0

Ang Masisipag na Biyahera ng mga Gulay at ang Matiyagang Arkabalista ng Tacurong na si Melvin Duque

Posted on Tuesday, 8 August 2017

Ang Masisipag na Biyahera ng Gulay
At ang Matiyagang Arkabalista ng Tacurong na si Melvin Duque
Ni Apolinario Villalobos

Sa isang bahagi ng kalye na papasok sa Apilado subdivision ng Tacurong city, natagpuan ko ang isang maliit na bagsakan ng mga gulay mula sa Takub na bahagi na ng South Cotabato, isang bulubunduking barangay. Ang ibang biyahera ay mula sa Kulaman, Tantangan, Buluan, at President Quirino. Napansin ko rin sa bahaging yon ang isang taong may nakakuwentas na ID ng city government, at napag-alaman kong arkabalista pala…si Melvin Duque.

Maagap sa pagbigay ng tiket si Melvin pagkatapos niyang bilangin ang mga nakasakong gulay ng mga biyaherang lahat ay kilala na niya. May kasama pang ngiti kung siya ay magbigay ng tiket kaya kahit kararating lang ng mga binibigyan niya ay wala silang reklamo. Maaga pa lang ay nakaabang na si Melvin at kahit tirik na ang araw ay matiyaga pa rin siyang nag-aabang ng mga darating. Dahil walang sombrero, ang pananggalang niya sa init ng araw ay ang kanyang sweat shirt. Hindi siya umaalis sa kanyang “teritoryo” hangga’t may dumarating pang mga biyahera.

Maliit lang ang kinikita ng mga biyahera ayon sa isang nakausap ko. Ang ilan sa kanila ay mismong mga nagtanim ng kanilang paninda. Ang iba naman ay namamakyaw ng mga gulay mula sa mga magsasakang ayaw bumaba sa mga palengke upang magbenta. Karamihan din sa kanila ay mga babae dahil ang mga asawa daw nila ay naiiwan upang magtrabaho sa bukid.


Si Melvin at ang mga biyahera ay mga nakalimutan nating mga haligi ng ating ekonomiya….mga bayani. Kung walang mga biyaherang nagtitiyagang maghakot ng mga gulay sa pamilihan kahit kaunti lang ang kikitain, wala tayong mabibiling natitingi o retailed sa mga palengke. At, kung walang matiyagang arkabalista tulad ni Melvin, walang malilikon na direktang buwis ang lokal na pamahalaan upang maipatupad nito ang mga programa at may maipangsahod sa mga empleyado at opisyal ng bayan. Karapat-dapat sila sa ating paghanga at paggalang, na ang tiyaga at kasipagan ay dapat tularan.





0

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob

Posted on Monday, 7 August 2017

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob
Ni Apolinario Villalobos

Likas na sa tao ang tumanaw ng utang na loob sa kapwang nakapag-abot ng tulong sa kanya. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng tulong din, salita, o sa kilos man lamang.  May mga tao namang nakatulong na ayaw tumanggap ng utang na loob kahi’t na sa anong paraan, at nagsasabi na lang na ipasa sa iba ang tulong na natanggap. May iba namang tumatanggap ng utang na loob lalo na’t  nakita nila kung paanong paghirapan ng mga natulungan nila ang makapagtanaw ng utang na loob sa abot ng kanilang makakaya. May iba namang natulungan na nga ay nagawa pang pintasan ang tulong na naibigay.

Sa kagustuhan ko minsan na makatulong  sa isang nanay na mag-isang bumubuhay ng kanyang mga anak, at madalas na maglabas ng sama ng loob dahil sa kahirapan ng buhay, naipamili ko sila ng pang-ulam na isda at gulay, pati bigas. Nang dalhin ko sa kanila ang mga napamili at nakita niya, sabi ng nanay, “ay, kuya, hindi kumakain ang mga bata ng isda dahil nalalansahan sila”. Kaya pala sila hirap, kahi’t kapos sa pera, pinipilit ng nanay na pagbigyan ang luho nila sa pagkain, kaya ang binibili niyang pang-ulam palagi ay karne ng manok at baboy, at ang gulay ay bihirang-bihira lamang, kung magkaroon man ay repolyo– yan ang sabi niya sa akin. Mabuti na lang at hindi tinanong ng nanay kung magkano ang bigas at baka mabisto na mumurahin lamang.

