Showing posts with label Tacloban. Show all posts

0

Joery Falloria: Surviving Typhoon Yolanda and Life's Excruciating Challenges (...unsung hero of Philippine Airlines)

Posted on Thursday, 10 March 2016

Joery Falloria: Surviving Typhoon Yolanda
And Life’s Excruciating Challenges
(…unsung hero of Philippine Airlines)
By Apolinario Villalobos

Just like most of Philippine Airline marketing and airport personnel, Joery started his career at the lowest rung of the airline’s corporate ladder which is his case was as a porter. Although, the trainings involved courses on cargo handling, passenger check in, basic domestic ticketing, and customer handling, the employee of “long ago” cannot say no, if he was assigned at the airport to haul carry checked-in baggage and cargoes on tow carts from the terminal to the aircraft. This was what Joery experienced when he joined the airline.

The kind of exposure that an employee gets has been actually designed to toughen and prepare him for more responsibilities ahead as he advances in his career. It makes the employee some kind of a well-rounded guy – an airline man who can later handle responsibilities as manager. Joery has marshaled incoming aircrafts to guide them to their slot in the tarmac, computed weights to be loaded for safe flight,  which included those of cargoes, checked-in and carry-on baggage, as well as passengers that also include the crew and paying ones.

Along the way, he was also trained to handle PAL customers, be they walk-ins who would like to make inquiries or purchase tickets. To cap this particular training, he was also fed with knowledge on values and attitudes to maintain the high quality of service standards that his person should exude. It was a long journey for Joery from the airport ramp as loader to his present managerial position as Head of the Tacloban Station. It was a journey beset with financial difficulty and emotional pressure. But he made it….on August 15, 2015, he was designated as Officer-In-Charge of Tacloban Station, a managerial position.

It was while navigating his challenging career path that he met Pomela Corni Tan who eventually became his wife, and who gave him two offspring, Anthony who is now a registered Nurse working with the Davao Doctors’ Hospital, and Mary Rose, on her second year of Veterinary Medicine course at the VISCA in Baybay City.

The typhoon Yolanda devastated Tacloban to the maximum, and recovery was even more challenging, as Joery and his local PAL team, worked hard to rise from such disheartening situation. To make PAL operational again, he had to coordinate with concerned government agencies and the head office in Manila for replacement of lost equipment and office supplies, as well as, reconstruct destroyed records. The story of recovery that was woven around the effort of the PAL Team, with Joery at the helm, was just one of the many that inspired many people around the world.

With Tacloban City propped back to normalcy, Joery resumes his overall administration of the whole Tacloban station that includes routine calls on travel agents, issuance of tickets and airport operation. His free time is spent on spiritual-related activities of the Our Lady of Lourdes Parish, being a Lay Minister. He is also an active officer of their homeowners’ association.


Over a simple lunch at the canteen of SSS near the PAL Administrative Offices in PNB building, he confided that he feels blessed for working with the airline. And, as the company is in its recovery stage, he has committed himself to do his best as part of the team. In a way, Joery has survived the various changes at the top management of the airline…just like the survival that he experienced when typhoon Yolanda devastated their city.


0

"Bahay namin ito...."

