Shortage at Pananamantala...pareho lang
Posted on Monday, 23 June 2014
Shortage
at Pananamantala…pareho lang
Ni Apolinario Villalobos
Kailan lang ay nagsalita na naman ang mga
taga-gobyerno na wala naman daw talagang shortage sa bigas, hanggang Setyembre
pa nga daw ang stock. Baka ang tinutukoy nitong mga taga-NFA at Department of
Agriculture ay ang NFA rice na binibili sa ibang bansa, na nakaugalian nang
pagkitaan, sabi nila. Paano ang commercial rice? Wala daw talagang shortage, at
malamang ay pananamantala lamang.
Ginagawa nilang tanga ang taong bayan,
samantalang pareho lang naman ang pananamantala at shortage – magkapatid na
pinsala sa mga Pilipino. Kung walang nanananamtala, walang shortage. Simple
lang naman, dahil kung walang nagho-hoard o nagtatago na isang panananamantala,
wala talagang shortage. Ano ang ginagawa ng mga ahensiyang may kinalaman dito
sa mga taong nananamantala o nagtatago ng mga bigas? Wala! Dahil palagi nilang
sinasabi, wala daw silang kapangyarihan. Kung ganoon pala, dapat lusawin na ang
NFA at Department of Agriculture at National Police o Armed Forces of the
Philippines na lang ang pakontrolin ng mga bagay na may kinalaman sa pagkain
dahil may kapangyarihan silang manghuli. Yong mga inutil at kapal-mukhang
kapit-tuko sa mga ahensiya, dapat ay pinapakain ng ipa!
Hindi na sila dapat nag-iinspiksyun sa mga
palengke na may karay-karay pang mga TV cameras at reporters dahil napapamura
lang ang mga nanonood. Para lang nilang nilalagyan ng asin ang sugat na
pinagdudusahan ng mga Pilipino. Nagsasayang lamang sila ng panahon dahil wala
naman pala silang mga konkretong magagawa. Ang simple nga lang na pagbenta ng
NFA rice sa mga palengke ng kung ilang oras lang ng limitadong dami ng bigas ay
hindi nila masita, magsasabi pa sila ng mga banta sa mga nananamantalang mga
negosyante daw.
Hanggan kaylan kaya magtitiis ang
sambayanan sa kapabayaan ng mga taong-gobyerno na inutil?!
Discussion