October 2014

0

The Punching Bag...Antonio Tiu

Posted on Friday 31 October 2014



The Punching Bag
…Antonio Tiu
By Apolinario Villalobos

For the tenth time, during the sub-Committee Senate hearing on the case of Binay, conducted on 30 October 2014,  the latter’s prime dummy was practically punched to a pulp. But though, pathetically looking helpless, he heroically tried to enhance his posture by sporting sheepish smile. He made a mockery of the hearing by presenting a mere one-page document to show his ownership of the Binay estate at Rosario, Batangas, and which Trillanes said was prepared just the night before. His “crucial” evidence, obviously insulted the intelligence of the committee, as the piece of paper of the dummy seemed to have made fun of the proceeding.

All the way, throughout the hearing, Tiu was a picture of haplessness. Out of pity, perhaps, in one instance, Cayetano tried to give him a hint on how to salvage himself from the humiliating situation and establish his ignorance of the spurious deals he got involved in by just declaring that he was not aware if the guy from whom he bought the land was a dummy of Binay, but he refused to change his stance.

During the past hearings, his image as a successful businessman was shattered to pieces when Powerpoint presentations showed the dismal performance of his “corporations” which performed way below the red line, one showed revenue that a simple market vendor can earn for one year. Obviously, the capitalization that he has been arrogantly presenting was going around his “corporations” – a “show money” to entice investors. He was insisting that it was his own way of investing money which raised the eyebrows of legitimate businessmen.  Due to the question on his financial standing, he is now being investigated also, where his show money came from, resulting to the challenge from the committee to open his bank accounts, as clearly, he is not capable of raising such big amount.

In the presence of heads of agencies, such as DAR, DENR, BIR, and broadcaster Raizza Robles who presented more telling evidences, as well as, the ever present former Makati Vice-Mayor Mercado who brought along additional documented evidences, Tiu went on with his unbelievable litanies about his grand plan for the Binay estate, such as its conversion into an agri-tourism complex but proved to be just a whim, shattered by tangible evidences.

His insistence on being a “clean” businessman who pays taxes religiously, put him in hot waters, as BIR will, henceforth, check on his ventures, if indeed, their papers are in order. His reputation and name have been compromised, but he expertly masked his apprehensions, still with a “cute” smile, if the word of Trillanes be taken.

A personal observation is that the false allegations of Tiu, though obviously made up, serve as hints for the Committee in some of their discreet investigations. The fix where Tiu is in now, has become very complicated that he might find it difficult to come out of the maze he, himself created. Just like the rest of the Binay allies, he was perhaps, hoping that Binay will make it as the President in 2016, hence, his stalwart resolve to stand by the latter.

0

Huling Hirit sa Badyet



Huling Hirit sa Badyet
Ni Apolinario Villalobos

Ayaw kong sabihin ang eksaktong halaga ng badyet para sa taong 2015 na alam na rin naman ng lahat, dahil nakakalula, nakakahilo. Basta ang sabi sa mga balita ay pinakamalaki sa kasaysaysan ng Pilipinas. At, ang may pinakamalaking bahagi ng badyet ay opisina ng Presidente na pinuputakte na ng mga batikos at katanungan dahil sa hindi maipaliwanag nitong Development Acceleration Program (DAP). Higit na malaking eskandalo ang pagkadispalko ng mga badyet na galing sa DAP kung ihahambing sa eskandalo ng pork barrel ng mga mambabatas na kinasangkutan naman ng mg ghost NGOs ni Janet Lim Napoles.

Ang tinatagong intension sa badyet ay nabulatlat nang ilabas ang mga pagwawasto sa mga “errata” nito,  mga pagkakamali. At ang inaasahang mga pagkakamali na dapat sana ay tungkol sa pagbaybay ng mga salita, paglagay ng tuldok o kudlit sa tamang bahagi ng mga talata, na kung sa English mga typographic error, ay inabot ng kung ilang daang pahina! At lumabas na hindi lang mga typographic error ang iwawasto, kundi pati na mga mahahalagang provisions lalo na ang mga halaga ng badyet! Hindi pa man naipapasa sa Senado, ang mga kongresista ay naglalaway na sa inaasahang makakamkam nilang pera ng bayan!