Posted on Sunday, 11 January 2015



“Bahay namin ito…”
Ni Apolinario Villalobos

Nang bumili ako ng kendi sa isang babaeng nakaupo malapit sa isang kubol na puno ng mga itinambak ng balutan, ay napatingin ako sa dalawang batang lalaki na nagsisiksikan sa kapirasong espasyo sa ilalim ng habong na nag-iisang kumot. Ang isa ay nagbabasa ng libro na pang-elementarya habang nakahiga, at ang isa naman ay nagsusulat sa isang notebook. Napansin ako ng nagsusulat na bata at walang kagatul-gatol na nagsabing “bahay namin ito…” sabay ngiti. Nang tingnan ko ang babae, bahagya itong tumango. Nang tanungin ko siya kung ano niya ang mga bata, mga anak daw niya. Ang gulang ng babae ay kalalampas pa lang sa kuwarenta at ang mga batang halos magkasunod ang gulang ay nalaman kong sampu at labindalawang taon. Nang magtanong ako kung saan ang asawa niya, sabi niya ay namatay daw sa kasagsagan ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Nakitira daw sila sa pinsan niya sa di-kalayuang squatter’s area subalit hindi sila tumagal dahil nalaman niyang nagtitinda pala ito ng aliw sa isang beerhouse sa Airport Road sa Baclaran at naaasiwa siya tuwing magdala ito ng kostumer sa bahay. Ganoon ang style ng pinsan niya upang ang pang-hotel ay ibigay na lang din sa kanya ng kostumer. Kahit walang mapuntahan, nag-alsa balutan sila at hinakot ang mga gamit na pansamantalang inilagak sa tabi ng pader ng isang bakanteng lote. Kalaunan, dahil talagang walang mapuntahan, sinubukan nilang maglagay ng mga habong gamit ang ilang kumot. Ang ilang araw ay naging mga linggo hanggang inabot na sila ng halos isang taon sa lugar na yon. Nagtinda siya ng sigarilyo, kendi, mga biskwit at kape sa tabi ng kanilang “bahay”. Dala ang referral para sa transfer ng mga bata, naipasok niya ang mga ito sa isang paaralan na ang layo ay pwedeng lakarin.

Nang umagang yon, nagluluto ang babae ng paksiw na dilis na sasapawan niya ng talbos ng kamote. Nakita ko sa isang tabi ang dalawang balot ng tutong na kanin, na sabi niya nabili niya sa suking karinderya, hindi rin kalayuan. Noong una ay binibigay lang daw sa kanya ang tutong, subalit nahiya na rin siya bandang huli dahil palaging nagpaparinig ang anak ng may-ari ng hindi maganda. Ang tawag pa sa kanya ay Badjao. Tiniis na lang niya at nagbayad ng limang piso bawat balot ng tutong na marami naman. May nililinis daw siyang dalawang puwesto sa talipapa at maayos naman daw ang bayad sa kanya, at kung minsan ay binibigyan siya ng tirang isda, tulad ng niluluto niyang dilis nang umagang iyon.

Sa inasal ng mga bata sa kubol ay sumagi sa isip ko ang mga kasinggulang nila na halos ayaw pumirmi sa bahay. Sa halip ay mas gusto pang magbabad sa internet shop upang maglaro. Naalala ko rin ang isang kaibigan kong madalas magreklamo dahil sa taas ng kuryente gayong hindi naman pinapatay ang TV kahit walang nanonood. Minsan pa ay muntik na silang masunog dahil sa kaburarahan niya sa pag-iwan ng plantsang hindi binunot ang kurdon sa saksakan. Naalala ko rin ang mag-asawa na madalas mag-away dahil gusto ng babae ay palitan ang kotse nila ng mas bagong modelo kahit ang ginagamit nila ay wala pang isang taong nabili. At, ang isa pang sumagi sa isip ko ay ang kuwento ng kumpare ko tungkol sa hindi pagpipirmi ng asawa niya sa bahay dahil lakwatsera. Hindi man lang daw ito nagluluto, sa halip ay bumibili lang daw ito ng pagkain nila sa karinderya.

Noong pasko, natuwa ang mga bata sa ibinigay naming ilang pirasong recycled na mga notebook, mga lapis at ballpen, mga bag na second hand, at mga t-shirt na nabili sa ukay-ukay. Ang nanay naman ay tuwang-tuwa sa body bag na noon pa niya pinangarap na magkaroon dahil sa trabaho niya. Natuwa rin siya sa thermos na pandagdag gamit sa pagtinda niya ng kape. Kahit pangako pa lang, napaiyak ang babae nang marinig na pag-iipunan namin ang pamasahe nilang mag-iina pauwi sa Tacloban kapag bakasyon na ang mga bata sa klase, sa Marso. At, dahil hindi pa pala sila nakapasyal sa Luneta, ay isinabay namin sila sa isa pang pamilya na dinala namin pagkalipas ng pasko upang makaiwas sa dagsa ng namamasyal.

Hindi na nabura sa isip ko ang may pagmamalaki ng bata sa pagsabi na bahay nila ang kubol na may kapirasong habong, kaya tuwing ako ay papasok na sa bahay ko, nagpapasalamat akong may nauuwiang tirahan na ang bubong ay  yero, may mga dingding, pinto, bintana…at may kubeta!

