Emergency Meeting Na Naman!
Posted on Thursday, 19 June 2014
Emergency
Meeting na Naman!
Ni Apolinario Villalobos
Nabahala na daw ang gobyerno dahil sa
kaliwa’t kanang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin…ngayon lang
sila nabahala, eh kung ilang buwan nang nangyayari ito! Yong spokesperson nga
ng Malakanyang, nagsabi pa na tiis-tiis lang daw muna. Magtatanghal na naman
sila ng “moro-moro.”
Kung ang tinawag ng presidente ay ang mga
namumuno pa rin ng mga ahensiya niya, mag-aaksaya lamang sila sa pagdaos ng
miting dahil kung talagang may alam ang mga ito sa pagtugon sa mga problema,
hindi na nila kailangan pang tawagin sa isang emergency meeting, noon pa, dapat
may ginawa na sila…kaso talagang walang alam. Ang palaging dahilan ay kapos daw
sila sa kapangyarihan…bakit hindi na lang sila magsi-resign kung may natira
pang maski katiting na hiya sa kanilang pagkatao, upang mapalitan sila ng mga
may alam? Follow the leader daw yata!
Kung seryoso ang pangulo na maski papaano
ay maibsan ang mga problemang nangyayari ngayon, dapat ang tawagin niya ay mga
representative ng mga consumers at mga gumagawa ng mga survey, hindi yong mga
nakatunganga lang sa mga aircon na opisina nila, at kung lumabas man upang
kunwari ay “mag-spot check”, may bitbit pang mga TV camera at reporters – higit
sa lahat ay napatunayan nang mga inutil. At, dapat, makinig siya sa mga totoong
suggestions na galing sa labas ng Malakanyang at mga ahensiyang ang alam lang
ay himasin ang likod niya.
Sigurado, pagkatapos ng miting, ang
sasabihin nila…maghigpit na lang muna ng sinturon habang nag-iimbistiga pa!
Discussion