge, na nagpapahiwatig ng maayos nitong pagkagawa – matibay, hindi tulad ng ibang mga tulay na ginawa pagkalipas ng administrasyon ni Marcos, na simpleng ihip lang ng hangin ay sira na, dahil sa nipis ng bakal na ginamit.

Ngayon, pilit na tumatayo ang mga Taclobanon upang muling maibalik sa mapa ng turismo ang kabuuhan ng Leyte na sa tingin ko ay talagang mangyayari, sa kabila ng pamumulitika ng ibang mga tao ng kasalukuyang administrasyon na nagsisilbing sagabal. Subali’t dahil likas na ang katibayan ng pagkatao ng Pilipino, siguradong makakabawi din ang Tacloban.