0

Pagkatapos ng Hagupit ni Ruby - sisihan at turuan na naman!

Posted on Tuesday, 9 December 2014



Pagkatapos ng Hagupit ni Ruby –
Sisihan at Turuan na naman!
ni Apolinario Villalobos

Hindi na nawala sa kultura ng gobyerno ang magturo at manisi kung may nangyaring kalamidad. Walang katapusang sisihan ang palaging nangyayari tuwi na lang matapos humagupit ang bagyo, tulad ng nangyari pagkatapos manalanta ang bagyong Ruby. At, ang Malakanyang naman ay walang ginawa kundi ang magtakip sa mga kakulangan ng ahensiyang pumalpak, sa halip na mangako ng masusing imbestigasyon upang mabawasan ang sama ng loob ng mga tao.

Ang sabi ni Ping Lacson ay dapat daw kasuhan ang mga kontraktor na nagpasimuno sa paggawa ng mga bunkhouses na pagkatapos gastusan ng malaki ay nasira din ng bagyong Ruby dahil sa kahinaan ng mga materyales na ginamit.  Mga kontraktor lang ba? Paano ang mga opisyal ng DPWH na sangkot? Paano siya mismo na siyang “czar” ng rehabilitation? May kasabihang kapag ang isang tao ay nanduro o nagturo ng isang daliri sa kanyang kapwa, ang tatlo naman niyang daliri ay nagtuturo sa kanya! Kung maaalala, si Ping Lacson ang unang nagbunyag ng anomalya tungkol sa mahihinang klaseng materyales na gagamitin sa pagpagawa ng bunkhouses. Naging sikat agad siya sa mga diyaryo, radyo at TV. Marami ang nagpasalamat dahil nagsalita siya bilang isa sa magpapatunay na may korapsyon sa gobyerno. Subalit pagkatapos niyang makipag-miting sa pangulo, biglang kumambyo ang kanyang pananalita – underdelivery lang daw ng materyales ang nangyari – walang anomalya! Ang ginawang Master Plan sa rehabilitasyon, napirmahan after one year mula nang manalanta ang bagyong Yolanda!

Mabuti na lang at maagap ang media sa pagpilit na talagang may anomalya sa pagpapagawa ng mga bunkhouses, sabay pakita sa TV ng mga yerong ginamit na animo ay karton kung tupiin ng isang matanda at pamakuang kahoy na walang anuman nang kanyang baliin. Ipinakita rin ang mga coco lumber na animo ay panggamit lang sa kulungan ng aso, sahig na yari sa plywood, at mga poste na ang sukat ay angkop lang sa kulungan ng manok. Wala yatang TV sa Malakanyang at hindi nagbabasa ng diyaryo ang mga opisyal!

Tulad ng dati, maagap sa pagsalo ang Malakanyang sa pagsabi na kahit nasira ng bagyong Ruby ang mga bunkhouses, napakinabangan din naman kahit papaano, dahil “temporary shelter” lang naman daw talaga ang mga ito.  Ganoon lang????!!!!Kung ganoon kalabo ang mga sinasabi ng Malakanyang, talagang walang mangyayari sa tuwid na daan na pinagyayabang ng pangulo ng bansa, dahil nangangahulugang dahil sa kalabuan ng paligid hindi ito matatahak ng maayos, at ang matindi ay hindi pa ito mahanap kung saan ba talaga!

Hindi naipapatupad ang rehabilitation policy na dapat ay maayos na hindi hamak kaysa dati ang mga gagawin. Ngayon lang nabunyag sa publiko ang patakarang ito. Mayroon pala nito, bakit hindi pinatigil agad ang mga proyekto sa simula pa lang nang makitaan ang mga ito ng anomalya? Bakit nagbulag-bulagan ang DPWH? May natapalan bang mga mata?

