Ang Pagkapalaban ng Mga Tiwaling Pilipino
Posted on Thursday, 12 June 2014
Ang Pagkapalaban
Ng Mga Tiwaling Pilipino
Ni Apolinario Villalobos
Maganda sanang pakinggan na ang Pilipino ay palaban
Subali’t nabahiran ito ngayon ng hindi kaaya-ayang kulay
Kaya ang pantukoy na sana ay nakakapagbigay inspirasyon
Kahihiyan, dulot sa bansang sa pagkalugmok ay nagbangon.
Palaban ang mga pulitiko at mambabatas, sila’y nagpipilit
Ayaw aminin ang pagkasangkot sa anomalya, kahit naiipit
Anuman ang tanggi nila na sila ay mga inosente at malinis
Maliwanag pa sa sikat ng araw, pagkadawit nila kay Napoles.
Sa pagkapalaban ng mga tiwaling Pilipino, hindi nakakatuwa
Kahi’t idinaan ng isa, mga hinaing sa pamamagitan ng kanta
Puro talumpati, tanggi dito, tanggi doon, sila daw ay
inosente
Bakit? sila lang daw ba? Aba’y kaladkarin din ang iba sa
korte!
Palaban sila na nasemento sa kapal ng kahihiyan ang mukha
Palaban sila na nagkukubli sa kahinaan ng sistema at
hustisya
Palaban sila na sa harap ng TV camera ay abot-tenga ang
ngiti
Palaban sila na walang konsiyensya at wala man lang
pagsisisi!
Discussion