0

Leeg Mo, o Leeg Ko...Leeg mo na lang!!! (nang bitawan ni Pnoy si Purisima)

Posted on Tuesday, 3 March 2015



Leeg Mo, o Leeg Ko
…Leeg mo na lang!!!!
ni Apolinario Villalobos

Nasaan ngayon ang “tapang” ng Presidente ng Pilipinas? Akala ng marami ay ayaw niyang bitawan ang BFF niyang si Purisima, subalit ngayon ay tone-toneladang sisi ang ibinabagsak niya dito dahil sa kapalpakang nangyari sa Mamasapano na nagresulta sa pagkamasaker ng 44 na SAF commandos. Ginamitan niya ng teknikalidad si Purisima dahil nakialam daw ito maski suspendido. Alam na ng lahat iyan. Dapat maging original naman sila sa Malakanyang. Sino ba ang nagpatawag kay Purisima sa Malakanyang? Sino ba ang nagbigay dito ng lakas ng loob upang sabihan nito si Napeῆas ng “ako na ang bahala sa dalawa” na ang tinutukoy ay ang OIC ng PNP at namumuno ng AFP? Bakit ngayon lang nagsalita si Pnoy tungkol dito?

Nagteknikalidad na rin lang sila sa Malakanyang, sana ay nilubos na nila upang kung kulang pa ang paghugas-kamay ni Pnoy laban kay Purisima ay maituturo rin si Napeῆas na may sala dahil “sumunod” ito sa “payo” ng isang suspendidong opisyal, kahit hepe pa niya. Puwede pa siguro nilang ihabol sa isang presscon.

Ang nakakahiya ay “kinain” ni Pnoy ang buong tapang niyang pag-ako ng responsibilidad sa nangyari sa Mamasapano, nang magsalita ito sa isang interbyu. Dahil sa ginawa niyang paghuhugas-kamay, lalong nakulapulan ng kahihiyan ang pangalan ng kanilang pamilya. Kaya pati tuloy mga kilalang kamag-anak ay ikinahihiya siya. Kulang ang salitang “nakakahiya” upang i-describe ang ginawa ni Pnoy. Ang dapat na salita ay “nakakamatay-sarili” (bagong salita ko yan na ginawa ko, regalo ko kay Pnoy).

Ngayon, saan ang pinagmamalaki naman ni Purisima na “friendship” nila ng Presidente, na kapalit ng pagligtas “daw” niya dito sa isang kapahamakan? Sino ngayon ang naiwang nakanganga at nakatunganga? Hindi na bago ang katotohanang, sa mundo ng showbiz at pulitika ay walang permanenteng kaibigan…at dapat ay alam ito ng lahat na sumasawsaw sa pulitika. Hindi na pakitang-tao o drama ang ginawang pagbitaw ni Pnoy kay Purisima kaya dapat ay matauhan na siya o maudlot at gumising mula sa isang mala-fairy tale na panaginip!

Kung noon pa man sanang hindi pa malala ang mga pagpuna kay Purisima, subalit marami na ang nanawagan sa kanyang pagbitaw at sinunod naman niya, ngayon sana ay sitting pretty na lang siya sa mansion niya sa Nueva Ecija. Talagang mahirap dumikit sa dingding na ampaw dahil mabubutas ito at ang dumidikit ay lulusot!

May pag-asa pa naman yata si Purisima. Labanan din niya ng teknikalidad ang ginawa sa kanya ni Pnoy. Mas marami pang kakampi sa kanya kung gagawin niya ito dahil marami na ang galit sa Presidente at kahit saang anggulo titingnan ay talagang hindi pwedeng balewalain ang “command responsibility” sa mga nangyaring pakikipag-ugnayan niya dito na humantong sa Mamasapano massacre. Subalit….yan ay kung matapang si Purisima! Paano kaya kung lumapit si Purisima sa mga kilalang kamag-anak ni Pnoy at hingan ang mga ito ng tulong?...tanong lang ito, ganyan naman kasi ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas - baligtaran….nakakasuka!!!

0

Ang Pagtitiwala sa Kapwa ay Pagbibigay ng Pag-asa



Ang Pagtitiwala sa Kapwa
Ay Pagbibigay ng Pag-asa
Ni Apolinario Villalobos

Marami tayong nakikitang palaboy sa ating paligid na kalimitan ay hinuhusgahang mga tamad. Ganoon din ang mga nakatira sa bangketa, ilalim ng tulay at kariton na tinitingnan ng karamihan na pasanin ng lipunan. Subalit ang hindi alam ng marami, ang mga taong ito ay nagsisikap kaya namumulot ng mga mapapakinabangan pa sa basurahan, sa halip na manghingi sa ibang tao o magnakaw. Ang ibang nakausap kong nakatira sa bangketa, ilalim ng tulay at kariton ay may mga trabahong matino, maliit nga lang ang sweldo na wala pa sa minimum.  At ang pinakamasakit pakinggan mula sa kanila ay ang hinanakit na hindi sila pinagkakatiwalaan, kaya ang iba ay talagang hindi makahanap ng trabaho.