Ang tanong ng marami, ay hanggang kaylan ang “temporary” na sinasabi ng Malakanyang kung hanggang ngayon ay wala pang linaw ang rehabilitation program para sa Tacloban at karatig lalawigan na sinalanta ng bagyong Yolanda, dahil kapipirma lang nito ng Pangulo? Hanggang walang linaw kung saan magkakaroon ng permanenteng tirahan ang mga sinalanta ng bagyo, sa “temporary shelter” sila titira. At dahil sa kakuparan sa pagkilos ng gobyerno, baka magka-apo na lang ang nga bakwet sa mga bunkhouses, ay hindi pa sila nakakaalis dito!

Simple lang naman kasi ang dapat sabihin ng Malakanyang dahil malinaw na nakikita ang resulta ng ginawa ng DPWH at mga kontraktor nito: “paiimbistigahan natin ito upang matukoy ang mga taong maysala”…yong lang, wala nang iba. Subalit, hindi yata kayang masabi dahil ni isa sa mga tauhan nitong lampas ulo na ang mga kaso ay kinakanlong pa rin at pilit pinagtatakpan…hanggang ngayon!

At si Ping Lacson naman, sana sa pagkakataong ito ay magpakita ng maski kapiranggot na simpatiya sa mga nasalanta ng kalamidad sa pagmamatigas na magkaroon ng masinsing imbestigasyon upang maparusahan ang maysala. Aminin din niya kung may pagkukulang siya blang “czar” na ang papel ay tagabantay, tagapuna, tagagawa ng report na kung hindi pansinin ay sa media na lang niya ipalabas, para hindi iisipin ng taong bayan na wala siyang ginagawa.


0

Pinalala ng Report ni Lacson Ang Sama ng Loob ng mga taga-Tacloban

Posted on Monday, 10 November 2014



Pinalala ng Report ni Lacson
Ang Sama ng Loob ng mga taga-Tacloban
Ni Apolinario Villalobos

Nakakalula ang inireport na impormasyon tungkol sa kabuuhan ng mga donasyon ayon sa  Department of Finance, na umabot sa 199.48 bilyon pesos. Maliban pa rito ang nakakalat na iba pang donasyon na hawak ng iba’t- ibang NGOs. Pinuri ng iba’t ibang international organization ang ginagawa ng pamahalaan na rehabilitasyon ng mga nasalanta – ito yong mga organisasyon na inuutangan ng Pilipinas. Maalala na sa kabila ng makatotohanang paghihirap ng Pilipinas ay pinuri pa si Pnoy ng Asian Development Bank – isa sa pinakamalaking nagpapautang sa Pilipinas. Isa lang ang pinapahiwatig ng mga papuri sa Pilipinas – pwede na namang umutang! Kaya halos wala pa ngang nararating ang rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda, at sa kabila ng hindi pa halos nagagalaw na mga donasyon, tinutulak na naman ang Pilipinas ng mga animo ay lintang nagpapautang na mga ahensiya upang lalong mabaon sa obligasyong pinansiyal ang mga Pilipino.

Ang sinasabi ni Lacson na inaadbans na alokasyon ng Tacloban mula sa Department of Budget and Management ay hindi dapat na isama sa mga donasyon na pangrehabilitasyon. Ang mga donasyon ang dapat na ginagamit at hindi ang regular na alokasyon mula sa gobyerno sa mga proyektong pangrehabilitasyon. Kung hindi makikibahagi sa mga donasyon ang Tacloban, saan gagamitin ang mga ito? Kung walang mga donasyon, may dahilan ang paggamit ng regular na budget, subalit meron nga. Bakit iniipit ng Malakanyang ang mga donasyon? Ang mababaw na sagot ng Presidente ay “nag-iingat” lang daw sila. Kaya pala inaprubahan niya ang Master Plan sa rehabilitasyon ng Tacloban na sinumiti ni Lacson, pagkalipas ng isang taon na hagupitin ito ng bagyong Yolanda! Talagang maingat!

Ang pinagmamalaki ng gobyerno na mga temporary na pabahay ay ginamitan ng mga materyales na mababa ang klase, kaya wala sa kalingkingan kung ihambing sa mga proyekto ng mga local at foreign NGOs, na permanente nang tirahan – pangmatagalan. Pinababayaran pa ng gobyerno ang “pabahay” sa loob ng limang taon, kaya sa mga interbyu, may mga taga-Samar na naglabas ng sama ng loob dahil baka hindi umabot ng dalawang taon ang bahay, gayong magbabayad sila sa loob ng limang taon!

