Showing posts with label Intramuros. Show all posts

0

Ang Malaking Puso ni Baby Eugenio...may karinderya sa Fort Santiago (Intramuros, Manila)

Posted on Wednesday, 30 December 2015

Ang Malaking Puso ni Baby Eugenio
…may karinderya sa Fort Santiago (Intramuros)
Ni Apolinario Villalobos

Sa unang tingin, aakalaing suplada si Baby dahil tisayin ang mukha at halos hindi ngumingiti, subalit kapag nakausap na ay saka pa lang makikita ang tunay niyang pagkatao – malumanay magsalita at hindi man ngumingiti ng todo ay madadama sa kanyang pananalita ang kababaan ng loob.

Nang umagang napasyal ako sa Fort Santiago, napadaan muna ako sa kanyang karinderya sa gate ng parking lot at habang nagkakape ako ay biglang napunta ang usapan namin tungkol sa buhay, lalo na ang kanyang mga karanasan sa pagpalipat-lipat ng puwesto. Ayon sa kanya, dati ay isa siyang typical na sidewalk vendor dahil nagtitinda siya sa mga maluluwag na puwesto tulad ng nasa likod ng Immigration Bureau, Ancar Building, gilid ng Jollibee at UPL Building, hanggang sa natiyempuhan niya ang puwesto sa gate ng parking lot ng Fort Santiago. Nalula ako nang sabihin niyang 46,000 pesos ang upa niya sa isang buwan sa puwesto. Upang makahabol sa bayarin, maliban sa pagluluto ng mga ulam, tsitserya, kape, soft drinks, at biscuit, ay pinangasiwaan na rin niya ang pag-asikaso sa parking lot.

Habang tinutulungan siya ng hipag niyang si Bing sa pagluluto at pagsisilbi sa mga customer, tumutulong naman si Arbi na anak ni Bing sa pag-asikaso sa parking lot. Pero kapag kasagsagan na ng pagsilbi ng pagkain at iba pang mga gawain sa karinderya ay saka naglalabasan ang iba pang umaalalay kay Baby.

Mabuti na lang at medyo nakuha ko ang kalooban at tiwala ni Baby kaya maluwag siyang nagkuwento tungkol sa buhay niya. Ang asawa na dati ay nagtatrabaho sa National Treasury, ngayon ay nagpapahinga na lang sa bahay dahil humina ang katawan at nagpapa-dialysis isang beses isang linggo. Sa kabuuhan, dalawampu’t apat ang nasa kalinga ni Baby – mga tinutulungan niya at bilang ganti ay tumutulong din sa kanya. Anim dati ang anak niya, subalit namatay ang panganay na kambal, kaya ang natira ay apat.

Labing-siyam na taong gulang si Baby ng mag-asawa. Tubong Masantol, Pampanga, siya ay nakipagsapalaran sa Maynila hanggang sa magkaroon ng pamilya. Ang nakakabilib ay ang ibinahagi niya sa aking kuwento tungkol sa mga taga-ibang probinsiyang nakipagsapalaran sa Maynila na ang iba ay mga seafarer na umistambay habang naghihintay ng tawag mula sa inaaplayang manning agency para sumakay sa barko, at kanyang kinalinga. Sa Intramuros ay marami ang ganitong mga nakikipagsapalaran sa Maynila dahil hindi kalayuan sa Fort Santiago ay ang opisina ng union nila. Marami ring mga manning agencies ng seafarers sa loob ng Intramuros. Upang makalibre sa tirahan at pagkain ay tumutulong-tulong sila sa karinderya, hanggang sa sila ay makasakay ng barko. Ang ibang seafarers na galing sa probinsiya ay napansin kong umiistambay naman sa Luneta o di kaya ay sa isang lugar na itinalaga sa kanila, sa labas ng National Library of the Philippines.

Ano pa nga ba at ang karinderya ni Baby ay mistulang “halfway home” o “bahay-kalinga” ng mga probinsiyanong seafarers. Hindi na maalala ni Baby kung ilan na ang kanyang natulungan na ang ibang nakakaalala sa kanyang kabutihan ay bumabalik upang magpasalamat, subalit ang iba naman ay tuluyang nakalimot sa minsan ay tinirhan nilang karinderya sa Fort Santiago. Nangyari ang ganitong pagkakawanggawa sa loob ng limang taon hanggang ngayon, sapul nang siya ay mapapuwesto sa bukana ng Fort Santiago.

