Ang Mga Senior Citizen sa Pilipinas
Posted on Wednesday, 25 June 2014
Ang Mga
Senior Citizen
Sa
Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
Tulad sa ibang bansa, dito sa Pilipinas
Ang senior citizen ay buhay- maaliwalas
Dapat lang namang sila’y bigyan ng pansin
Upang mapanatag ang isip nila’t damdamin.
Kaliwa’t kanang discount, ini-enjoy nila
Upang ang buhay naman nila, guminhawa
Sa biyahe ay may discount, pati rin grocery
Kasamang mga apo, weekend din sa Jollibee.
May isa pang benepisyong ini-enjoy nila
Matindi ito’t nakakagulat, nakakainggit talaga
Dahil kapag inabot ng ganitong edad sa
gobyerno
Mangurakot ka man, baka aabutin mo ay
abswelto!
Discussion