At dahil opisina ng Pangulo ang may pinakamaking bahagi, siguradong papasok na naman ang salitang “discretion” o pansariling niyang desisyon na siyang magbibigay hustisya sa mga gagawin nito upang “magamit” ang pondo sa mga “programa o proyekto” na hindi man lang tinutukoy. Siguradong babanggitin ng mga tagapagsalita niya ang  tungkol sa tiwalang dapat ibigay sa kanya. Nakakalungkot sabihing, ang taong bayan ay wala nang tiwala sa Presidente, lalo na at napapaligiran pa rin siya ng mga taong mula pa man noon ay questionable na ang mga pagkatao. Kaya ang malaking tanong ay: saan o kanino ipagkakatiwala ng Pangulo ang nakakaeskandalong pondo na nakalaaan sa kanyang discretionary fund? Kung sasabihin ng Malakanyang na gagamitin ang pondo sa pagpapatuloy ng mga repormang nagawa niya…ang tanong ay ano ba ang nareporma niya? Nakakahiya ngang sabihin na lalo pang lumala ang mga dati nang malalang mga sitwasyon na ibinibentang niya palagi sa nakaraang administrasyon ni Arroyo! Sa madaling salita, wala na ngang ginawa… lalo pang nagpalala! Hindi tanga at bulag ang taong bayan…

Padating na ang eleksiyon 2016 na bubulaga na lang sa taong bayan dahil sa bilis ng takbo ng panahon. Ang mga interesadong maging Presidente ay nag-iingay na lalo na si Jejomar Binay na lahat ay gagawin upang makalusot, sa harap ng mga kasong gumugutay sa kredibilidad niya. Kailangang maging Presidente ni Binay upang lalo niyang mapalakas ang kanyang kapangyarihan na gagamitin niya sa pagbura ng kanyang mga kaso, pati na ang mga ibinibentang sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Kailangang magkaroon ng mekanismong pinansiyal ang administrasyon upang malabanan ang isang katulad ni Binay. Ang malaking badyet ang tanging pag-asa ng administrasyon na siguradong idya-juggle na naman upang mailabas sa kaban ng bayan nang hindi obvious o halata, at kung batikusin man ay siguradong wala ring kahihinatnan. Nangyari na yan at bistado na ang sistema kaya nga patuloy na binabatikos ang Presidente tungkol diyan. Subalit hindi na siya nadala. Ang pinapakinggan pa rin niya ay ang mga nakapaligid sa kanya.

Ang badyet 2015 ay lalong magbabaon sa Pilipinas sa lampas- taong kumunoy ng pagkakautang. At kung aaprubahan ng Presidente ang nakakawindang na halaga, ito  ang magiging ugat ng pamana niya sa mga Pilipinong nakanganga sa kawalan,  pagbaba niya sa puwesto. Ang nakakalulang halaga ang siyang magiging basehan ng mga susunod na gagawing mga badyet… kung hindi man dapat pantayan ay dapat lalong taasan pa. Dapat isipin na walang ginawang bagong badyet na mas mababa sa sinundan nito. Kaya, pagkatapos ng eleksiyon 2016, asahan na ang matinding inflation…kawawa ang papalit kay Pnoy, lalong kawawa ang mga Pilipino. Inaasahan na ni Pnoy ang mangyayari kapag naipasa ang badyet kaya malakas na ang loob niya sa pagsabing hindi na siya interesadong ipagpatuloy pa ang kanyang panunungkulan. Nakaganti na siya sa mga taong umaalipusta sa kanya!

Ang ipapamanang ugat ng mga utang ay lalago habang umuusad ang panahon,  titibay ang puno at mga sanga, yayabong ang mga dahon, mamumulaklak at magigig hitik ito sa mga bunga – kahirapan, kawalan ng trabaho, krimen, at marami pang iba. Matataranta ang papalit sa kanya sa paghabol sa mga bayarin, na ngingitian lamang niya habang nakatanaw from a distance. Diyan maaalala ang isang Pnoy na minsan nang naging Presidente ng isang kaawa-awang bansa sa isang sulok ng Asya…ang Pilipinas…na lalong naging kaawa-awa ang kalagayan sa kapanahunan niya!

0

Manila Metropolitan Theater...its history and story of neglect

Posted on Wednesday 29 October 2014



Manila Metropolitan Theater
…its history and story of neglect
By Apolinario Villalobos

A country without a cultural landmark is just like a basket that can’t hold water. Nothing is left to stand for the past, be it significant or not. Events just happen and forgotten, and for this, the people’s culture suffers. Many countries, though how small they are, have won the respect of powerful ones because of their rich past, made tangible by whatever remains.