Si Lacson ang unang nagbulgar ng katiwalian sa pagbili ng materyales ng mga temporary bunkhouses para sa mga nasalanta ng bagyo, subalit pagkalipas ng ilang araw, nakapagtatakang binawi ang report at sinabi na lang na under-delivery lang daw ang nangyari. Ibig sabihin, hindi nasunod ang mga nasa listahan, pilit pinagtatakpan ang isyu sa kalidad ng mga materials. Sa isang TV interview sa matanda na nakatanggap ng mga materyales, pinakita niya ang pagbali ng kahoy at pagtupi ng yero, nang walang kahirap-hirap!

Sa mata ng Pilipino, walang nangyari sa pagka-czar ni Lacson sa rehabilitasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Siya mismo ang umamin na limitado ang kanyang kapangyarihan na halos ay hanggang paggawa ng report lang. Dahil sa kawalan niya ng nagawa makalipas ng halos isang taon, naghanap siya ngayon ng mapapasahan ng sisi, at ang nakita ay ang mayor ng Tacloban. Paano niyang ipaliwanag ang katotohanang ang Master Plan na pinagmamalaki niya ay naaprubahan ng Presidente, pagkalipas ng isang taon mula nang manalanta ang bagyo? At, plano pa lang ang inaprubahan, na ibig sabihin, baka abutin pa ng kung ilang taon bago magkaroon ng katuparan dahil sa sobrang kabagalan ng pagkilos ng mga ahensiya ng gobyerno. At, ang pinakamasakit, sa ganoon katagal na panahon magtitiis ang mga nasalanta bago nila matamasa ang biyaya na dulot ng mga donasyon! At kapag inabot ng bagong administrasyon ang mga iniipit na donasyon…malamang na mananakaw na naman!

Para makumpleto ang pagpasa ng sisi kay Romualdez at todong makapaghugas ng mga kamay, binanggit na naman ni Lacson ang pulitika! Sa ginawa niya, ang bantayog ng kanyang imahe na nirerespeto ng maraming Pilipino dahil sa mga nakakabilib na ginawa niya noong “crime czar” siya, ay biglang gumuho!

Ang hiling ng mga taga-Tacloban nang paulit-ulit…huwag silang gamitin sa mga report na walang katotohanan. Mapagbibigyan kaya sila sa harap ng “kahalagahan” ng Tacloban bilang “model” ng isang matagumpay na rehabilitation program kuno ng gobyerno?

0

Tacloban Noong Panahon ni Marcos

Posted on Sunday, 6 July 2014



Tacloban Noong Panahon ni Marcos
Ni Apolinario Villalobos

Noong panahong presidente ng Pilipinas si Ferdinand Marcos, ang trabaho ko sa Philippine Airlines ay bilang editor ng isang magasin nitong pangturismo, ang TOPIC Magazine. Para sa isang isyu, nagbiyahe ako sa Tacloban kung saan ay may istasyon ang kumpanya. Ang balak ko ay galugarin ang buong lalawigan ng Leyte upang mai-feature sa magasin, pero nakasentro sa Tacloban bilang pangunahing lunsod at kinaroroonan ng airport.

Sa lumang domestic airport sa Baclaran, maraming mga naka-unipormeng sundalo, marami ring naka-polo barong na sabi sa akin ay mga security personnel daw. Dahil hindi ako maurirat, hindi na ako nagtanong pa. Na-delay ang departure namin dahil may “problema” daw. Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay, pinasakay na kami, subali’t napansin kong may isa pang eroplanong unang lumipad ng halos kalahating oras.

Pagdating sa Tacloban, nasilip ko sa bintana ng eroplano na maraming tao sa rampa ng terminal. Nang nakababa na kami, pupunta sana ako sa opisina ng station manager ng PAL, subali’t sa di-kalayuan, nakita ko si Imelda Marcos. Ang ganda pala talaga! Dahil may kamera ako, isinet ko ito upang kunan siya na ilang metro lang ang layo sa akin, subali’t may pumigil sa kamay ko sabay hawak sa kamera. Nagtanong ang naka-short sleeved na barong kung may ID ako. Ipinakita ko ang PAL ID ko. Sabi niya hindi ito, yong official media ID. Nang malaman niyang wala ako noon, pinilit niyang kumpiskahin ang kamera ko at PAL ID, mabuti na lang at nilapitan kami ng station manager namin at  sinabihan ang security officer na official business ang biyahe ko sa Tacloban napasabay lang sa biyahe ni Imelda ang flight. Chartered flight pala ng First Lady ang halos kasabay naming eroplano.