Para kay Baby, na ngayon ay 58 taong gulang, pangkaraniwan na sa kanya ang pag-alalay sa kapwa o maging maluwag sa kanilang pangangailangan. Napatunayan ko ito nang biglang may lumapit sa kanya upang magtanong kung pwede silang kumain sa karinderya subalit hindi bibili ng pagkain dahil may baon sila. Walang patumpik-tumpik na pumayag si Baby, kahit pa sinabi ng nagpaalam na dalawampu sila. Ibig sabihin ay gagamitin nila lahat ng mesa at silya, kaya walang magagamit ang mga kostumer. Pero bale-wala kay Baby ang lahat…okey pa rin sa kanya. Mabuti na lang at napansin ng hipag niya na ang porma ng grupo ay parang sasali sa programa para kay Jose Rizal dahil nang araw na yon, December 30, ay paggunita ng kanyang kamatayan, kaya iminungkahi niya sa lider ng grupo na upang hindi sila mahirapan ay sa piknikan, sa loob na mismo ng Fort Santiago sila kumain dahil mas presko at marami ring mesa at upuan, at ang lalong mahalaga ay ilang hakbang na lang sila sa lugar na pagdadausan ng programa kung saan sila ay kasali.


Ibinahagi ni Baby na hindi man siya mayaman sa pera, ay mayaman naman siya sa pakisama. Natutuwa na siya sa sitwasyon niyang ganoon. Mahalaga sa kanya ang pagtulong sa kapwa bilang pasasalamat sa Diyos dahil sa ibinigay sa kanyang mga biyaya. Nakapagpundar na silang mag-asawa ng isang bahay na katamtaman lang ang laki sa Molino, Bacoor City (Cavite). 


0

The Metropolitan Theater of Manila...a showcase of grave neglect

Posted on Sunday, 3 May 2015



The Metropolitan Theater of Manila
…a showcase of grave neglect
By Apolinario Villalobos

The Metropolitan Theater of Manila has stood for decades as the symbol of the country’s rich cultural heritage.  Even during the Japanese occupation, it persisted in operating, and was even used as a front for the underground movement that raised funds for the prisoners of war. During the time of Ferdinand Marcos, it was rehabilitated, and once more, became the venue of classic stage plays and operas, along with the newly-built Cultural Center of the Philippines. Unfortunately, when he was deposed, administrations that took over, utterly neglected the important cultural edifice.

Today, the theater is in such a forlorn state – dilapidated, with tiles peeling off, gardens left to the mercy of grasses, the galleries and lounges thick with dust, and walls feasted on by termites.

Ironically, just behind the theater is the Universidad de Manila that can possibly use it as an auditorium for their social activities. A few steps from the university is the Manila City Hall. And, still a few steps away is a mini-park that used to be called Mehan Garden, now full of overnight staying vagrants. A little further away is the National Museum. Across the street, on the other side of Taft Avenue is the Intramuros, while the famous Post Office, another important landmark of Manila stands, with its imposing fountain.

How can the city government of Manila and the Department of Tourist neglect such cornucopia of historic and touristic landmarks with its own cultural centerpiece, the Metropolitan Theater? How can they miss the stinking and deteriorating Metropolitan Theater that has become a sore thumb at the heart of the city? How can the city officials look far and beyond what needs immediate rehabilitation? The city officials talk about the eternal traffic which has no remedy in sight, as a publicity stunt. They talk about sanitation when just around the City Hall, corners stink with urine and human waste. The cluster of landmarks that should serve as the centerpiece of the city’s touristic showcase, and which is just a few steps from the City Mayor’s office is left to the mercy of negligence.

As an unsolicited suggestion, why not turnover the Metropolitan Theater to the Universidad de Manila for their administration and make it self-liquidating? Part of the rehab program could be the re-opening its office spaces to generate revenue. Schools can be encouraged to make use of the theater for their stage plays and other scholastic activities at minimal cost. Even assistance from international NGOs that advocate culture-related projects can be sought.

Unless something is done for the Metropolitan Theater of Manila, the unthinkable negligence can add up to the mounting culpabilities of both the Manila city government and the Department of Tourism. 

0

Intramuros: Magnificent Old Manila

Posted on Sunday, 31 August 2014



Intramuros: Magnificent Old Manila
By Apolinario Villalobos

For investors, especially, those who are the optimistic type who see gold even underneath a hill of debris, the remnants of Intramuros are an eyesore that should be leveled to give way to structures that could ensure a fat financial return, say, a commercial complex. The strategic position of this once Spanish glory, has made it more attractive to this kind of scheme.

