0

Ang Kapalaran

Posted on Monday, 16 June 2014



Ang Kapalaran
(para kay Bing Paragas Calbone)
Ni Apolinario Villalobos

Nakaguhit sa ating palad, yan ang ating buhay
Mga guhit na yugtu-yugto, merong madalang
Subali’t  ang ganyang paniwala, hindi daw totoo
Dahil Diyos lang ang may karapatan sa mga tao.

May mga bagay na akala natin, sa ati’y nakatalaga
Nadadanasan natin sila mula pa noong tayo ay bata
Mga yugto ng buhay nating masaya, may malungkot
Ang iba’y tuluy-tuloy na nangyayari, iba ay nauudlot.

Pagdating ng panahon, ang ‘di inaasaha’y nangyayari
Mga bagay na hindi maunawaan, hindi natin mawari
Subali’t dahil kagustuhan ng Diyos, ay ating tanggapin
Ang mahalaga, buhay ay masaya, lungkot huwag isipin. 

Discussion

Leave a response