May tinawagan ang station manager namin na taga-Department of Tourism, pinaalam na dumating na ako. Inasikaso na pala ang schedule ko sa pag-ikot sa Leyte at tutulong ang Department of Tourism. Sa pinagmamalaki nilang Leyte Park Hotel ako pinatuloy. Kinahapunan mismo, dinala ako sa Sto. Shrine, kung saan may activities din ang grupo ng First Lady. Ayaw kong lumapit sa grupo dahil na-trauma ako. Sinilip ko na lang ang mga kwarto na may iba’t ibang motif na batay sa mga touristic regions ng Pilipinas. Unang gabi ko sa Tacloban nagdusa ako sa loose bowel movement o lbm, dahil marami akong nakaing “moron”, isa sa mga tanyag na kakanin ng Leyte. Nag-alala ako dahil may appointment ako kinabukasan kay Kokoy Romualdez na kapatid ng First Lady, at noon ay commodore din ng Philippine Navy.

Mabait si Kokoy Romualdez. Siya mismo ang nag-asikaso sa akin kinabukasan nang magkita kami sa pantalan. Isang PT boat ng navy ang nagdala sa amin sa Diyo Island na may mga pasilidad din para sa seminar. Sa Isla din dinadala ang mga dignitaryong bisita ng bansa na inaaliw ng mga international artists, mga singers at piyanista. Iniwan ako sa Diyo Island upang matulog ng isang gabi. Kinabukasan, si Kokoy pa rin ang sumundo sa akin, at pagdating sa pantalan pinahatid pa niya ako sa opisina ng Department of Tourism.

Bagong gawa ang mga shrine na tourist attractions sa Tacloban noon, kaya maswerte ako. Nangingintab pa ang mga piguring tanso nina MacArthur sa Landring Shrine, pati ang mga markers ng iba’t ibang landing sites niya sa Leyte noong WWII, nang bumalik siya bilang pangako noong October 20, 1944. Ang mga shrines na madalas puntahan ng mga turista at mga estudyante ay ang Guinhagdan Hill o Hill 522 at ang isa pa ay ang Hill 120 kung saan ay unang itinayo ang bandila ng Pilipinas bilang sagisag ng liberation.

Maliban sa mga WWII shrines, maraming magagandang beaches malapit sa lunsod ng Tacloban na ang pinakatanyag ay nasa Tolosa. Ang dalawang madalas ding puntahan ng mga turista ay ang mga isla ng Biliran at Gigatangan. Kung talon naman o waterfall, nandiyan ang Tomalistis at Balugo, at kung mainit na bukal, nandiyan ang Mainit Spring. Karapat-dapat ding banggitin ang Rizal Park at Botanical Garden ng University of the Philippines.

Lahat ng mga nabanggit ay maaaring nahagupit ng typhoon Yolanda at maaaring pilit na inaayos. Ganoon pa man, ang hindi kayang hapayin ng anumang dilubyo ay ang kultura na ang isang bahagi ay may kinalaman sa pagkain. Ang mga Taclobanon ay pinagmamalaki ang kanilang “bahalina” o “siyete biyernes”, alak na gawa sa tuba ng niyog at “pinahinog” sa pagkaka-imbak ng matagal. Meron ding silang “binagol”, kakaning nasa bao ng niyog, at “piato”, local version ng pop rice. Isama pa diyan ang “moron”, isang suman na gawa sa giniling na malagkit na bigas at mani.

