0

Huwag Magalit sa Nagmumura

Posted on Wednesday, 9 August 2017

Huwag Magalit sa Nagmumura
Ni Apolinario Villalobos

Huwag magalit sa taong nagmumura kung hindi ikaw ang minumura. Kung ayaw mong marinig ang pagmumura niya, lumayo ka. Mas mabuti na ang makarinig ng “putang ina”, “letse”, “belatibay”, “okinam”, “hindot”, “diputa”, “yuts”, “yudiputa”, “dupang”, “linti”, “shit”, “damnit”, “damn you”, “goddamnit”, “punyeta”, kunyo”,at iba pa kaysa magsambit ng “Oh, my God”, “Jesus Christ”, “God”, at iba pang mga salitang may kinalaman sa Diyos dahil yan ang pinagbabawal ayon sa Bibliya kung ikaw ay naniniwala sa librong yan. Hindi lang yan isang malinaw kundi matinding blasphemy. Lalong higit na mas mabuting nailalabas ang mga masamang salita kaysa iniistak sa utak dahil iniisip lang…yan ang pagtatanim ng masamang loob sa kapwa.

Ang mahalaga ay walang karugtong na “ka” ang pagmumura upang malinaw na hindi ikaw ang minumura. Kung boss mo ang nagmura sa yo kaya hindi ka makalayo upang makaiwas, ibang usapan na yan….sa Department of Labor at Employment o husgado.

Ang pagmumura ay paraan upang hindi manikip ang dibdib ng isang tao dahil sa sobrang galit. Mas mabuti na ang magmura kaysa manuntok ng o manira ng gamit kapag galit. May mga seminar kung saan ay natututunan ang pagtimpi at paraan upang mabawasan man lang ang galit tulad ng pagpunta sa kuwarto at doon sumigaw ng kung anong maisipang salita. Subalit kung sa kuwarto na yon ay magmumura ka pa rin ng pasigaw, hindi pa rin mawawala ang ugaling yan, yon nga lang, wala nang makakarinig na ibang tao. Pero, maski papaano ay may pagbabago. Ang problema lang ay kung walang kuwarto.

Sa Pilipinas ay may mga restaurant na naglalalaan ng isang bahagi o sulok kung saan ay pwedeng magbasag ng mga plato, baso, etc. Mas malaking mababasag, mas malaki ang babayaran. Sa Japan nagsimula ang “shout therapy” na naging popular tulad ng “zumba”. Ang shout therapy ay pagsisigaw sukdulan mang tumalsik ang tonsil mo. Sa therapy na yan pwede mong murahin nang pasigaw ang nakagalitang kaibigan o boss. Mahal ang presyo ng mga pagkain sa restaurant kung saan ay pwedeng magbasag. At lalong mahal ang “shout therapy” kung ito ay gagawin sa isang clinic sa Japan.

Sa isang banda, ang pinakamagandang gawin ay huwang galitin ang kapwa dahil hindi natin alam kung ang kaharap natin ay may ugaling  nagmumura. Kaya dapat na mag-ingat sa pakikiharap sa ibang tao. Huwag mag-presume na lahat ng tao ay kaya mo dahil sa estado mo sa buhay na mas nakakangat sa iba o dahil marami kang pera.

Ang ilan lang sa mga bagay na nakakapagpagalit at nakakapagpamura ay:
·        Katangahan
·        Kabobohan
·        Kabastusan
·        Kakulitan
·        Katigasan ng ulo
·        Katamaran
·        Panloloko
Payo lang…kung ikaw ay isang ina, huwag murahin ang anak ng “putang ina mo”.

Ang ilan pa ring bagay na nakakapagmura ng tao pero hindi dahil galit ay:
·        Masarap na pagkain
·        Kagandahan
·        Ecstasy


ANG NAKAKABILIB AY ANG MGA TAONG NAGSASABI NG “PRAISE THE LORD” KAPAG GALIT. SINASABI KO YAN DAHIL MAY NA-ENCOUNTER NA AKO….SA LOOB NG NATIONAL INSTITUTE FOR MENTAL HEALTH (DATING MENTAL HOSPITAL) SA MANDALUYONG.

Discussion

Leave a response