On the other hand, those who value culture that is affected in a great extent by the past, see many reasons beyond the understanding of an ordinary person, why the partly ruined once walled city has to be reconstructed instead. This advocacy prevailed, so that a Presidential Decree was issued on April 10, 1979 for the creation of the Intramuros Administration which has been mandated for the restoration of the whole area. The first Chairperson of the said agency was no less than the former First Lady Imelda Marcos, and Jaime C. Laya as Action Officer. Management consultancy was extended by Esperanza Bunag Gatbonton.

The agency lost no time in reconstructing the Walled City, by building some new structures to house offices. As Intramuros has been habituated for so many years by informal settlers, clusters of makeshift homes had to be demolished.

Two guidelines were set for the rehabilitation program: reconstruction that necessitates the rebuilding of the Walled City, and the restoration of what could still be brought back to their original forms with the use of the same materials, a very delicate job requiring meticulous research and laboratory control of consistency.

Then, there’s the responsibility of assessing the e4xisting structures, their chances of withstanding atmospheric pollutants such as dust and carbon monoxide as well as natural calamities. The understandably difficult reinforcement of the standing structures with the use of available materials without altering their character and appearance is another thing to consider. Not to forget also is the problem posed by its modification in the form of electrification. There’s the question of where to install writings in a  very inconspicuous way.

Intramuros is a vast repository of invaluable heritage. Within its confines are the two centuries-old churches, the Manila Cathedral and San Agustin Church that contain images of saints, painting, sculptures, religious vestment, and ancestral homes that contain family heirlooms.

The Puerta de Isabel four-room museum contains family heirlooms such as intricately-carved hardwood chests, furniture, marble basin, images of saints, paintings, religious vestments, models of colonial houses, enlarged pictures of the early Intramuros and even cannons.

The Intramuros project has been schemed to be self-liquidating, so that hostels for students studying within the confine of the walls were built, as well as, economy class hotels for tourists, antique shops and restaurants.

The once walled city is trying to rise again. But what was it during its glory days?

The walls were intended to fortify the Spanish City of Manila which was developed from a tongue of land that extended out into the bay. This was what Matin de Goiti and Juan de Salcedo saw in 1570 upon their arrival from Panay. Guiding them past Mindoro and Balayan Bay was a trader, a Christia convert from Manila who also acted as their interpreter. The Spanish fleet consisting of a frigate, a junk and fifteen native boats sailed past Mindoro and Balayan Bay until they reached the busy port of a palisaded settlement.

Colonization was difficult but with the help of the Cross, the Spaniards were later settled. The settlement was followed by modification of Manila which affected even the natives’ way of life. Pallisades at the mouth of the river were enlarged. A defensive wall encircled the new settlement, improved by each succeeding governor-general.

The massive walls, built based on the Spaniards’ foresight was tested in the years to come, when the settlement was attacked by various forces. There was the notorious fleet of the Chinese pirate Limahong, the Dutch, rebels from the Chinese parian outside the walls, and the British. Each attack proved the formidability of some parts of the walls and vulnerability of some. It came to pass then, that the walls which were began by Legazpi himself in 1870, were improved by each succeeding governor-generals.

After so many years of improvement, the walls became a sophisticated fortress, surrounded with moats, ramparts, gates, bastions and lookout towers. Capping all these was the strict observance of curfew hours, as the gates were closed at eleven in the evening and opened only at dawn.

The sophistication of the walls was not limited to the surrounding structures. Even the buildings within were required to use non-combustible materials. Houses with thatched roofs went down. So that in no time at all, roofs of tiles, became the fashionable style as dictated by necessity. The Spaniards, likewise, used materials and methods familiar to them but with some changes adaptable to the tropics. Massive foundations of adobe gave strength to houses to withstand earthquakes. Convenient large windows made use of translucent capiz shells, and wooden parts were dovetailed to prevent splitting.

The Walled City was crammed with schools run by religious people of different orders, churches, dormitories and shops selling European items. It was an exclusive Spanish City, but there were times when a Chinese trader or two, or a native servant were allowed to reside within its confines.

Meanwhile, outside the Walled City, the parian, bustled with commerce dominated by the Chinese. Foreign merchants still came to sell their wares, some of which were patronized by Spaniards, themselves.

