Si Cacai...masugid na pupil ng Maria Z. Bayya Elementary School
Posted on Wednesday, 16 August 2017
Si Cacai…masugid na pupil
ng Maria Z Bayya Elementary School
Ni Apolinario Villalobos
Si Caca, 6 na taong gulang ay anak ni Eke. Grade 1 siya sa
Maria Z. Bayya Elementary School sa Carmen, Tacurong City. Nakita ko ang sarili
k okay Cacai dahil sa kanyang sigasig sa pag-aaral. Ayaw niyang mapahiwalay sa
kanya ang kanyang mga gamit pang-eskwela kahit pa sumasama sa kanyang nanay na
si Eke na nag-oovernight sa bahay kung saan siya ay naglalaba at naglilinis.
Hapon pa lang pagkatapos ng kanyang klase ay pumupunta na silang mag-ina sa
bahay na kanyang pagtatrabahuhan. Si Eke ay civilian volunteer din sa Barangay
Hall ng Carmen kaya pagkatapos ng duty pa lamang siya nakakapagdiskate ng
“sideline” na paglilinis ng bahay at paglalaba. Magaling sa paglinis si Eke ng
bahay kaya siya palagi ang tinatawagan ng kanyang kamag-anak na si Neneng upang
magkaroon din ng extra income. Napag-alaman ko rin na bilang volunteer ay
nagbabantay din siya ng Barangay Hall sa gabi.
Ayaw ni Cacai na iwanan ang kanyang mga gamit sa school
dahil nag-aaral din siya sa gabi. Kahit pa ilang beses siyang sinabihan ng
kanyang tatay na si Roy na mag-aabang ito sa gate ng school kinabukasan upang
iabot ang kanyang bag, ayaw pa rin niyang pumayag. Isang beses ay sinagot daw
niya ang kanyang tatay ng, “paano akong makakapag-aral kung iwanan ko ang bag
ko?”. Dahil, sa sinabi ng niya ay hinayaan na lang siya na bitbitin ang kanyang
bag kapag sumama kay Eke.
Sumasabay siya sa paggising ng kanyang nanay, 4:00AM ng
umaga upang mag-ayos. Wala siyang reklamo kahit walang ulam sa almusal at tuyo
ang baon sa eskwela. Kapag nagtrabaho si Eke sa bahay ng kanyang kamag-anak,
kinabukasan ay nagmamagandang-loob naman ang kapatid nito na si Toto na ihatid
si Cacai sa school 6:30AM pa lang. Nanggagaling pa sila sa President Quirino na
mahigit sampung kilometro ang layo sa school. Ang bahay naman nina Cacai ay
pwedeng lakarin mula sa school kaya pag-uwi niya sa hapon ay kasama na niya sa
pag-uwi ang kanyang nakakatandang kapatid at sa bahay na sila nagkikita uli ni Eke
na nakauwi na rin mula sa pinagtrabahuhan.
Nang ako ay sa kaparehong edad ni Cacai, nagkaroon ng sunog
sa bayan namin. Nang magkatarantahan sa paglabas ng mga gamit sa bahay upang
mailipat sa katapat na plaza, ang binitibit ko ay ang plastic bag na ang laman
ay mga gamit ko sa eskwela. Ang mga binitbit naman ng mga kapatid ko ay mga
damit nila. Dahil sa ginawa ko ay piningot ako ng aking ate. Minsan naman, may
nagbirong classmate ko na nagtago ng mga gamit ko. Nang malaman ko kung sino
ang nagtago na ang pangalan ay “Anselmo”, hinabol ko siya ng panudsod ng damo na
palaging kong dala bilang requirement upang makapaglinis kami sa assigned area
naming sa bakuran ng eskwelahan. Noong nasa elementary ako, walang pwedeng
makialam sa mga gamit ko sa eskwela kahit mga kapatid ko.
Pareho rin kami ni Cacai dahil kaya naming kumain ng kanin
kahit walang ulam. Sana sa paglaki niya ay matuto rin siyang kumain ng tutong
na sinabawan ng tubig at binudburan ng asin.
Discussion