Ang Maging * "Bakwet"
Posted on Sunday, 29 June 2014
Ang
Maging *Bakwet
Ni Apolinario Villalobos
Ang maging bakwet ay mahirap, iba’y hindi
yan alam
Buhay ay walang direksyon at sikmura
ay kumakalam
Animo mga hayop na sa kwadra ay pilit
pinagkakasya
Ganitong tanawin, sa evacuation centers ay
makikita.
Animo mga preso na sa pagkuha ng pagkain ay
nakapila
Dala’y plastic na pinggan, mangkok, kung
minsan ay lata
May mapaglagyan lang ng pagkaing kung iabot
ay padabog -
Kung minsan, dahil sa pagod ng volunteer,
pati isip ay sabog.
May nilalagay na mga kubetang ilang oras
lang ay puno na
Kaya’t kawawa, ibang tagaktak ang pawis sa
peligrong dama
Hindi alam kung saan magparaos, dahil wala
man lang puno
Kaya’t ang ginagawa, kandangiwi ang mukha
sa pagtalungko.
May mga dumadating, mga concerned daw,
bitbit nama’y camera
Yon pala mga larawang “kawawa” ang dating,
gustong makuha
Maibalita na sila’y nakarating sa
evacuation center, may naiiyak-
Mga mapagkunwaring “maawain”, mga hangal,
dapat mabuldyak!
Ang masakit, mga relief goods na handa na
sanang ipamudmod
Subali’t dahil wala pa si presidente o
secretary, ito muna’y na-hold
Kaya’t sa ilalim ng masanting na init ng
araw, lahat ay nagsitiyaga
Makakuha lang ilang pirasong noodles,
bigas, tuyo, pati na delata.
Animo mga hayop, kung sila’y ituring sa mga
masikip na bakwetan
Mga expired na pagkain, sa kanila kung
ibigay, walang pakundangan
At tulad ng inaasahan, gobyernong lokal at
ang ahensiyang **DSW
Nagtuturuan kung sino ang may sala, sino sa
kanila ang pasimuno.
Pareho lang ang buhay saan mang bakwetan,
saan man sa bansa
Maging sa Luzon, Visayas, o Mindanao, mga
bakwet ay kaawa-awa
Ginagamit ng mga pulitiko, maski ibang
grupong sabi ay relihiyoso
Mga taong ganid sa katanyagan, maitim ang
budhi, walang modo!
(*evacuee, **Department of Social Welfare)
Discussion