0

Ang Ka-epalan ng Mga Mambabatas

Posted on Tuesday, 28 October 2014



Ang Ka-epalan ng Mga Mambabatas
ni Apolinario Villalobos

Ang ibig sabihin ng “umeepal” ay nagyayabang, nagpapasikat, pumuporma, nagpapa-istaring, at iba pang gawaing may kinalaman sa katakawan ng atensiyon. Ganyan ang ugali ng mga mambabatas ng Pilipinas, naghihintay ng magandang pagkakataon upang maka-epal sa pagpatawag ng mga imbestigasyon na gagamiting batayan daw sa paggawa ng batas. Hindi naman sila bulag upang hindi makita ang mga bagay o mga araw-araw na pangyayari upang magamit ang mga ito bilang batayan sa paggawa ng mga batas. Ang mga hinihintay nila ay ang “pagputok” o “pagsabog” ng eskandalo na humahatak ng atensyon ng taong bayan. Kung walang eskandalo kasi, walang mga report sa diyaryo, TV at radyo, kaya walang “media mileage”.

Tulad na lang halimbawa ng nakaambang pagputok ng bulkang Mayon. Nagkukumahog ang mga epal na mga kongresista sa pagpunta sa Albay upang mangalap ng mga pagbabatayan para sa “imbestigasyon” ng sitwasyon, at pati ang mga Phivolcs na maayos ang trabaho, dinadamay. Noon pa man, alam na ng lahat na wala talagang instrumentong makakabasa ng mga mangyayari na may kinalaman sa pagputok ng bulkan. Sa kabila ng ganitong katotohanan, para sa mga kongresista, hindi maganda ang  pabagu-bagong pahayag ng Phivolcs, kaya dapat silang imbestigahan! Saan napunta ang katinuan ng mga kongresista? Bakit hindi na lang sila maghintay ng mga pahayag na katulad ng ginagawa ng iba pang Pilipino?

Kung ang gusto ng mga mambabatas ay magkaroon ng batas upang hindi na tirahan ang mga lugar na nakapaligid sa aktibong bulkan, maaari naman nilang gawin ito sa “tahimik” na paraan na bahagi ng kanilang responsibilidad, at sa Kongreso na nila pag-usapan, sa halip na mambulabog at manggulo sa Albay. Nagpakodak lang yata sila sa Albay upang may magamit sa press-release nila!

Sa isang banda, ang problema na dulot ng pagsisikip sa piyer dahil sa mga walang lamang container hanggang ngayon ay hindi nareresolba sa kabila ng mga impormasyong galing mismo sa mga negosyante na may kinalaman dito, subali’t hindi kinikibo ng mga mambabatas. Takot ba sila na makalkal ang eskandalo tungkol sa “maperang” kalakaran na bistado ng ultimong mga kargador? Anong batas ang ginawa nila tungkol dito?

Ang Bureau of Customs, alam na din ng buong bayan na lumulutang sa korapsyon…hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilinis. Mismong ang bagong komisyoner ang umamin na talagag batbat ng korapsyo ang kagawaran, subali’t ang mga taong alam namang sangkot sa mga anomalya, ay hindi tinatanggal. Ang mga batas para sa kagawaran ay animo mga band-air lamang na tinatapal tuwing may anomalya…wala pang ngipin kaya sa katagalan ay binabalewala. Sa kainitan ng mga smuggling nagkaroon ng imbestigasyon, pero hanggang doon na lang. Hanggang ngayon ang mga batas na magpapabago sa imahe ng nasabing ahensiya ay pinapangarap pa lamang.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na butas-butas ang imahe dahil sa sunud-sunod na anomalya, ay pinamumunuan pa rin ni Dinky Soliman na noon pa man ay hiniling nang tanggalin dahil wala namang binatbat sa pamumuno, subali’t hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sa pwesto na parang tuko. Walang batas na ginawa na dapat ay batayan sa maayos na pangangalaga ng mga donasyon, at puro imbestigasyong wala namang kinahihinatnan ang ginagawa.

Ilan lamang ang mga nabanggit na kaepalan ng mga mambabatas. Ang mga kaepalan nila ay kabilang sa mga sakit na unti-unting nagpapaagnas sa bansa. Kaya dahil dito, walang katapusan ang pagdurusa ng taong bayan….