Hindi na ako nagtagal sa kanila, bitbit ang dalawang plastic bag, dumiretso ako sa bahay ng isang kaibigan na medyo nakakaangat sa buhay. Nang iabot ko ang mga plastic bag ng mga pinamili ko, abot-abot ang kanyang pasalamat. Ang kaibigan kong ito ay volunteer sa isang parokya at kadalasang nagmamaneho ng sasakyan ng pari kung may mga lakad ito. Kung sira ang kotse ng pari, kotse niya ang kanyang ginagamit.  Minsan na akong nakasama sa kanila nang puntahan namin ang isang naghihingalong matanda sa  kanyang barung-barong, sa tabi ng isang malaking ilog sa Pasay. Yong naunang nabanggit kong pamilya naman na ang mga anak ay nalalansahan sa isda ay umaasa lamang sa paabot-abot na tulong ng kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Japan bilang singer sa isang bar.

May isa namang pamilya na nagawan ko ng paraan upang may mahanap na malilipatan agad dahil pinapaalis na sila sa kanilang tirahan na pagmamay-ari ng isang masungit na landlord daw. Subali’t inamin naman ng mag-asawa na kaya sila pinaapaalis ay dahil delayed sila ng dalawang buwan sa pagbayad ng upa. Nakiusap ako sa isang kaibigan na may kaya ang pamilya at nagpapaupa ng mga apartment din, na  baka pwedeng ipagamit ang bago pa lang nabakanteng unit. Dahil kaibigan ko, hindi na ako nagdalawang salita dahil kinabukasan din ay nakalipat ang pamilyang pinaalis sa dating apartment. Para walang masabi ang kaibigan ko, ako na rin ang nagbigay ng dalawang buwang deposito. Makaraan ang mahigit isang taon, naringgan ko na ng reklamo ang kaibigan kong nalipatan ng pamilyang natulungan – madalas delayed ang upa. Nang pasyalan ko minsan ang nasabing pamilya, may nakita akong van na nakaparada sa tapat ng apartment, kanila pala. Pinatuloy nga ako subali’t naramdaman ko ang malamig na pakita sa akin- pinahalatang ayaw nila akong tumagal dahil hindi man lang nag-alok ng tubig o kape, ni hindi man lang ako pinaupo. Umalis na lang ako at nang magkita kami ng kaibigan kong may-ari ng apartment, sinabihan ko na lang na ayaw ko nang makialam sa kanyang desisyon.

Ang isang klasikong halimbawa ng hindi paniningil sa mga natulungan ay nang sabihin ni Hesukristo na ang pagmahal natin sa ating kapwa ay pagpapakita na rin ng ating pagmamahal sa Kanya. Hindi niya tahasang sinabi na may dapat tayong tanawing utang na loob sa kanya dahil ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa atin. Ang isang pagmamahal na tinutukoy niya ay ang pagtulong natin sa ating kapwa.

Kung ang mga pipi ay nakakagawa  ng paraan para maipakita ang kanilang pasasalamat, tulad ng pagyuko man lamang, pagpapalipad ng halik patungo sa nakatulong, pagdampi ng mga daliri sa bibig, pagturo sa dibdib kung nasaan ang puso, at ang pagporma ng mga daliri upang maghugis puso, sabay turo sa tao na gusto nilang pasalamatan, tayo pa kaya na may kakayahang magsalita?

