Mama...Papa!
Posted on Thursday, 26 June 2014
Mama….Papa!
(isang
horror na kwento)
Sini-share ni Apolinario Villalobos
Ang kahindik-hindik na kuwentong ito ay
kalat na pati sa radyo. Kuwento ito ng mag-asawang nagkaroon ng anak na
hinulaang, bawa’t pangalan na masasambit niya ay kamatayan ang katumbas sa
tinutukoy na tao. Kaya ang sanggol ay ayaw nilang turuang magsalita, lalo na ng
“mama” at “papa” dahil baka mamatay sila.
Subalit habang lumalaki ang sanggol, marami
itong natutunang salita. Isang araw, habang nasa duyan ito, nasambit niya ang
“mama”. Biglang nagkisay ang kanyang mama na noon ay nagluluto sa kusina.
Natakot ang papa niya at mga kapatid kaya, mula noon nilagyan ng plaster ang
bibig niya.
Isang araw, hindi nila napansing natanggal
ang plaster sa bibig niya, habang nasa duyan uli. Ang papa niya ay kasalukuyang
bumibili ng taho sa labas para sa ibang mga anak nito. Umiyak ang bata,
nataranta sila subali’t hindi na nila naagapan pa ang bibig ng bata na
sumisigaw ng “papa”. Nabitawan ng papa niya ang dalawang basong taho at
napaupo, para siguro kung bumagsak siya upang mamatay, hindi masakit.
Ilang minuto ang lumipas, walag nangyari sa
papa niya. Sa labas naman, nagkagulo dahil biglang bumagsak ang
magtataho…patay!
Discussion