Dito sa Pilipinas
Posted on Sunday, 29 June 2014
Dito sa
Pilipinas
Ni Apolinario
Villalobos
Dito
sa Pilipinas, masarap
mamuhay….sana.
Mga tao’y
masayahin, magalang, maka-Bathala
Mga islang
sa karagatan nagkalat…iba’y berde pa
Kung sa
himpapawid sipatin, talagang
kaiga-igaya!
Kabisera niyang
makasaysayan, tawag ay
Maynila
Panahon pa
ng kastila, ito’y
kilala na sa Yuropa
Pagkilalang umabot
sa hilagang kontinente ng
Amerika
Kaya’t di
kalaunan ay pinag-
agawan ng mga
banyaga!
Sa
paglipas ng panahon,
ng ilang makukulay
na dekada
Si InangPilipinas, nakahinga
ng maluwag at
napayapa
Nakatikim
ng kalayaan, nakatikim
ng kaunting ginhawa –
Subali’t iya’y
noong piso, ay
karespe-respeto pa a nghalaga!
Mga naka-long sleeves na
pulis, sukbit ma’y
simpleng batuta
Matikas ang
tayo, tiya’y di
bundat, at kilos
ay di kahina-hinala
Hindi tulad
ngayon, matikas, malusog, at
maliksi lang saumpisa
Subali’t kalaunan,
dahil sa kabundatan,
sila’y kay daling
manghina!
Mga mambabatas
noon, kagalang-galang, may laman
ang mga salita
Kung magtalo
sila sa plenaryo,
ang nakikinig, may
aral namatatamasa
Hindi tulad
ngayon na bawa’t isa’y
nagtatalumpati ng pagkahaba-haba
Kuntodo emote,
sabay kumpas at
ngiting aso pa
sa harap ng
kamera!
Ang mga
batas noon, kakaunti
man, ay naipatutupad
at sinusunod talaga
Karapatan ay
di nalalabag, dangal
ay di nayuyurakan,
walang mapagsamantala
Hindi tulad
ngayon, kung sino
pa ang mayaman,
at inaasahan sa
pamahalaan -
Sila pa
itong lalong nagpapahirap
at nagpapalugmok ng
kapwa sa kahirapan!
Subali’t dahlia
ko’y Pilipino, kayumanggi
ang balat, mapagpaubayang naturingan
Titiisin ko
ang lahat, babangon
sa kahirapan, at
upang umunlad, gagawa
ng paraan
Upang sa
harap ng ibang
lahi, maipakita ko na
ditto sa Pilipinas, mahal kong
bayan
Walang puwang
ang kahinaan, dahil
sa hagupit ng mga
unos, ang Pilipino -
Lumiyad man
ay hindi mababali,
dahil matibay -
parang kawayan!
Discussion