The Philippine’s rich past has made its people look for an outlet which took form in plays, songs, poems, paintings, sculpture and other artistic expressions. The admixture of the eastern and western influences, have surfaced in all these expressions. Foreign influences which left their respective sediments in the country nourished cultures which are distinctly different from each other. These are however, consolidated by the Filipinos in a compromising effort to have just one that could be identified with them.

That was the benevolent intent which was magnified during the administration of Ferdinand Marcos. The Metropolitan theater was then, beginning to gain momentum in its effort for revival, as plays and concerts were again held, but unfortunately cut short when the feisty president was deposed.

Despite its sorry state today, it is important that Filipinos know how such neglected important edifice came to be.

The Metropolitan Theater that sprung up on an area of 8,293.58 square meters at Liwasang Bonifacio (formerly, Lawton plaza), embodies the several periods that saw the metamorphosis of the country. The unpretentious environment in which the expressionistic framework of the theater took shape is just a stone’s throw from the Bonifacio monument that stands witness to rallies of disgruntled students and workers. It is also a few steps from Mehan Garden, once a popular recluse of Manilans on weekends.

Its colorful and massive façade reflects its mute desire to stand firm and solid despite the challenges posed by turbulent years that rocked its structure more than five decades ago. The month of February in 1945 saw the crumbling of its roof as a result of bombings and shelling by the Allied Forces during the liberation of Manila from the hands of the Japanese Imperial Army. Its walls however, withstood the barrage of both the allies’ and enemy’s fires.

But the theater’s story before the dark years of WWII was something else. It was full of struggle and challenges that just strengthened its foundation. In 1924, with an appeal from Mayor Earnshaw, an area of 8,293.58 square meters was leased  by the government of Manila to the Metropolitan Theater Company, represented by Horace Pond, Antonio Milian, Leopoldo Khan, Manuel Camus, Enrique Zobel and Rafael Palma. The land then was used as a flower market of Mehan Garden. It was an untrimmed and not so pleasantly landscaped area that gave way to the theater.
The concerted effort of various communities of Manila that comprised of Americans, Chinese, Spanish and Filipinos, bolstered the hope of the crusading artists. A magazine, Manila’s Philippine Magazine, carried encouraging write ups on the proposed theater in its effort to gain support from its readers. Stocks were sold by the Philippine International Corporation at Php100.00 and Php50.00 to raise the needed fund which was one million pesos.

The project inspired many artists. Almost everybody was concerned and did not hesitate to offer help. One of these early sympathizers was Juan M. Arellano, a leading architect of the era, and who was sent to study in the United States with Thomas W. Lamb, an expert in theater construction. His sojourn in the United States marked the birth of a unique theatrical design which stood for the Filipino’s artistic traits. A brother of Arellano, Arcadio, contributed his skill in decking the structure which took form shortly after the cornerstone was laid in 1930.

What took shape was what the Phlippine Magazine editor, A.V.H. Hartendorp called modern expressionism. Flagstone paths were cut across lawns greened by tropical creepers and shrubs. On each side of the rectangular theater were pavilions separated from the main hall by open courtyards.

The theater’s façade truly expressed the richness of the Malay culture imbibed in the ways of the Filipinos. Colorful were the glasses that made up the big “window” and the tiles on both sides of the façade. Philippine plants in relief added exoticness to the theater’s face which was crowned with traditional Muslim minarets. Additional oriental accent was provided by shapely sculptured figures of two women who seemed to be preparing to take flight.

The theater’s interior equaled the exterior’s magnificence – wide marble staircase, mural paintings by Amorsolo and modern sculptures by Francisco R. Monti. The latter was an Italian sculptor, who practiced his trade in the country in the early 1930s. To give a feeling of spaciousness, boxes were eliminated. Relief figures cast shadows on the proscenium. Elongated lamps of translucent glass in the shape of bamboo stalks filled up the empty wall on both sides of the hall. The translucent stalks pointed to the ceiling that burst with a cornucopia of mango fruits and leaves.

