Showing posts with label weird. Show all posts

0

The "Statement" in Today's World

Posted on Tuesday, 20 February 2018


The “STATEMENT” in Today’s World
By Apolinario Villalobos

The “statement” in today’s world is not necessarily uttered but “made”, “shown”, or “manifested”. A guy with a mohawk haircut is making a statement. A girl wearing a black lipstick is making a statement. An old woman wearing a pair of short shorts is making a statement, etc.

The “statement” in today’s world is an effort of a person to make him/her unique, a standout in a crowd…but the end motive is to be satisfied…and nobody should question that. For as long as the person who makes a “statement” does not hurt anybody, he/she should be left alone. A STATEMENT CAN SPELL HAPPINESS.

On the other hand, these guys are considered trendsetters that make the world consistently on the go and dynamic, instead of stagnating in a pool of monotony. Without uttering a world, they make manufacturers of goods realize what are needed by a certain segment of consumers….great for economy. They are also great advocates of recycling as most of what they wear are pre-loved outfit, albeit, originals and worn by well-known personalities….garments that somehow found their way to ukay-ukay outlets….great for the environment.

These guys should also be admired for their courage to be different. Imagine a 70-year old lady wearing a mini-skirt as her intention is to move around comfortably, never mind the pair of legs. Imagine, too, the courage of a macho body builder who wears pink gym shirt, as by wearing such color, he helps calm down the snooty people around him. And, imagine, too, a 4-foot woman with a big bag slung over her shoulder…her shoulder bag that contains a small make-up kit, a piece of Skyflakes cracker, and a bottle of mineral water.

If we want harmony, we should try to be tolerant and appreciative of things that others are doing but we failed to do. If being amused can make our day…then, let it be that way.

LET US MAKE OTHERS HAPPY BY LEAVING THEM ALONE…AND, THE WORLD WILL BE SHROUDED WITH HARMONY!








0

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang English Bilang Pang-uri (Adjective) ng Ugali

Posted on Thursday, 14 April 2016

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang English
Bilang Pang-uri (Adjective) ng Ugali
Ni Apolinario Villalobos

Sa kakakulit minsan ng isa kong kaibigan tungkol sa  ginagawa ko sa Tondo at Divisoria at kung bakit ako nakikipagkaibigan sa mga taong nakatira sa bangketa at kariton, pati sa mga namumulot ng basura, sinabihan ko siya ng mga detalya. Dahil hindi siya halos makapaniwala na pwede palang gawin ang mga binanggit ko, sinabi niyang  “weird” daw ako. Nabigla ako dahil edukado pa naman siya at dapat ay alam niya ang ibig sabihin ng “weird” na isang salitang negatibo – hindi maganda ang dating. Nagpaliwanag uli ako ng buong matiwasay at sinabihan ko siya na ang makipagkaibigan upang makatulong sa kapwa ay hindi pagpapakita ng pagiging “weird”. Ipinilit kong “normal” ang ugaling ito,  dahil isa ito sa mga inaasahang ginagawa ng isang tao sa kanyang kapwa. Dagdag ko pa, ang hindi “normal” ay ang pagbabalewala sa kapwa….kaya  ito ang ugaling “weird”.

Inaasahan ang tao na dapat ay may ugaling “maka-tao”…ito ang normal na ugali.  Ang wala nitong ugali ay siyempre, “maka-hayop”…at ito ang ugaling “weird”.  Para sa akin, ang mga  “weird” ay yaong maramot, mapang-api, gahaman, kurakot, at lalong-lalo na – mapagkunwari…dahil lihis sila sa mga inaasahang ugali ng tao. Ngayon, dapat bang pagtakhan o ituring na mali ang ginagawa ng isang taong gustong tumulong sa kanyang kapwa?

Mag-ingat sa paggamit ng mga salitang English dahil maski mga guro ng wikang ito ay umaaming marami pa rin silang dapat matutunan. Kahit ang mga nagkaroon ng Masters at Doctorate ay nagbabayad pa ng “editor” para ma-check kung tama ang mga sinulat nila sa wikang English. Iwasan dapat ang magkunwari, lalo na ang mga nagpapaka-Amerikano na sa kagustuhang magpa-impress na bihasa sila sa Ingles ay nagwe-wers wers ng “accent” at mayroon pang “you know…”. Pero kung pakikinggan ang mga sinasabi nila marami din namang mali dahil kahit nga mga simpleng verbs ay hindi nila nako-conjugate nang maayos. Ang hindi pa maganda sa ugali ng mga taong tinutukoy, kahit kinakausap na sila sa wikang Filipino, tuloy pa rin ang pagsalita nila gamit ang kanilang sariling Ingles-imburnal!

Samantala, ang kaibigan kong tumawag sa akin na “weird”, ay sinabihan kong sana ay gumamit na lang siya ng salitang Tagalog na “bukod-tangi”, halimbawa, sa halip na “weird”. Paliwanag ko sa kanya, kung hindi kayang gawin ng iba ang mga ginagawa ko, ibig sabihin ay “namumukod-tangi” ako sa paggawa ng mga ito. At, dahil prangka ako, diretsahang sinabi ko na sa birthday niya ay bibigyan ko siya ng dictionary na English-Filipino....isang bukod-tanging regalo para sa taong may Master’s Degree, pero ang thesis ay ako ang nag-edit.

Sigurado kong kapag nabasa ito ng kaibigan ko ay mababawasan na naman ang mga “friends” ko….kuno. Pero di baleng nawawala ang mga tinatamaan ng bato mula sa langit, basta quality friends naman ang natitira…..hindi yong may ugaling “puwera gab”!