Bilang mga panghuling paalala:  hindi dahilan ang pagkalimot ng iba na magpaabot ng pasasalamat o magpakita nito sa anumang paraan, upang mawalan tayo ng ganang patuloy na tumulong sa ating kapwa sa abot ng ating makakaya, dahil hindi dapat magkaroon ng puwang ang pagtanaw ng utang na loob sa ganitong pagkukusa. Isantabi ang sama ng loob at ituloy lang ang pagtulong sa kapwa.


0

Ang Kalasingan

Posted on Sunday, 6 August 2017

Ang Kalasingan
Ni   Apolinario   Villalobos

Hindi lamang sa alkohol ng alak, ang tao’y nalalasing
Kundi sa mga bagay na sa hinagap ma’y di natin akalain
Nariyan ang kalasingan sa biglang yaman na naangkin
At  kalasingan sa karangalang, sa katagala’y nakamit din.

Hindi masama ang uminom ng alak kung ilagay sa wasto
Lalo na’t sa Misa, ito ay  simbolo rin ng dugo ni Hesukristo
Subali’t sadya yatang may mga taong sa katakawan nito
Sa labis na natunggang alak, ang alkohol ay napunta sa ulo.

Kung minsan ‘di natin masisisi, taong sinwerte ang kapalaran
Na dati ay lagi na lang kumakalam ang sikmurang walang laman
Subali’t sa pag-angat ng isinusumpa-sumpa niyang kinalalagyan
Kayamanang nakamit,  halos hindi niya alam kung paano dapaan.

Yong iba naman, lahat ng paraan, walang humpay nilang ginawa
Mangiyak-ngiyak na kung minsan dahil sa kawalan nila ng pag-asa
Makamit lang ang inaasam na karangalang sa kanila’y napakahalaga  -
Subali’t nang makamit , mga paang umangat,   hindi na maibaba sa lupa!


0

Ang Mabuhay in this World (fusion poetry in Tagalog and English)

Fusion Poetry….
(here’s one sa mga mahilig mag-slang kung mag-Tagalog)

Ang Mabuhay in this World
By Apolinario Villalobos

Ang mundo is not really full of roses
Not every moment is with happiness
Makulimlim din minsan ang paligid
Nagbabadya ng lungkot nitong bahid.

Maganda na sana noong unang time
When paradise was there yet…sublime
But, mahina si Adan, bumigay kay Eve -
Pinalayas tuloy, napatira sa mga yungib!

“Maghirap upang mabuhay” was the sumpa
Nakatatak sa dugo, one painful na pamana
Kasalanang tinubos naman by  Christ Jesus
When on Mt. Calvary, he died on the cross!

As we live in this slowly dying world, tiis lang
Not only humans suffer, marami ding nilalang
Nandiyan also ang mga trees, fishes, at hayop
Lahat tayong mga nilalang, hirap, nagdarahop.

Walang magandang gawin but to say, “salamat”-
Salitang ulit-ulitin mang ilang beses ay ‘di sapat
Hintayin lang our last moment sa planetang ito

And, where we’ll go, depends sa ating pagkatao! 

0

Katangahan ng isang Iskolar ng Bayan Kuno

Posted on Friday, 4 August 2017

Katangahan ng isang Iskolar ng Bayan KUNO
Ni Apolinario Villalobos

Sabi ng isang “iskolar ng bayan” KUNO na tuwang-tuwa dahil sa pagpirma ni Duterte ng scholarship program para sa tertiary level, “SIGURADONG MAKAKATULONG ANG ISANG EDUKADO SA BAYAN”…TANGA SIYA!...MAKITID ANG ISIP AT MAIKLI ANG PANANAW!