The auditorium’s facilities were excellent, although the seating area could only accommodate 1,670, quite small for a fast-growing city like Manila. Its lighting, acoustics, air-cooling system and dressing rooms were all excellent and almost faultless. However, there was no understage and the orchestra pit was too narrow.

Dramatic Philippines was responsible for the showing of outstanding plays that made the theater famous. Very active members were Francisco Rodrigo, Emma Benitez and Narciso Pimentel. The theater’s stage was also grace by the zarzuela queen, Atang de la Rama.

Even when the country wallowed in the misery of subordination by a foreign power during the WWII, the theater continued to draw art lovers. It was used by members of the Volunteer Social Aid Committee (VSAC) as a front in raising funds for the underground movement against the Japanese. This group of artists likewise acted as secret mail carriers for Manilans who would like to get in touch with relatives detained at Capas and Cabanatuan. These Manila girls, some of whom were Conchita Sunico, Helen Benitez and Pilar Campos, went to the extent of spending for their own clothing materials which were then designed by Matilde Olmos, the best modiste of European clothes during that time.

The scarred Met which lost its roof during the liberation of Manila in February 1945 held on to what remained. Unfortunately, the transition period did not give much impetus to those who were previously active in theatricals. Of the several establishments housed by the Met, only the Magnolia Rendezvous, an ice cream kiosk held firm. Meanwhile the building underwent painful changes from a boxing arena into a cheap motel and gay bar, basketball court, garage and warehouse, until finally, into a home for half a hundred of displaced families.

It was in such a sorry state when a new breed of artists surfaced and made an appeal to the government to help salvage the Met. Their plea awakened the public from its long indifference and sheer neglect of a priceless heritage. Trouble between the artists and a group of enterprisers ensued when the latter proposed its demolition to give way to a modernistic commercial complex. A petition was submitted to the National Historical Institute to stop the sacrilegious hand and recognize the theater as an historical landmark.

The timely mediation of Mrs. Imelda Marcos gave assurance to the artists’ victory over their destructive opponents. The Met was finally restored to its pre-war grandeur and has been called the Manila Metropolitan Theater.  Its seating capacity was increased from 1,670 to 1,709.
To augment its finances, galleries that fringed the outer structure were rented out to shops that sold handicrafts, restaurants, studious and a night club. Bigger rooms on the second floor were furnished for receptions and meetings. Even the auditorium was leased to a movie company which showed three-dimensional films whenever the theater was free. Once again, shows and concerts were held.

The recovery of the theater was, however, short-lived. The emergence of the modern Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, modern cinema theaters and other cultural and artistic venues signaled again its slow deterioration. Groups of concerned artists joined hands to prevent its continued relapse to no avail….until, finally, it is back to its former state of gross neglect that we woefully see today.

To date, the veteran show host, actor and comedian, German Moreno is practically moving heaven and earth in his effort to revive to life the dying theater.


0

Ang Mga Problema ng Mga Ahensiya ng Pamahalaan



Ang Mga Problema ng
Mga Ahensiya ng Pamahalaan
Ni Apolinario Villalobos

Hindi ito pagbabatikos, sa halip ay isang pamumuna na ang layunin ay makatulong…

Sa mga nagaganap na imbestigasyong sangkot ay mga ahensiya ng pamahalaan na pumuputok pa sa media tulad ng radyo at TV, pati na sa mga diyaryo, malaki man o maliit na karamihang nilalaman ay tungkol sa showbiz, lumilitaw na ang problema ng mga ahensiya ng gobyerno ay kawalan ng malinaw na internal procedures. Ang palasak na tawag dito ay “operating procedures” na dapat ay nakapaloob sa mga manual. Kaya kapag nagkaroon ng problema, nagkakatarantahan kung ano ang gagawin. Malinaw na walang magandang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya kaya kung may pumutok na kaso ay nagtuturuan.

Umiikot ang mga operasyon ng mga ahensiya sa mga alituntunin na nasa Civil Service Code, Labor Code, at mga maya’t maya ay pinapalabas na mga memo o kautusan kaya tagpi-tagpi ang mga batayan ng desisyon, na kadalasan pa ay may mga puwang, mga kakulangan – mga butas na ginagamit ng mga tiwali upang makapagnakaw at gumawa pa ng ibang kamalasaduhan.