Notes:
  • puwera gab - salitang Cebuano na walang literal na equivalent sa anumang wika o dialect, pero sinasabi ito upang mauna sa mga iisipin o sasabihing hindi maganda ng isang tao kapag siya ay may pupunahin

  • Ingles-imburnal – mabahong uri ng English o “murdered English” na ginagamit ng mayayabang at trying hard na mga Pilipino


  • Imburnal- sewer, drain, cesspit, open drain, gutter or canal

0

Kung Pangkaraniwang Tao...Weird, Pero Kung Sikat na Tao...Kahanga-hanga!

Posted on Sunday, 6 December 2015

Kung Pangkaraniwang Tao…Weird,
Pero Kung Sikat na Tao…Kahanga-hanga!
ni Apolinario Villalobos

Kung ordinaryong tao ang magsuot ng damit na may butas at kupas, sinasabi ng iba na weird siya at hindi marunong mag-ayos, pero kung sikat na tao ang gumawa nito, siya ay kahanga-hanga at dapat tularan. Kung isang ordinaryong tao ang gagamit ng mga herbal alternative medicines na hindi ginagawa ng iba, ang turing sa kanya ay weird kaya hindi ginagaya, pero kung artista o sino mang sikat ang gagawa nito, mabilis pa sa alas-kwatro kung sila ay gayahin.

Kung ang isang pangkaraniwang tao ay naglalakad patungo sa opisina o eskwela, sinasabi ng iba na poor kasi, walang pamasahe, kawawa naman, pero kung sikat na tao ang gagawa nito…good for the health daw kaya tinutularan. Kung ordinaryong misis ang magsasalita tungkol sa buhay niya o di kaya ay tungkol sa buhay ng iba, ang tawag sa kanya ay tsismosa, pero kung kilalang tao, lalo na si Kris Aquino ang gagawa nito, tawag sa kanya ay “taklesa” o walang preno o careless lang.

Ganyan ang ugali ng KARAMIHANG tao, tumitingin sa panlabas na anyo ng kapwa. Para bang sinasabi nila na kung hindi simpleng shorts at t-shirt lang ang suot ay ayaw na halos pagkatiwalaan. At kadalasan din na kung walang alahas na suot, etsa puwera na siya dahil walang class. At ang pinakamatindi ay ikinahihiya pa ng mga kaanak!

Sa isang sosyal na kainang napuntahan ko, ang nagpa-party ay nagtalaga ng mga professional receptionists na kasama sa package ng caterer. May nakasabay akong babaeng may edad na at napaka-ordinaryo ang suot, simple lang din ang ayos, yon nga lang ay nakasapatos ng lumang klase na kulay itim, pero wala rin maski mumurahing hikaw man lang. Nagpakilala siya sa receptionist pero ang apelyido niyang binanggit ay hindi kapareho ng nagpa-party kaya may pinuntahan sa di-kalayuan, may kinausap na isang babae, sabay turo sa matandang babae, na nilapitan naman ng kinausap ng receptionist. Narinig kong tinawag na “auntie” ng lumapit ang matandang babae at halos inakay  palabas ng venue, pinaupo sa isang sofa. Nang umalis ang tumawag ng “auntie”, nilapitan ko ang matandang babae at tinanong ko kung kaanu-ano niya ang nagpa- party. Ang sagot niya ay pamangkin daw, anak ng kapatid niya, at inalagaan daw niya hanggang makaalis  papuntang Amerika noong tin-edyer pa lang. Matagal na daw silang hindi nagkita kaya nang malaman niyang nasa Maynila ito ay lumuwas pa mula sa Lemery, Batangas!

Bisita lang din ako sa binanggit kong party, pinilit lang akong isama ng kaibigan ko upang ipakilala sa nagpa-party at sabi sa akin ay may ipapa-edit daw na blueprint ng librong isinulat niya sa States. Hindi pa ako nakilala ng nagpa-party dahil hinintay ko pa ang kaibigan kong kaibigan niya. Naisip kong pagkakataon ko na sanang kumita ng perang pandagdag ko sa pondong iniipon ng maliit naming grupo para pambili ng mga regalo sa mga natutulog sa mga bangketa bago magpasko, kaya kahit umiiwas ako sa mga party ay pinagbigyan ko ang kaibigan ko.

Dahil sa pangyayari, hindi ko na lang hinintay ang kaibigan ko. Ang matandang babae naman ay nalulungkot at nahalata kong namumutla kaya tinanong ko kung kumain bago umalis ng Lemery. Sabi niya ay hindi pa…at sa oras na yon na halos ay alas dose na, talaga namang mamumutla siya. Sinubukan kong imbitahing kumain sa isang karinderyang nadaanan ko nang pumunta ako sa venue ng party, at pumayag naman siya. Sa karinderya ay sinabihan ko siya na unawain na lang ang pamangkin na talagang busy lang.  Pagkatapos naming kumain, tinanong ko siya kung may balak  pa siyang magpakita sa pamangkin niya….sabi niya ay wala na. Dahil mag-aalas dos na ng hapon, tinanong ko siya kung okey lang na ihatid ko siya sa Lemery…bahala daw ako. Dahil sa sinabi niya, dali-dali kaming kumuha ng taksi na maghahatid sa amin sa isang bus terminal sa Pasay na may mga bus na biyaheng Lemery.


Nasa terminal na kami ng bus sa Pasay nang tumawag ang kaibigan ko upang tanungin kung nasaan na ako. Sabi ko sa kanya, saka ko na lang siya kakausapin uli para magpaliwanag, dagdag ko pa, kausapin niya ang kaibigan niya at baka nalulungkot. Pero, sa pagkakataong yon, nagdesisyon na akong hindi ko na kakausapin ang kaibigan ng kaibigan ko na pamangkin ng babaeng bago kong kaibigan. Goodbye na lang sa kikitain sana!