0

Ang Debateng Binay-Trillanes



Ang Debateng Binay-Trillanes
Ni Apolinario Villalobos

Kung matutuloy sa November 10 ang pagtatalo sa pagitan ni Binay at Trillanes, marami ang dapat asahan, tulad ng:

1.      Pagpupumilit pa rin ni Binay na pinupulitika lamang siya, hindi siya nagnakaw sa Makati noong nanunungkulan siya bilang mayor, hindi nila pagmamay-ari ang asyenda sa Rosario, Batangas, at ang kanyang pamilya na ang hangad ay magsilbi sa taong bayan kaya inosente sila hangga’t hindi napapatunayan sa hukuman.
2.      Mawawala sa porma si Trillanes kapag napikon, uulitin lamang niya ang mga bintang na nasabi na sa mga pagdinig sa senado, isa na ang mabigat na pagkaroon ni Binay ng mga dummy na pansamantalang umaako ng mga pag-aari nila, at hindi siya masasapawan ni Binay kahit abogado pa ito dahil ang hahanapin ng mga tao ay ang laman ng kanilang mga sasabihin, at hindi mga teknikalidad sa isang pormal na debate.

Kahit  ipagpipilitin ni Binay ang kanyang pagmamalinis sa araw ng debate, mahihirapan siya dahil  mabibigat ang mga ebidensiyang nailatag na, at siyang ikalulusaw ng kanyang pagkakataong manalo sa eleksiyon 2016. Kung iisa-isahin niya ang mga isyu na binibintang sa kanya at tatapatan niya ng mga paliwanag, malamang mahihirapan siyang makumbinse ang taong bayan, dahil simula pa lang nang unang araw na pumutok ang eskandalo, malayo na ang inabot ng pag-analisa nila batay sa mga ebidensiya na mahirap pabulaanan. May mga ideya na ang taong bayan kung paanong napatungan ng kung ilang daang porsiyento ang halaga sa pagpagawa ng Makati City Hall II, pati na ang mga gamit sa Ospital ng Makati, at ang mga cake na binibigay sa mga senior citizen. Pati na rin ang paraan kung paanong napapasakamay nila ang mga nakurakot na pera na nakalagay sa mga bag.  

Tungkol naman sa asyenda sa Rosario, Batangas, kahit manikluhod pa si Binay sa harap ng kamera sa araw ng debate upang madiin ang pagdi-deny, wala na rin itong epekto, dahil mismong mga dating may-ari ang nagpapatunay ng bentahan- mga matatanda na hindi aasahang magsinungaling. Pati ang naunsiyaming pagpresenta ni Tiu ng sarili niya bilang may-ari ng asyenda, hindi na rin maisasalba ni Binay kahit pa sabayan niya ito ng hagulhol. Naipaliwanag na ni Cayetano kung paanong naitatago ng mga tiwaling opisyal ng bayan ang kanilang mga nakaw na yaman upang walang makitang ebidensiya, na malinaw na naipakitang ginawa ng mga Binay, kaya anumang paliwanag ni Binay sa araw ng debate ay wala na ring saysay.

Kung ang debate ay style na walang rebuttal, kundi paglalahad lamang ng bawa’t panig subalit may ipapataw na taning o limitadong oras, talung-talo na si Binay, dahil taong bayan ang huhusga kung sino ang mananalo.  At dahil siya ang panig na nagdedepensa, dapat maunang magsalita si Trillanes na siyang nag-aakusa. Dapat pabulaanan ni Binay punto por punto ang mga sasabihin nito, subalit alam naman ng taong bayan na talagang wala siyang maisasagot na katanggap-tanggap. Kung meron kasi, dapat yon na ang sinasabi niya sa mga interbyu, o di kaya ay umaper man lang sa senado upang sagutin ang mga katanungan. Subalit ang palagi niyang sinasabi ay pinupulitika lamang siya.

Sa kabuuhan nito, ang debate ay gagamitin lamang upang madiin ang pagsisinungaling ni Binay, kaya tama ang sinabi ng isa niyang kaalyado sa partido na ito ay isang patibong upang lalong maipakita sa taong bayan na walang karapatan si Binay na maging Presidente ng Pilipinas.



0

Si Bogz...may Big Heart Na, May Warm Smile Pa!