Tinawid din namin ang San Juanico Bridge na nilundagan ni Dante Varona para sa isang eksena ng pelikula. Malaking tulong ang nasabing tulay sa mga biyaherong papuntang Manila, na galing pang Mindanao . Napansin ko ang luntian at magubat na Leyte Mountain Trail. Natanim sa isip kong gawan ng paraan upang maakyat ang mahabang bundok ng PAL Mountaineering Club sa pamumuno ni John Fortes, na nangyari naman kinalaunan. Tinawid ng nasabing mountaineering club ang mountain trail mula sa Burauen, Leyte at bumaba sa bahagi ng Ormoc. Nagawa ito sa loob ng apat na araw sa kabila ng sama ng panahon. Ang pinakamatanda sa grupo ay si “Nani Quinto” isang babaeng mahigit sixty years old, guest climber na galing pa sa Davao.

Sa paghagupit ng typhoon Yolanda sa Tacloban, isa ako sa mga nalungkot. Sa isang magdamag, humapay ang mga pinaghirapang itayong mga istruktura na dapat sana ay mga palatandaan ng isang maasensong lunsod sa bahaging ito ng Pilipinas. Isa ang Tacloba sa pinakatanyag na puntahan ng mga turistang mahilig sa nature at sa kasaysayan. Hitik ang Leyte Mountain Trail sa mga likas na yaman. Ang kapansin-pansin ay ang hindi man lamang pagkatinag ng San Juanico Bridge, na nagpapahiwatig ng maayos nitong pagkagawa – matibay, hindi tulad ng ibang mga tulay na ginawa pagkalipas ng administrasyon ni Marcos, na simpleng ihip lang ng hangin ay sira na, dahil sa nipis ng bakal na ginamit.

Ngayon, pilit na tumatayo ang mga Taclobanon upang muling maibalik sa mapa ng turismo ang kabuuhan ng Leyte na sa tingin ko ay talagang mangyayari, sa kabila ng pamumulitika ng ibang mga tao ng kasalukuyang administrasyon na nagsisilbing sagabal. Subali’t dahil likas na ang katibayan ng pagkatao ng Pilipino, siguradong makakabawi din ang Tacloban. 

0

Ang Maging * "Bakwet"

Posted on Sunday, 29 June 2014



Ang Maging *Bakwet
Ni Apolinario Villalobos

Ang maging bakwet ay mahirap, iba’y hindi yan alam
Buhay ay walang direksyon at sikmura ay  kumakalam
Animo mga hayop na sa kwadra ay pilit pinagkakasya
Ganitong tanawin, sa evacuation centers ay makikita.

Animo mga preso na sa pagkuha ng pagkain ay nakapila
Dala’y plastic na pinggan, mangkok, kung minsan ay lata
May mapaglagyan lang ng pagkaing kung iabot ay padabog -
Kung minsan, dahil sa pagod ng volunteer, pati isip ay sabog.

May nilalagay na mga kubetang ilang oras lang ay puno na
Kaya’t kawawa, ibang tagaktak ang pawis sa peligrong dama
Hindi alam kung saan magparaos, dahil wala man lang puno
Kaya’t ang ginagawa, kandangiwi ang mukha sa pagtalungko.

May mga dumadating, mga concerned daw, bitbit nama’y camera
Yon pala mga larawang “kawawa” ang dating, gustong makuha
Maibalita na sila’y nakarating sa evacuation center, may naiiyak-
Mga mapagkunwaring “maawain”, mga hangal, dapat mabuldyak!

Ang masakit, mga relief goods na handa na sanang  ipamudmod
Subali’t dahil wala pa si presidente o secretary, ito muna’y na-hold
Kaya’t sa ilalim ng masanting na init ng araw, lahat ay nagsitiyaga
Makakuha lang ilang pirasong noodles, bigas, tuyo, pati na delata.

Animo mga hayop, kung sila’y ituring sa mga masikip na bakwetan
Mga expired na pagkain, sa kanila kung ibigay, walang pakundangan
At tulad ng inaasahan, gobyernong lokal at ang ahensiyang **DSW
Nagtuturuan kung sino ang may sala, sino sa kanila ang pasimuno.

Pareho lang ang buhay saan mang bakwetan, saan man sa bansa
Maging sa Luzon, Visayas, o Mindanao, mga bakwet ay kaawa-awa
Ginagamit ng mga pulitiko, maski ibang grupong sabi ay relihiyoso
Mga taong ganid sa katanyagan, maitim ang budhi, walang modo!

(*evacuee, **Department of Social Welfare)