As time passed, however, the wall of exclusiveness was broken down, so that by the time the Americans came, the city had grown well beyond the thick structures. Gone was the sophistication. Development outside them was fast-paced and whatever left inside were the churches and schools, as well as, convents. The mestizos together with the friars were left to live with the somewhat deteriorating city.

Then, came the WWII in 1941 which flattened the Walled City, leaving only the sheels of what has been the glory of Spanish architecture. Some seventy-five percent of the walls withstood the bombings and a few of them, still stood intact, complete with lookout towers. The intricately beautiful gates of Fort Santiago and Sta. Lucia were rammed by American tanks during the liberation. Practically, the beautifully landscaped city was a mess when bombings ceased. It was sorry sight that greeted Manilans when they went out of their shelters.

For a long time, this particular section of a fast developing metropolis was neglected. Shanties mushroomed where mansions once stood. One-storey box-type buildings took the place of once elegant edifices. Big cargo vans and containers clogged its streets.

During its rehabilitation, the first to be touched was the Fort Santiago. Trees were planted to shade its lanes, a fountain was built and the cells were cleaned and converted into showcases of vintage cars. Canteens were also put up to serve promenaders and piped-in music system was installed. The fort was converted into a small park.

Other structures were reconstructed such as the Puerta de Isabel which now houses a museum and the offices of the Intramuros Administration. The San Agustin Church was restored to its once exquisite form, together with the Manila Cathedral. Other structures, even the privately-owned residences were rehabilitated in line with the plan to make the area as a veritable touristic nook within the city of Manila.

Today, Intramuros proudly stands, almost completely rehabilitated, except for some portions which are occupied by old houses. Overall, the once Walled City is now regaining its lost glory.
From Intramuros, one can have a leisurely walk to Fort Santiago, from which a jeepney can be taken for Luneta or Rizal Park.



0

Isang Pagbabalik-tanaw

Posted on Tuesday, 24 June 2014



Isang Pagbabalik-tanaw
Ni Apolinario Villalobos

Upang maiwasan ang sobra-sobrang paninisi sa bagong administrasyon, maganda rin sigurong rebyuhin ang mga nakaraan upang maunawaan kung paanong nagkaugat ang korapsyon sa ating bansa. Gawin ang pagbalik- tanaw, kahi’t pahapyaw man lang.

Bago dumating ang mga Kastila, may mga original nang Pilipino, na talagang purong dugong Pilipino ang naninirahan sa mga isla ng Pilipinas, kanya-kanya nga lang sila ng teritoryo. Hindi nagkakaisa sa ilaim ng iisang lider, subali’t maganda ang samahan. Nang dumating ang mga Kastila, nakapagdiwang ng Misa sa isang isla na ngayon ay pinagtatalunan pa kung yong Limasawa ba ng Leyte o Masao sa Butuan. May nag-alburutong isang datu, si Lapu-lapu ng Mactan, kaya naputol ang misyon ni Magellan. Nang dumating si Ruy Lopez de Villalobos, naipangalan sa hari ng Espanya ang mga isla – unang pangangamkam.

Naging Kristiyano ang ilang mga Pilipino dahil naguyo sila ng mga misyonaryo. May mga Pilipinang inanakan ng mga prayle – unang pangbabastardo. Itinayo ang Intramuros upang maihiwalay sa mga tsino at mga katutubo na naninirahan sa tabi ng Ilog-Pasig ang mga Kastila – unang deskriminasyon.

Nang magkaroon ng kumpul-kumpol ng mga “rebelde” sa pangunguna ng Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio, nabahala ang mga Kastila kaya sinupil lahat ng mga inaakala nila ay pag-aaklas laban sa kanila. Pinabaril ng mga Kastila si Jose Rizal sa Bagumbayan (Luneta) sa kanyang mga kababayang mga sundalo – unang kabayanihan.

Namatay si Bonifacio sa Mt. Buntis dahil sa pulitika, lumutang si Emilio Aguinaldo na ipinagpatuloy ang pakipaglaban sa mga Kastila. Napapayag siyang ma-exile sa Hongkong. Nagkaroon ng kasunduan ang Espanya at mga Amerikano na nagdaos pa ng moro-morong “digmaan”, yon pala ay binenta na ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika – unang pagtraidor sa tiwalang ibinigay ng Pilipino sa Amerika na akala ni Aguinaldo ay tutulong sa upang labanan ang mga Kastila.