Hindi guarantee ang edukasyon para makatulong ang isang Pilipino sa bayan. MARAMING OPISYAL NG BAYAN NA MGA MASTERS AT DOCTORS NG KUNG ANU-ANONG KAEK-EKAN NA TINAPOS SA MGA UNIBERSIDAD SA PILIPINAS AT IBANG BANSA ANG NAGING DAHILAN NG PAGHIHIRAP NG BAYAN DAHIL SA KANILANG KORAPSYON. SA SOBRANG DUNONG O INTELLECT, NAGKAROON SILA NG IDEYA KUNG PAANONG MANGURAKOT AT MAGPALUSOT KAPAG NABISTO. MARAMI RING NAGDODOKTOR-DOKTORAN SA KUNG ANONG LARANGAN GANOONG BINILI LANG NILA ANG TITULO….MGA KAPALMUKS!

Nakalimutan ng taga-UP pa naman na IBA’T-IBANG URI ang pagtulong sa bayan, hindi lang ang pag-upo sa aircon na opisina. Diyanitor man o security guard o pulis o sundalo o messenger o driver o matadero o tindera o manikurista o barber, etc. ay nakakatulong din sa bayan. Ang mga iyan ay maituturing ding mga haligi ng ekonomiya ng bayan. ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN KUNO…GUSTO AY MGA PANG-OPISINANG TRABAHO LANG!...SINO SA KANILA ANG GUSTONG MAGING MEKANIKO NG SASAKYAN O COMPUTER TECHNICIAN NA MADALING PAGKITAAN?...WALA!!!!! ANG GUSTO NG MGA HANGAL NA ITO AY NAKA-HIGH HEELS SILA O NAKA-KURBATA KAPAG PUMASOK SA TRABAHO.

Ang matindi pa, ang mga iskolar kuno ng bayan ay walang utang na loob dahil sa halip na tumulong kay Duterte ay sumasama pa sa mga TRYING HARD o NAGMAMAANG-MAANGAN NA MGA KOMUNISTA KUNO UPANG MAG-INGAY SA KALSADA AT MAGBATO NG PINTURA SA U.S. EMBASSY…LALO’T HIGIT AY MAGKONDENA KAY DUTERTE DAHIL SA PROGRAMA NIYA LABAN SA DROGA NA ANG LAYUNIN AY MAILIGTAS SA KAPAHAMAKAN ANG MGA KABATAAN! SILA AY MGA NAGKUKUNWARING MATATALINO PERO UTAK IPIS NAMAN NA ANG GUSTO LANG AY MAKI-RIDE ON SA KUNG ANO ANG USO. Kaya, kung tutuusin ANG KARAMIHAN SA KANLA AY HINDI KARAPAT-DAPAT NA GASTUSAN NG PERA GALING SA BUWIS NA ANG KATUMBAS AY PUYAT, PAGOD AT PAWIS NG ORDINARYONG PILIPINO NA NAGHIHIKANOS DIN SA BUHAY.

Dapat sa scholarship program ay gawing “study now, pay later plan”…meron na yata nito pero hindi lang naipapatupad ng maayos kaya pumalpak. Dapat papirmahin ang mga gustong mag-avail upang mapilitan silang magbayad sa gobyerno kapag nakakita na ng trabaho. Kapag hindi nila ginawa ay ipatanggal sila sa trabaho upang magkaroon ng leksiyon. Kung nakapasa sila sa programa, dapat din silang palinisin ng kalsada tuwing walang pasok o di kaya ay papuntahin sa slum areas upang magturo sa mga bata.

Ang hirap din sa mga iskolar kuno na ito, ang yayabang pa! Nabisto tuloy na hindi lahat sa kanila ay mahihirap, lalo na ang pumapasok sa UP dahil ang requirement lang ay makapasa sa exam. Ang habol nila sa UP ay prestige. Masabi lang na graduate sa UP, kahit pasang awa ay solve na sila. Kung may interview man bago maka-avail ng scholarship,  hindi rin siguradong epektibo….ang dapat ay masinsinang background check (BI). Ngayon, kapag ipinilit ang BI requirement, siguradong magrereklamo ang mag-iimplement ng scholar program dahil sa kakulangan ng mga taong gagawa nito. So, balik na naman sa sisihan kapag pumalpak ang programa tulad ng nangyari sa 4Ps na hindi lahat ng beneficiary ay mahihirap kundi malalakas lang sa Barangay na siyang nagbibigay ng recommendation sa DSW.