Kung minsan nakakatawang marinig sa mga interbyu ng kinatawan ng isang ahensiya na wala silang alam sa mga nagaganap na dapat ay may kinalaman sila, dahil wala pa raw silang natatanggap na fax man lang tungkol sa mga ito, at sa diyaryo lang nila nalaman. Halimbawa, makailang beses nang naghukay sa mga kalye ng Maynila ang mga kontraktor subali’t hindi alam ng MMDA, kaya nagkakagulatan kapag buhul-buhol na ang trapiko na halos ay hindi pa umuusad. May mga ginagawa ang Malakanyang na hindi alam ng Senado o Kongreso officially, dahil malaman man ng mga mambabatas ay sa pamamagitan na lang diyaryo. Ang Malakanyang ay ganoon din…sa diyaryo na lang nakakaalam ng mga ginagawa ng mga mambabatas. Paano na lang kung may kinikilingan ang naglabas ng mga balita? Dito na nagsisimula ang turuan!

Hindi maikakaila na ang mga gawain ng bawa’t ahensiya ay kumakawing sa iba pa, kaya mahalaga ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga ito, subalit hindi nangyayari dahil sa kawalan ng malinaw na sistema. Idagdag pa rito ang mga makalumang gamit sa komunikasyon. Maraming mga opisina ng gobyerno ang nakikihati sa paggamit ng mga fax machines. Marami rin ang hindi digitized, manu-mano ang operasyon, kaya ang pagdaloy ng komunikasyon at impormasyon ay hindi maaasahang epektibo. Marami pa ring opisina ang gumagamit at umaasa sa mga sinaunang makinilya. At, ang mga telepono, kung minsan ay putol ang linya, na gusto naman ng mga empleyado na tamad sumagot sa mga tawag.

Ang gobyerno ay umaasa sa mga nakasaad sa Civil Service Code na ang iba ay dapat tinanggal na dahil hindi na applicable sa mga kasalukuyang pangangailan. May mga batas na may kinalaman sa paggawa na dapat ay repasuhin nang naaayon pa rin naman sa mga patakaran ng  International Labor Organization, at dapat iangkop sa kalagayan ng Pilipinas, subali’t hindi ito ginagawa. Ang resulta tuloy ay, maraming mga empleyado ng gobyerno na napatawan na ng mga karampatang parusa dahil sa kanilang kaso, subali’t naka-float lamang, o di kaya ay inilipat sa ibang opisina. Ang ginagawang dahilan palagi ay “protektado” sila ng Labor Code o Civil Service Code. Isang halimbawa ay ang pagkabisto na ang ilang pulis na sangkot sa EDSA hulidap ay may mga kaso nang “nakabinbin” at yong iba ay may sintensiya na subali’t pinayagan pa ring mag-duty.

Ang mga nabanggit na bagay ay ilan lamang sa mga dapat na pinagkakaabalahan ng mga mambabatas upang mapaayos ang paggalaw ng mga ahensiya ng gobyerno. Hindi dapat maghintay ang mga mambabatas ng mga eskandalo na masasawsawan ng kanilang mga daliri, at makibahagi sa atensyon na bigay dito ng media. Ang mahirap sa mga mambabatas, ay matakaw sila sa media mileage, na magbo-brodkast sa taong bayan na may ginagawa kuno sila! Sabagay, kailangan nila ito bilang puhunan sa pagtakbo sa mga susunod na eleksiyon kung sila ay reeleksiyonista.




0

Ang Mga Maling Akala ni Binay

Posted on Tuesday 28 October 2014



Ang Mga Maling Akala ni Binay
Ni Apolinario Villalobos

Ang akala ni Binay, dahil sa pinipilit niyang imahe na siya ay mahirap at maka-mahirap, patok na siya sa taong bayan. Nagbandera pa ng mga retrato sa mga pahayagan – puro front page, kaya may nakahalata na parang paid advertisement. Maka-tribu din daw siya kaya todo costume din at nagpakodak kasama ang mga miyembro ng isang tribu sa Mindanao. Paanong hindi siya asikasuhin ng mga taong nilapitan niya, eh namigay daw ng mga dokumento tungkol sa mga kaek-ekang “pabahay”, na dapat lang naman niyang gawin dahil trabaho niya. Ginamit pa ang puwesto niya at pera ng bayan, na hindi naman nakatulong sa pagkubli ng tunay iyang layunin na pangangampanya lang pala! Sana mag-resign na lang siya bilang Bise-Presidente at cabinet secretary, upang makapag-concentrate sa kanyang kampanya, at nang lahat ng isla ng Pilipinas ay masuyod niya.