Nagkaroon ng ikalawang digmaang pandaigdig, iniwan ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon.  May pangakong “I shall return…” kaya’t hinayaan munang magahasa ng mga Hapon ang karangalan ng Pilipinas, lalo na ng mga Pilipina, na naging comfort women ng mga Hapong sundalo. Nakabalik nga si MacArthur, subali’t hindi pa rin lubusang pinaubaya sa mga Pilipino ang pag-enjoy sa tinatawag na demokrasya, kaya tawag sa mga Amerikano ay “big American brother”, at ang tawag sa Pilipino ay “little brown brother” – pangalawang deskriminasyon.

Kinopya ng Pilipinas ang saligang batas ng Amerika, nagkaroon ng mga eleksiyon na nagluklok ng mga presidente. Lumitaw na hindi pa handa ang mga Pilipino sa tinatawag na demokrasya, maraming dispalenghadong programa. Ang tinaguriang “mambo President”, si Magsaysay, namatay sa pagbagsak ng eroplanong sinakyan niya. Ang sabi ng iba, sinadya daw na pabagsakin ang eroplano – unang manipestasyon ng “dirty politics” sa bansa.

Nagsunuran ang ibang eleksiyon, may mga kwento ng mga kandidato na ginagawan  ng kaso ng mga nakaupo sa administrasyon, upang makulong dahil kalaban sa pulitika. Ang isang kwento ay tungkol sa isang nagrebyu para sa pagsusulit ng abogasya sa loob ng kulungan. Nakapasa naman, topnotcher pa! Pinaglaban niya ang kaso niya sa korte, nanalo siya, absuwelto. Tumakbong senador, umiral ang emosyong Pilipino na mahilig sa madramang nobela, nanalo siya. Dahil matalino daw, nanalo ding presidente ng bansa. Siya si Ferdinand Marcos.  Nang nakita daw niyang hindi na kaya ng demokrasya ang pagkontrol sa mga katiwalian, gumamit siya ng kamay na bakal… nagdeklara ng Martial Law – kung ilang dekadang umiral. May mga napansin nang gulangan, nakawan, korapsyon wika nga sa ilalim ng kanyang pamumuno. Subali’t under control daw. Maraming proyekto ang mga naipatayo, tulad ng Cultural Center Complex, mga pagamutan para sa mga maysakit sa bato at puso, LRT, Coastal Road, at marami pang iba. Marami ring pumaligid sa pamilya… mga taga-bulong daw, lalo na sa First Lady.

Pinababa si Marcos dahil pinapatay daw niya si Ninoy Aquino. Umiral na naman ang emosyon ng Pilipino. Pinalitan siya ng biyuda ni Ninoy, na iniluklok daw ng People Power na pinakialaman din ng isang Obispo, ang namayapang Jaime Sin na nanawagan ng mga tao upang suportahan ang biyuda. Maraming dumating, nagpiknik sa EDSA, nagpista sa pagbenta ang mga sidewalk vendors dahil maraming dumating na walang pagkaing dala. Nang maupo na si Gng. Cory, marami ang natuwa dahil ang akala nila ay mawawala na ang korapsyon pati ang mga taong mahilig umaligid-ligid at tumambay sa Malakanyang. Napansin ng ilang militante sa Armed Forces ng bansa na wala namang nangyaring maganda kaya nagkaroon ng maliitang kudeta. Domoble ang napansing dami ng korapsyon, dahil nasilip ang kahinaan ng pamunuan na umasa sa mga dati nang nasa poder at sanay sa paggawa ng kamalasaduhan. Walang mga konkretong proyekto para sa bansa.

Nagkaroon ng bagong presidente, si Fidel Ramos. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, kaliwa’t kanan ang bentahan ng mga properties ng gobyerno, kasama na ang mga ahensiyang nagpapatakbo ng mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente at tubig, napasakamay ng mga pribadong kumpanya na may mga kasamang banyaga sa korporasyon. Mabuti na lang at hindi natuloy ang para sa Manila Hotel. Kasama sa plano ang mga ospital at base military sa pagitan ng Makati, Pateros, at Pasig (may Global City na doon ngayon). Kasama itong mga bentahan sa hangarin ng bagong pamunuan na makasabay sa trend ng globalization na sinalihan ng Pilipinas, na bandang huli ay napansing hindi rin nakabuti, sa halip ay lalo lang nagpadami ng mga nagugutom dahil sa pagsirit ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin. Na-deregulate ang pagkontrol sa langis na siyang pinakamalaking indulto. Nagkaroon ng “open skies” kaya nagdagsaan ang mga international airlines sa bansa, tumiklop ang Philippine Airlines, hindi nakaya ang kumpetisyon. Wala ring nagawang mga konkretong proyekto para sa bansa, ang mga korapsyon lalong namayagpag daw, komisyunang kaliwa’t kanan sa pagbenta ng mga propredad ng bansa – unang pagkanulo sa soberinya pang-ekonomiya ng Pilipinas.