Posted on Monday, 27 October 2014



Si Bogz..may Big Heart Na
May Warm Smile Pa!
(si Bogz Jamorabon siya)
Ni Apolinario Villalobos

Nakaka-intimidate kung siya’y tingnan
Dahil sa laki ng kanyang katawan,
Subali’t kung sa mukha ka naman tumingin
Matamis at mainit na ngiti ang mapapansin.

Siya si Bogz, na kung kumilos ay maliksi
Kahi’t na siya ay mabigat at malaki,
Ang ‘di lang napapansing madalas sa kanya
Ay ang kanyang pusong malaki, pang-masa!

Mapalad siya’t nagkaroon ng isang Angie
Ulirang asawa, mabait, mapagkandili,
Pati mga anak, sina Andrea at Angelica Ann
Mapalad dahil sa  isang masayang tahanan.

Subok na si Bogz sa maraming pagkakataon
Kahit na ang faith niya sa Panginoon,
Pakisama niya sa iba’y ‘di rin matatawaran
Dahil ano mang ng oras, siya ay nalalapitan.

Naipakita ni Bogz na marami palang paraan
Upang magkaroon ng mga kaibigan,
Marami ding paraan upang maipakita sa Diyos
Ang pagmamahal sa Kanya, na talagang lubos!


(Si Bogz ay alumnus ng NDTC, na mula pa noong
Elementarya ay nakitaan na ng kakayahang
mamuno. Nang dumating ang tamang pagkakataon
naging kagawad ng lunsod ng Tacurong ng tatlong termino.)

 

0

The Survival Instinct of the Filipinos

Posted on Saturday, 25 October 2014



The Survival Instinct of the Filipinos
By Apolinario Villalobos

Survival is a human instinct, but varies according to environment and culture. Some can survive with utmost honesty, some with deception, and still others do with violence. The Filipinos use ingenuity and resourcefulness in order to survive, sometimes even with much tolerance of a wrongdoing – a manifestation of a non-violent character. This tolerance does not mean, however, that the Filipinos are of a cowardly race. By survival, this writer, mean endurance and persistence.

Filipinos have shown that despite the onslaught of disasters, they have recovered, with grace, yet. And, recovery is made with resourcefulness. Though typhoons and floods may have flattened villages and towns, the affected literally pick up pieces of their lives– actually, useful debris that could be pieced together even for a scant roof over their head.
Tin cans become pots for rice to be cooked and water to be boiled for doled out coffee or instant noodles.

In big cities such as Manila, what some perceive as vagabonds are actually Filipinos who survive on the jingling coins in their pockets and junks that can be salvaged from dumps, and sold in recycling centers for their daily subsistence. Those who sell candies and cigarettes in traffic-clogged streets do their best to set aside substantial amount for a pedaled trike (traysikad) that would become a regular source of a bigger income. Some patiently gather vegetable trimmings discarded by vegetable wholesalers, to be cleaned and sold by pile on sidewalks.

The non-violent character of the Filipinos made them tolerate even the blatant ineptness of the government, and instead of raising hands that grip guns, they make do with rallies where effigy- burning, shouts, speeches and songs become their “most violent” expressions. Not even the much ballyhooed “People Power Revolution” that caused the toppling of the Marcos dictatorship saw violent actions from the waves of protesters. Compatriots in military and police uniforms reciprocated by accepting flowers and foods offered to them.

While in the Middle East and Africa there are incidents of suicide bombings, nothing of same sort has ever happened in the country. Long before the spate of kidnapping for ransom in Mindanao rocked the island, particularly Jolo and Basilan, some countries in South America have already been suffering from it. Despite the threats announced by headlines in broadsheets and tabloids about the sure collapse of tourism industry because of the varied turmoil, the Filipinos nonchalantly continue to hope for the better by doing something to arrest the downtrend.

The Philippines is a case of “unity in diversity”. Filipinos who have diversified cultures and religions have managed to maintain a closely-knit society. When the vast Philippine Arena of the Iglesia ni Cristo in Bulacan was inaugurated, the whole country celebrated. During the seasons of Ramadan and Eidl Fitre, Christians are one with Muslim brethren, the former being respectful to the solemnity involved. During Christmas, many Muslim homes also display lanterns and Christmas trees. When the MNLF-Nur Misuari faction devastated Zamboanga City, Christians and Muslims joined hands in condemning his act. In Mindanao, when ragtag bands of rebels would attack a village, Muslims and Christians flee to the same direction for safety.

