Ang Tao
Posted on Sunday, 13 August 2017
Ang Tao
Ni Apolinario
Villalobos
Sa dami ng pagsubok na sa buhay nati’y dumaan
Halos naging bantad na tayo sa anumang kapalaran
Ang pagkatao natin, para na ring goma sa kalambutan
Tila ba ‘di na iniinda ang mga dilubyong nagdadatingan.
Sabi ng matatanda, dapat tayo’y may mahabang pisi –
Pisi ng buhay na siyang batayan ng masidhing pagtimpi
Subali’t hanggang saan ito aabot na may kabuluhan at silbi?
Kung kaguluha’y matindi na?...marami nang gutom at nasawi?
Ang kapaligiran ay umaapaw na ng mga kasalaluan natin
Basurang itinatapon sa kung saan-saan, sa ati’y bumabalik
din
Sayang ang talinong sa atin ay ibinigay ng Diyos, hindi
pinapansin
Dahil ang nais nating pairalin ay ang makasarili nating damdamin!!
Pagkagahaman sa salapi ay hindi na nawala sa puso ng tao
Sa mga babalang maka-Diyos, ang kasakiman niya’y ‘di pagupo
Sukdulan mang makatapak ng kapwa, kumita lamang ng todo-todo
Ano pa nga ba’t ga-bundok man ang salaping ninakaw, ‘di pa
kuntento!
Anong landas ang dapat tahakin nang walang duda’t pasubali?
Upang maski papaano, maski kapiraso, sa katiwaliang nagawa
ay makabawi?
Ang landas bang baku-bako, puno ng pagsubok na sa kasalana’y makapawi?
O, landas na walang hadlang, malinis, subali’t sa mga
kasalana’y magpapasidhi!
Notes:
masidhi – too much
kasalaluan - misdoing
pasubali - alibi
Discussion