Sabotage as Tool Against Duterte
Posted on Monday, 28 August 2017
Sabotage as Tool Against Duterte
By Apolinario Villalobos
The Duterte camp should be very vigilant sa mga sabotaheng
maaaring gawin as part of the smear campaign of the detractors in their
desperate effort to oust the president from his office. Hindi lahat ng mga
itinalaga niya sa puwesto ay sincere sa pagtulong sa kanya. Ang iba ay may
ulterior motive na magpayaman lang at ang iba naman ay nagpapabayad sa mga
kanyang detractors upang gumawa ng mga
kabulastugan na maibibintang sa kanya.
Along this line, ang pinakamadaling gawin ng mga kasabwat ng
mga detractors ay ang “staged operation” against those involved kuno sa drugs.
Gagawing obvious ang mga loopholes ng operation na agad mai-establish ng
kanyang mga kalaban sa Senado at Kongreso. Sa ganitong paraan ay maipapakita nilang
totoo ngang nagkakaroon ng police brutality sa operation kaya lalabas na
talagang palpak ang presidente sa kanyang effort as regards his campaign
against drugs.
Nakakabahala din ang katotohanang maraming mga nakaupo sa
puwesto na mga civil service eligibles at hindi maka-Duterte. Sila ang mga
ginagamit ng mga kalaban ni Duterte upang pabagsakin siya. Wala namang magagawa
ang presidente dahil protektado ang mga hangal at traidor na ito ng batas.
Lalong walang magagawa ang presidente kung ang mga financiers ay naka-base sa
ibang bansa, lalo pa sa Amerika. At, ang pinakamatunog ay isa pang kababayang
babae na naging milyonarya!
Nakatala sa kasaysayan ng sangkatauhan na maraming lider ang
bumagsak dahil sa pagtatraydor ng inaakala nilang mapagkakatiwalaang mga
tauhan. Nangyari yan kay Hesus na ang nagtraydor sa kanya ay isa sa kanyang mga
disipulo na si Hudas…pinatawad siya ni Hesus. Nangyari din yan kay Julius
Caesar na ang isa mga sumaksak sa kanya ay si Brutus na malapit sa kanya, kaya
bago siya naputulan ng hininga ay nasambit pa niya ang, “y tu Brutus?”, na ibig
sabihin ay, “pati ikaw, Brutus?”. Nangyari pa rin yan kay Ferdinand Marcos na
ang nanguna sa pagpabagsak sa kanya ay ang mga pinagkatiwalaang sina Enrile at
Ramos…ngayon ay nagre-reconcile ang pamilya Marcos sa kanila.
Marami ang gustong magpabagsak kay Duterte at karamihan sa
kanila ay mga mapagkunwaring nakaupo mismo sa puwesto – mga ibinoto ng taong
bayan at ang iba ay mga civil service
eligibles. Nangngingitngit sila dahil siguro natigil ang kanilang pangungurakot
nang maupo bilang presidente ang isang taga-Davao! Akala ng mga hinayupak na
ito ay walang kakayahan ang mga taga-Mindanao na maging presidente!
Discussion