Mapalad ang mga taong halos mawalan na ng pag-asa sa buhay subalit may nakikilalang tao na handang tumulong nang walang kundisyon o kapalit. Tulad na lang ni “Gilbert” na humiwalay sa asawang lulong sa bawal na gamot at ayaw paawat sa bisyong ito. Ang ginawa niya ay binitbit ang nag-iisang anak at pinaalagaan muna sa magulang at siya naman ay nakipagsapalaran kung saan-saang lugar upang kumita gamit ang kanyang kaalaman sa pagkarpentero, hanggang makarating sa Cavite. Napasama siya sa mga kontratistang gumagawa ng bahay subalit maliit lang ang mga proyekto kaya ang kita niya hindi rin halos sapat sa kanyang pangangailangan lalo pa at nagpapadala rin siya ng pera sa kanyang magulang upang magamit sa kanyang anak.

Napadpad siya sa aming lugar at sa simula ay nakitira sa isang malayong kamag-anak at nakihati sa mga gastusin sa bahay. Subalit ang nangyari, hindi rin pala mapagkatiwalaan dahil ninanakawan pa siya, at palaging ginigipit sa kanyang bahagi sa mga gastusin kaya napilitan siyang magsangla ng kanyang mga gamit sa pagkakarpintero.

Sa puntong ito, tiyempong may pinagawa sa kanya ang magkapatid na naisulat ko na noon at ginawan ng tula na ang pamagat ay “Ang Dalawang Babae ng Maragondon”. Ang nakakatanda sa kanila, si Emma ay may carinderia, at ang nakababatang si Baby naman ay tumutulong sa kanya. Sa kabila ng pagiging single parent in Emma ay naitataguyod niya ang bunsong anak, at si Baby naman ay tumutulong din sa pagpapagamot ng kanyang asawa na dina-dialyis dahil sa sakit sa bato.

Hindi nag-atubiling tumulong ang magkapatid kay “Gilbert” nang malaman nila ang kuwento ng buhay nito. Ang nakita nila ay ang pagsisikap na ginagawa ni “Gilbert” kahit ito ay kapos. Pinaalis ito sa tinitirhan ng kanyang malayong kamag-anak, kaya hinayaan ng magkapatid na habang walang naiipon at nakikitang matirhan ay pansamantalang matulog sa kubo na kinakainan ng mga kostumer nila.

Ang sabi ni Emma na natanim sa isip ko nang kausapin ko siya ay, “…kailangang matuto tayong magtiwala sa ating kapwa upang maski paano ay mabigyan sila ng lakas sa kanilang pagsisikap”. Dagdag pa niya, “…sa pagtulong, wala nang tanong-tanong pa, sa halip ay tingnan ang agarang pangangailangan nila”.

Ngayon, habang  walang makitang trabahong pansamantala si “Gilbert”, naglilinis siya sa paligid, lalo na sa harapan ng carinderia. At ang kainaman, dahil kilala na rin siya ng mga kaibigan ng magkapatid, tinatawag din siya kung may ipapagawa ang mga ito sa kanilang bahay.

Ang hindi ko makalimutan sa mga sinabi ni “Gilbert” nang makausap namin ay noong hinahanapan daw siya ng pera ng kanyang malayong kamag-anak na tinitirhan, binulatlat niya sa harap nito ang kanyang mga gamit upang ipakitang talagang wala siyang pera. Nasa iisang backpack lang naman ang kanyang mga gamit dahil pinasanla na sa kanya ang kanyang mga gamit sa pagkakarpintero. Ang dagdag pa niya, “….pati nga ang iilang pirasong beynte singko sentimos na iniipon ko ay inilabas ko na”.

Sino ang hindi magtitiwala sa isang taong sa kapipilit na magsikap,  ang turing sa beyte singko sentimos ay kayamanan na?....iyan ang nakita nina Emma at Baby kay Gilbert.

0

Ang LRT at MRT



Ang LRT at MRT
Ni Apolinario Villalobos

Ang LRT ay ginawa noong panahon ni Marcos. Hanggang ngayon, ilang dekada na ang nakalipas ay wala halos narinig na aberyang nangyari sa pagpapatakbo nito. Ang MRT ay ginawa noong panahon ni Gloria Arroyo. Iilang taon pa lang ang nakalipas, nakakapanindig-balahibong mga aberya na ang sunud-sunod na nangyari at nangyayari na ang iba ay magkasunod sa iisang araw. Ang sabi ng marami, noong panahon ni Marcos, takot ang mga opisyal na gumawa ng katarantaduhan kaya magaganda at de-kalidad ang mga proyekto. Isa lang daw kasi ang korap.  Subalit pagkapatalsik kay Marcos, nawala na ang takot ng mga opisyal kaya nagkanya-kanya na ng pangungurakot na ang direktang naapektuhan ay ang kalidad ng mga proyekto – isa na diyan ang MRT.