Nagkaroon ng artistang presidente, si Joseph Estrada, bise- presidente ang ekonomista daw na si Gloria Arroyo, propesora pa. Maraming artista ang nahirang na tumulong sa kanya kasama na yong nagpa-popular ng kasabihang, “weather- weather lang, yan….”. Hindi natapos ang termino ni Joseph Estrada dahil sa kaliwa’t kanang napansin daw na bulilyaso…na-impeach. Nadamay sa mga kontrobersiya ang may ginintuang boses na si Nora Aunor – unang patunay na nakakahila ang pagiging tanyag.

Pumalit si Gloria na nagsabi agad na hindi tatakbong presidente, subali’t bago matapos ang minanang trabaho mula sa na-impeach na si Joseph Estrada, may divine intervention daw na tumulong sa kanya upang magdesisyon siyang tumakbo na lang. Tumakbo nga at sinubukan ng mga tao, parang okey naman, subali’t sa umpisa lang pala. Unti-unting nabisto ang mga palihim daw na mga transaksyon, dawit pa ang asawa. Nang mawala sa puwesto, nagsingawan ang mga baho, umalingasaw, matindi.

Nang maupo ang isa na namang Aquino, si Noynoy Aquino, nangakong makikinig daw sa mga utos ng mga tao. At ang mga Pilipino ay aakayin niya sa matuwid na daan. Lumampas lang ng kaunti sa kalahati ng kanyang termino, naglitawan ang mga kasong kahindik-hindik! Animo sinakluban ng langit ang sambayanan…na feeling ay parang inagawan ng pagkain. Nakawin ba naman ng mga taong pinagkatiwalaan nila ang pera ng bayan…mga taong ibinoto dahil matatalino daw. Yon pala, ginamit ang katalinuhan upang  mapaikutan ang mga batas! Kasama daw diyan yong mga itinalaga mismo ng pangulo sa mga puwesto! Ito na ang pinakamatinding pagkanulo ng gobyerno sa  tiwala ng taong-bayan!

Hindi marinig ng pangulo ang mga utos ng taong bayan… natatalo ng lakas ng mga bulong ng mga nakapaligid sa kanya, mga miyembro daw ng Student Council, ng mga dating classmate, ng mga kabarilan sa shooting range, at ng kung anu-ano pang bintang ng media. Hindi rin niya maakay ang sambayan tungo sa tuwid na daan dahil wala pang na-construct na maski kapirasong distansiyang ganitong matinong highway o kalsada man lang. Ang mga nagawa kasing yari sa aspalto, ilang ulan lang, animo ay binagsakan ng pira-pirasong bomba, kaya uka-uka. Ang mga yari sa semento, dahil sa kanipisan, ilang buwan lang animo ay binarikos sa dami ng mga crack na sanga-sanga.

Nagsimula sa isang maliit na korapsyon, lumala nang lumala. Yan ang kuwento ng Pilipinas…ng animo ay ginahasa na ating Inang Bansa!...isang malungkot na pagbabalik-tanaw, na mas malungkot pa sa isang Korean nobela, na kinahihiligan ng mga Pilipino,  na ang iba ay nagtataas ng mga nakatikom na kamay sa harap ng TV camera at sumisigaw na inosente ang mahal nilang……alam nyo na! Hindi daw nagnakaw…inosente, hangga’t hindi napatunayan! …walang nakakita, lalo na yong babaeng may piring nga naman sa mga mata! Sige na nga!


(Pasensiya na sa kahabaan ng diskurso…nadala lang ng kanyang damdamin ang nagsulat, nagka-stiff neck nga sa kalilingon sa mga nakaraan. Lalong pasensiya, sa mga gumagamit ng smartphone sa pagbasa na hindi sana nag-overheat. Nag-take chance lang ang sumulat dahil libre ang mag-post.)