0

Kung Mawawala si Duterte

Posted on Thursday 16 March 2017

Kung Mawawala si Duterte...
Ni Apolinario Villalobos

Kung mawawala si Duterte
Sigurarong lulundag sa tuwa si Lenny
Baka magsayaw pa sila ni Trillanes ng “watusi”-
Puwet lang ang ikinikimbot, sa itaas nakaturo ang daliri.

Kung mawawala si Duterte
Droga ay iiral uli at magiging grabe
Dahil mawawala na ang tinik at balakid na tao
Na sana ay pag-asa ng Pilipinas, may matigas na kamao.

Kung si Duterte ay mawawala
Mga naka-sotana ay sisirko sa tuwa
Lalo na ang mga obispong sa pansin ay matakaw
Na hindi malaman kung ugali’y maka-Diyos o halimaw.

Kung si Duterte ay mawawala
Anong mangyayari sa kawawang bansa?
Magdasal!...nang hindi mangibabaw ang kasamaan
Na hinahasik ng mga drug lords at ganid sa pamahalaan!

Notes:
Watusi – popular dance during the ‘70s, the “shindig era”
Ikinikimbot – shake
Iiral – proliferate
Kamao – fist
Hinahasik – spread
Obispo – tagalong word for the Roman Catholic “bishop”, SOME with questionable character
Ganid - greedy



Discussion

Leave a response