Hindi Dapat Tinatanong ang Diyos
Posted on Thursday, 19 June 2014
Hindi
Dapat Tinatanong ang Diyos
Ni Apolinario Villalobos
Ang tao’y walang karapatang magtanong sa
Diyos
Tuwing, sa buhay niya ay may dumarating na unos.
Hindi tinatanong ang Diyos ng may
panunumbat pa
Tuwing, sa buhay niya ay may dumarating na
sakuna.
Hindi maaring sambitin ang mga salitang,
“bakit ako?”
Dahil lahat ng nangyayari’y nakalatag sa
kanyang plano.
Hindi maaaring iwaksi ang paggalang at tiwala sa Kanya
Dahil ang tao’y marami pang hindi nalalaman
at nakikita.
Hindi maaaring magtampo sa Diyos dahil sa
mga inaakala-
Mga inaakalang, kapakanan ng tao ay hindi
niya inaalintana.
Marunong ang Diyos…isang karunungang walang
hangganan -
Karunungang
hindi kayang abutin, tarukin o gayahin ninuman .
Discussion