Nagpakodak pa kasama ang mga bata na nagbo-boodle fight- kainang nakakamay sa dahon ng saging. Pati mga bata ay sinangkalan pa sa kanyang maitim na hangarin! Sana sinamahan niya ng cake ang mga nakalatag na pagkain, upang lalong mabuo ang kanyang drama. Naglagay din sana siya ng flower arrangement sa gitna ng hapag kainan, gamit ang mga rare orchids ng kanyang asawa na inaalagaan sa asyenda nila sa Rosario, Batangas. At upang lalong masaya, hiniram sana niya ang mga mamahaling ibong alaga ng anak niyang si Abigail upang magamit na palamuti sa paligid ng kainan.

Ang isang wild suggestion ay bumalik siya sa Mindanao,  at pasyalan si mayor Rod Duterte, makipagkamay dito tulad ng ginawa ng isang dating presidente na pilit na nagmamalinis, at habang nandoon siya, dumaan na rin siya kay Quiboloy tulad ng ginawa noon ni Gloria Arroyo. Pwede rin siyang dumiretso sa Makilala, na hindi kalayuan at tahakin ang isang landas patungo sa New Israel, sa paanan ng Mt. Apo – doon maraming unggoy…at, siyempre, mga miyembro ng isang nakakabilib na sekta,  lahat din lang ng paraan ay ginagawa niya upang magkaroon ng media mileage. At mula sa Makilala, ay mag-side trip siya sa kampo ng MILF.

Magdala siya ng sangkaterbang tagakodak niya at umupa ng eroplano ng PAL o Cebu Pacific…gumastos din lang siya ng pera ng bayan, lubus-lubusin na niya. Pero sa isang banda, kaya ng sarili niyang yaman ang mga gastusin, dahil nakaya nga niyang ibili ng bahay na may elevator ang kanyang anak na kapangalan niya, kaya may adhikain ding kapareho niya. Kapag ginawa niya ang mga suggestion, papatok siya sa mga diyaryo, TV, at radyo...bilang isang trying hard na trapo na pang-Guinnes Book of World Records ang effort!

Maglaan din siya ng isang magdamag na ititiyempo sa prayer rally ng El Shaddai sa Paraaque, sabayan niya sa pagkanta si Velarde sa stage. Maghanda siya ng payong na ititihaya upang makasalo ng grasyang awa na hihikayatin niyang bumagsak sa pamamagitan ng pagwagayway ng puting panyo – tumingala siya. Huwag niyang kalimutan ang Iglesia ni Kristo at ang bagong Obispo ng Maynila, upang hindi sila magtampo sa kanya.

Dapat ang isuot niya sa mga lakad na nabanggit ay damit na galing sa ukay-ukay, dahil ang palagi naman niyang sinasabi ay mahirap siya, kaya siya maka-mahirap…at ang mga kalaban niya ay mga mayayaman. Dapat isama niya sa kanyang mga talumpating gasgas,  na dahil sa kahirapan ay nabanat siya sa trabaho at kumapal ang kanyang mga palad kaya nagkaroon siya ng kakayahang humawak ng limpak- limpak na salapi, at ang mukha naman niya ay kumapal sa sobrang pagkabilad sa init ng araw dahil sa kaiikot niya sa ekta-ektaryang lupaing hindi naman kanya, kaya lalo siyang umitim. At huwag sana niyang kalimutan ang mga Mangyan sa Mindoro at mga tribu sa norte kung saan ay makakatipid siya ng malaki dahil ang isusuot niya kung magpapakodak ay bahag lang!

Sa mga lakad niyang yon, sana hindi umulan…para walang kidlat na magngangalit at maghahanap ng tutusuking sinungaling na taga-lupa!

Dapat isipin ni Binay na matatalino na ang mga botante ngayon. Pati ang ilang pari ay nagpapayo na tanggapin ang mga perang suhol ng mga garapal na mga kandidato pagdating ng kampanyahan subali’t bumoto nang naaayon sa kanilang konsiyensiya, dahil talagang hindi mapigilan ang bilihan ng boto…at ang perang binibigay sa kanila ay pera din naman ng bayan, kaya bawi-bawi lang.