0

Mga Kasabihan ng "Matatalinong" Pilipino

Posted on Monday, 23 June 2014



Mga Kasabihan ng “ Matatalinong”  Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

“Patay ang evacuees kung ilang araw na hindi mabigyan ng relief goods…sorry na lang.”

“Dahil kontra-partido ka, manigas ka…wala kang assistance na maaasahan.”

“Dapat palitan ang balot ng relief goods, para masabing nagtatrabaho rin kami.”

“Hangga’t kayang kumita sa isang project, lubus-lubusin na…dagdagan pa…oooppssss!”

“Huwag pakialaman ang aking mga kaibigan na inilagay ko sa pwesto.”

“Tiisin ang gutom kung tumaas ang presyo ng bigas, dahil susunod ang iba….sure yan.”

“Hangal na mga Pilipino…gustong bigas ay libre na, mabango pa!”

“Kung walang kamera at reporter, walang inspeksiyon ng palengke.”

“Mangisay kayo sa pagkain ng bilasang isda, pati karneng bocha dahil wala kayong pera.”

“Eh, ano kung may amoy ang bigas…importante, kumita kami.”

“Tiisin ang dilim kung naputulan ng kuryente…mangutang kayo pambayad sa MERALCO.”

“Bahala kayong umalingasaw kung naputulan ng tubig dahil walang pambayad.”

“Goodbye muna…biyahe kami sa Amerika…marami yata kaming nakurakot…inggit lang kayo.”

“Kung kapit-tuko ako sa pwesto, gumaya na lang kayo…eyebags, gusto nyo”?

“Mainggit kayo sa magandang boses ko…ganda pa ng goodbye song ko.”

“Kung ayaw ninyo ng matuwid na daan, ang San Juanico Bridge na lang ang itutuwid ko.”

“Hayaan na yang mga Tsino, darating din sila sa atin ng mapayapa…ang iba nandito na nga.”

“Hayaang hakutin ng Tsino ang  black sand, iniihian at iniiputan lang naman dito sa atin.”

“Maganda ang kalbong bundok, walang gubat na mapagtaguan ang mga bandido.”

“Ang lumalabas ng bilibid para magpa-ospital, hindi kasama sa bilang ng kakain…tipid!”

“Kung hindi sana nabisto, nadagdagan pera namin ngayon….kung malasin nga naman.”

“Kung type mo ang buhok ko, magpa-highlight ka rin.”

“Oh, my God, may nakapuslit na naman sa ibang bansa…saan kami nagkamali…na naman?”

“Hindi ako ang nagturo sa kanya…accountant ako, hindi guro…pwede ba?”

“Akala ko hindi kaban ng bayan ang nabuksan ko…akala ko box ng make up…’di ko kasalanan.”

“Wala na akong pera, pati puri, dahil ako’y minus matris at obaryu na, ‘di na ako mabubuntis.”

“Yong nakita nyong mga alahas, sa 168-Divisoria ko lang nabili, pero imported galing Tsina.”

“Hindi ninyo ako magagalaw, lahing bayani yata ako…Joke! Joke!  Joke!”


Discussion

Leave a response