Nitong huling mga araw, naglabasan ang mga kuwento tungkol sa mga imported na materyales pangkonstruksiyon na mahina ang klase. Nariyan ang yero na animo ay cardboard sa kalambutan at bakal na kahit sa tagal ng pagkakatambak ay “lumiliyad” sa kalambutan. Isa sa mga “sakit” ngayon ng MRT ay ang pagkakaroon ng lamat ng mga riles na bakal, kaya kamakailan lamang ay kailangang paigsiin ang oras sa pagpapatakbo nito upang magkaroon ng panahon sa pagkumpuni ng riles tulad ng pagputol ng bahagi na may lamat upang mapalitan ng bago. Ang nakakabahala dito ay hindi na buo ang riles kaya mas lalong malaki ang posibilidad na ito ay maghiwalay sa dugtungan at mangyari ang pagkadiskarel ng mga bagon! Paano na kung sa pagkadiskarel ng mga bagon ay nahulog pa ang mga ito?

Ang tanong ngayon ay kung bakit hindi iginaya ang sistema ng MRT sa maayos na sistema ng tumatakbo nang LRT, lalo na sa klase ng materyales at disenyo upang “nagkakahiraman” ang mga ito ng mga kailangang piyesa, at upang ang pagmintina ay hindi mahirap. Hindi dapat idahilan ang bidding na dapat ay mababa dahil ang nakasalalay ay ang pangmatagalang paggamit at buhay ng mga mananakay.

Kamakailan pa rin ay nagkaroon ng isyu tungkol sa pangungurakot daw ni Vitangcol na dating namuno ng MRT, kaya tuloy nahantad na ang dahilan ng paghihingalo ngayon ng mass transport system na ito ay ang walang takot na pangungurakot!

Sa ngayon pinapatakbo ang MRT kahit may agam-agam pa rin upang kahit papaano ay maibsan ang problema sa pagbiyahe ng mga taga-Manila. Subali’t hanggang kaylan sila pahihirapan ng pag-alala na anumang sandali ay may sakunang mangyayari sa kanila….na sana ay huwag naman?

(LRT – light rail transit; MRT – metro rail transit)


0

On Respecting the Exemplar Biblical Personalities...and the non-believers

Posted on Sunday, 1 March 2015



On Respecting the Exemplar
Biblical Personalities…and the non-believers
By Apolinario Villalobos

My views about the Bible are very personal. I have always been honest about my limited knowledge of this Book, as I do not delve on “deep analysis”. For me, it is enough that I know the parables and the sayings as understood by simple lay people like me. What is important as far as I am concerned is their impact on my life so that I can put them into practice and I do not give a hoot what others say. For as long as I do something good for others, because I love God, that is enough for me. I leave it to others if they want to emulate my ways or not, as I do not perceive myself as a saint, anyway. What I am trying to share is that I put into practice what I read and such effort did not kill me or give me disease. Simply said, everything good that comes from the Bible is an inspiration that guides human actions.

If man’s faith has not been polluted by doubts because of unnecessary “analysis” of the Bible passages by “wise people”, the world would not have been divided into so many religions, sects, and occults that try to outdo each other in preaching the “right way”, based on…of all things, the Bible itself! And worst, NOBODY will ever be able to tell who among these groups is telling the truth.

So, what other things will these “preachers” still do to further pollute the mind of the faithful? Had there been respect, since the very start that the differences developed, there could have been no competition as to who has got the “best” religion. Without their knowing it, these “preachers” have caused some faithful to leave their church to become agnostics and atheists due to confusion, aside from giving rise to sects and occult groups. In other words, these “preachers” have dismally failed in many ways. And, since these non-believers have lately come out in the open with all honesty, nothing can be done about it but give them due respect for their choice.

All the venerated personalities in the Bible, including Jesus are with sins. If I say that the Virgin Mary was born with sin, I will surely earn the ire of the Marian devotees. But in my understanding, the “virgin” attached to her name refers to the “virgin birth of Jesus” which is even questioned, and not to her person who just like any man and woman born into this world has been tinted  with the “original sin”, that is why Jesus, as they say, had to die to save mankind from it. Moses, Abraham, Isaac, Jacob, etc….they did not lead ideal lives. However, what made all of them remarkable was their unquestionable Faith, and that is what I am trying to bring out in this blog. And, more so with Jesus who died on the cross to save mankind which then was His greatness. Why don’t we just leave it that way? Why not just respect and emulate their deeds which are not evil?

If we go deeper into the character of each Biblical personality, mankind will be left with nobody to emulate, not even God, who showed His cruelty in the Old Testament by commanding the Israelites to practically annihilate the tribes who blocked their effort in claiming the Promised Land. The “preachers” are oozing with “revelations” and “exposures” about just everything in the Bible - God, creation, Jesus, Virgin Mary, etc. The poor listener becomes the victim of these all-knowing guys, and he becomes confused, instead of being enlightened.

Rather than feel victim to these “all-knowing” guys, why can’t we just maintain, at least, our “respect” to the Biblical personages whom we have been taught early on, as the sowers of Faith? And, since the sowed Faith blossomed and bore numerous branches, why not also just respect those who prefer any of them? All branches came from just one seed, anyway.