This unique survival character of the Filipinos is once again put to test in the face of the political and economic unrest that beset the country today. Not a single day is without a tabloid or a broadsheet shouting headlines about corruptions in the government and the weakness of the leadership. The Filipinos turn to the social media to express their ill-feelings. There are pockets of rallies but they are held with utmost restraint. Issues on the volatile economy and impending “chaos” that might result to starvation due to skyrocketing of prices and expected long power interruptions do not deter the steadfast Filipinos who astutely maintain their patience and poise.

The unique survival instinct of the Filipinos may be attributed to their fear of God. Their religiosity is so deeply-rooted in their character that even in the face of any adversity, they are unfazed. 

0

May Kapalit ang Pagtitiyaga...tungkol ito kay Wilfredo Bautista



May Kapalit Ang Pagtitiyaga…
(tungkol ito kay Wilfredo Bautista)
Ni Apolinario Villalobos

May kasabihan tayong “kapag may tiyaga…may nilaga”
Ganyan ang nangyari sa buhay ni Wilfredo Bautista
Sa Kenram, ang pamilya niya ay unang napatira
Na kalaunan ay napadpad sa New Isabela.

Nasa elementarya pa lang ay matikas na ang pangarap
Maging sundalo, tagapagtanggol ng mga mahihirap
Hindi masisisi dahil sa mga nakitang nagaganap -
Mga karahasang nagpapadilim ng hinaharap.

Sa murang gulang, gabay niya ang nagisnang kahirapan
Lakas na sa kanya ay nagtulak upang pagsumikapan
Na matamo, pangarap na maalwang kinabukasan
Pipilitin niyang makamit sa malinis na paraan.

Nang mag-high school ay nabago ang kanyang minimithi
Maging CPA na katumbas ng kanyang pagpupunyagi
Subali’t sa tulad man niyang mahirap, ‘di ito madali-
Abut- abot pa rin ang kanyang pagbabakasakali.

Nangyari nga ang kaniyang kinabahala, ang agam-agam
Kahi’t noong sila ay nakatira pa sa malayong Kenram
Na sa kahirapan, pangarap niyang kay tagal inasam
Malabong makamit, masakit man sa pakiramdam.

Sa isip natanim ay pagpursigi, at Diyos sa kanya ay gagabay
Mayroon pa naman siyang lakas, lusog, at may buhay
Pupuhunaning tiwala sa sarili’y dagdag na kaagapay
Sa pagtahak ng daan tungo sa hangad na tagumpay.

Ang dalawang taon sa kolehiyong inabot ng pagsisikap niya
Ay malaking bagay na, basta sa sarili’y mayroong tiwala
Sa paghanap ng kapalara’y narating niya ang Maynila
Kaya pati mga dasal ay sinamahan na rin ng pag-asa.

Masalimuot ang buhay sa Maynila, nakakagupo ng mahihina
Subali’t wala iyan kay Wilfredo…taga-Tacurong yata siya!
Hindi niya kinalimutang sa bayang pinanggalingan niya
Walang mahinang loob, lahat matatapang, isa na siya!

Naging welder, trabahong pinasok ay lakas-loob ang puhunan
Mabuti na ito, sabi sa sarili, kesa magpalaboy sa lansangan
Tama din ang desisyon dahil sa naipon niyang karanasan
Nagkaroon siya ng tsansang makapagpangibang-bayan.

Siya’y nakarating sa Middle East, pangarap ng mga kababayan
Pagka-welder na kakayahan ang bitbit niya at isinangkalan
Mga amo naman ay napabilib niya sa kanyang kakayahan
Kaya naging supervisor agad ang pwesto, hindi kalaunan!

Ngayon, maayos na buhay ang tinatamasa sa piling ng pamilya
Kalagayan nila’y payak, ‘di maluhong buhay ang tinatamasa
Nguni’t  pagmamahal naman ay umaapaw sa tahanan nila
Kaya sa Panginoon, si Wilfredo’y wala nang mahihiling pa.

(Nagtapos si Wilfredo sa NDT Boys’ at napangasawa niya si
Fely Casama na nagtapos naman sa NDT Girls’. Nabiyayaan
sila ng dalawang supling – isang lalaki at isang babae.)