Sa bandang huli, hindi maso-solve ng scholarship program para sa tertiary level ang problema sa edukasyon. ANG DAPAT NA TUTUKAN AY ANG NAPAKABULOK NA SISTEMA KUNG SAAN AY KASAMA ANG MGA DISPALINGHADONG TEXTBOOKS NA KARAMIHAN AY MARAMING MALI AT GINAWANG WORKBOOKS KAYA HINDI NA NIPAGAGAMIT SA IBA PAGKATAPOS NG PASUKAN. ANG DAPAT GAWIN AY IKULONG ANG MGA NAGKUKUTSABAHANG CHED AT DECS OFFICIALS AT MGA PUBLISHERS….PERO DAHIL WALANG GINAGAWA TUNGKOL DITO, TULOY ANG PAGDURUSA NG BAYAN!

0

The Problems with Some Filipino Entrepreneurs

Posted on Wednesday, 2 August 2017

The Problems with Filipino Some Entrepreneurs
By Apolinario Villalobos

First of all, many Filipino entrepreneurs are copycats. Their attitude is such that if they have observed the success of a certain business, they get envious and start their own, thinking that they would attain similar success. That is how the long line of bibingka stands along the highway of Digos in Davao came about, as well as roadside eateries all over the Philippines.
The copycat syndrome also brings about the proliferation of “fad businesses” that eventually, dies a natural death.

Many Filipino entrepreneurs forget one most important factor which is very necessary in putting up a business…the personal conviction or determination founded on personal interest. This factor is determined by the character of the person who is putting up a business. Simply put, an investor will definitely not succeed in selling a product that he does not use. How can a vegetarian for instance, be successful in selling meat products? How can a person sell herbal products if he does not even drink coffee?

Filipino entrepreneurs expect overnight success of their investment. They want an immediate return of their investment and lose heart in proceeding at the sign of any loss. They forgot that any investment that involves money is risky and may take years for the initial capital to be recovered. Meanwhile, recovery of investment may even be impossible if the Filipino entrepreneur spends not only the profit but the capital itself which should be used as a revolving fund.

Finally, one reason why many of these entrepreneurs always depend on the “5/6 loans” from enterprising Indian nationals, the so-called “Bombay” is their failure to save even a small portion of their profit that can be used as revolving fund later on. This attitude is an offshoot of the “Bahala na System”…a very negative aspect of the Filipino culture that seems so difficult to eliminate or at least, minimize.


If we want to move up, we should change our attitude!

0

The Muslim Filipino Pastil/Patil and the Japanese Sushi

Posted on Tuesday, 1 August 2017

The Muslim Filipino Pastil/Patil and the Japanese Sushi
By Apolinario Villalobos

The pastil/patil is a one-dish meal wrapped in banana leaf. It is topped with shredded chicken cooked in soy sauce and plenty of vegetable oil. A variation is the use of fresh water fish such as dalag (mud fish) and tilapia as topping. It is a popular meal ni southern Mindanao, particulary, Cotabato provinces, Zamboanga and Jolo. Today, however, the indication of the presence of a Muslim community in any place around the Philippines are the stacks of this banana leaf- wrapped meal in a store. High grade white rice is used in this dish and the shredded chicken is cooked for hours. What is nice about this dish is the cheap price per wrap at Phpq10 which has not been “updated” for more than 10 years, making it the popular poor Mindanaoan’s meal.

Similar in appearance is the Japanese sushi, although, much smaller in size and requires an intricate  preparation. The price of each sushi depends on the variety – the kind of food wrapped and put on top of the rolled Japanese rice. Unlike the pastil/patil, only the rich Filipinos can afford the Japanese sushi, for the cost of the cheapest piece is equivalent to the price of one kilo high grade rice.