Showing posts with label Virgie Paragas. Show all posts

0

Ang Paru-paro

Posted on Friday, 8 August 2014



Ang Paru-paro
Ni Apolinario Villalobos

Ang paru-paro ay nakakaaliw kung tingnan
May kaaya-aya paglipad at mga kulay na matingkad
Magandang nilalang na inilaan ng Maykapal sa kalawakan
May kaakibat na layunin upang umaliwalas, buhay ng sangkatauhan.

Taglay niyang alindog, sadyang nakakabighani
Nakakatulala kung minsan, ang bigla nitong paglitaw
Lalo na sa mga hindi inaasahang lugar na walang halamanan
At pagdapo sa mga bagay na sa gawain niya ay walang kinalaman.

Ang sabi ng matatanda, huwag saktan o hulihin
Ang paru-parong biglang nagpakita nang di inaasahan
Dahil mayroon itong ipinapahiwatig, mahalagang paramdam
Hindi naman kaya, dito ay nakasanib, ispiritu ng mahal na namaalam.

Dapat magsaya ang taong pinakitaan ng paru-paro
Dahil kung mahal na pumanaw ang dito ay nakasanib
Iisa lang ang nais ipahiwatig nitong paru-parong nakakaakit
Siya ay buong puso pa ring magtitiyaga at maghihintay doon sa langit!

Ang buhay sa mundo’y puno ng mga kababalaghan -
May mga pangyayaring ‘di maipaliwanag kung minsan
Subali’t dahil lahat ng mga ito ay Diyos lamang ang may gawa
Tanggapin natin, at huwag magduda sa kapangyarihan ng Manlilikha!

An

0

"Forever will I be with you"...message of the butterfly

Posted on Tuesday, 5 August 2014




message of the butterfly

“Forever, will I be with you…”
(for Gie)
By Apolinario Villalobos

This he seems to say…

“No matter where I am now
 Forever, will I be with you…
 Not even time, nor space
 Can set us apart,
 Not even life, nor death
 Can set a distance,
 As my kind of devotion
 Is one that knows no end
 Till we touch each other again -
 On that blissful day… in heaven.”