Gamitan ng Pera ang Paglutas ng Mga Problema
Posted on Thursday, 26 June 2014
Gamitan
ng Pera ang Paglutas ng Mga Problema
Ni Apolinario Villalobos
Kung nagbibigay ng pabuya sa mga
makakapagturo sa mga “wanted” na kriminal, bakit hindi gawin ito upang maituro
kung sino ang nagho-hoard ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, bawang,
sibuyas, asukal at iba pa. Siguradong maraming mahuhuli dahil ang mga bodega ay
hindi naman makakatakbo. Baka ang magturo ay mga trabahador pa ng mga hoarder.
Gawin nang pera sa pera ang paglutas sa
problema. Gawin din ito sa mga smugglers at siguradong ang magtuturo ay mga
porters na nagtatrabaho sa pantalan. Hindi kasi maaaring walang lumulutang na
mga kwento tungkol sa mga bagay na ito. Ang mga nagtatrabaho sa opisina
pangakuan ng promotion kung makakapagreport ng katiwalian sa kanilang
opisina…siguradong maraming ulo ng mga namumuno sa mga ahensiya ang gugulong!
Huwag tipirin ang pabuyang ibibigay dahil
hindi hamak na pinsala ang binibigay ng mga ismagling at hoarding, hindi lamang
sa ekonomiya ng bansa kundi pati sa buhay ng mga taong hilahod na sa hirap. At
mga gawaing ito ay mas masahol pa sa pagpatay ng isang tao, dahil buong bansa
ang sinasaklaw.
Ang isang milyong pisong pabuya sa bawa’t
imagler o hoarder na maituro ay barya lamang kung kung ihambing sa mga kinita
ng mga gahamang taong ito at pinsalang idinulot nila sa pamayanang Pilipino.
Ang problema lang, baka yong mga taong dapat magpatupad nito ay siya ring
sangkot…
Discussion