0

Ode to Mt. Apo

Posted on Wednesday, 6 April 2016

Written during my first climb and included in my first book, “Beyond the Horizon”….

ODE TO MT. APO
By Apolinario Villalobos

You could have just been a dream…
Yet, here I am, biding my time
            from where I’ll start my trek
            over hills, mountains
            thick forests, hot springs and lakes.

Please consider me one of your people…
            those who dwell at your foot –
            Bagobos, Manobos, and others
            whose smile, warm and sweet
            vanishes the fear and fatigue
            of intruders like me and the rest.

Uncertain of what to find….
            I don’t mind at all
            for I know, I’m among a good people.

I don’t mind the trek from Makalangit -
            past the Fourteen Stations
            to Mt. Zion
            or the nerve-rending leaps
            from boulder to boulder
            sixteen times across
            the gurgling Marble River
            that girdles your waist.

Ah, beloved Apo…
            your sonorous Twin and Malou Shih Falls
            delightfully blend
            with the songs of birds
            and chirps of cicadas
            music that no man can feign.

Lake Venado, unruffled…
            serenely mirrors your soul
            and the seemingly drop of tear, Lake Jordan
            furtively glistens under the searing sun.

Even for a moment while up here…
            on the summit
            I become part of you
            as my wary soul is soothed
            by your enchanting Lake Agko.

But there’s more to these…
Things that I need to understand -
            those behind the curtains of moss
            and orchids that hang
            from the limbs of century trees;
            those beneath your soft carpet
            of lichens and grass
            that swallow our steps
            as if to muffle whatever
            sound they might make.

You are the ultimate answer desired
            by those who long
            for adventure and mystery;
and, it may take a long time
            for you to be transformed
            from a dream into reality…


0

Ang Kidapawan Massacre at Komento ng mga taga-Gobyerno

Ang Kidapawan Massacre
At Komento ng Mga taga- Gobyerno
Ni Apolinario Villalobos

Kung ibinigay lang ng gobyerno ang pinangakong bigas para sa mga magsasaka noon pang Enero ng taong ito, hindi sana umabot sa massacre ang pagreklamo nila. Sinasabi ng ibang mga sumali sa rally na pilit silang “hinawi” ng mga pulis upang padaanin ang isang grupo ng nagkamkampanya para sa eleksiyon 2016, kahit may madadaanan naman daw sila, kaya umabot sa karahasan ang dapat sanay ay tahimik na rally. Kaya obvious na ginamit ang “obstruction” upang sila ay gamitan ng dahas.

Sinabi ni Alcala, kalihim ng Department of Agriculture na hindi siya naniniwalang naghihirap ang mga magsasaka dahil mura naman daw ang bentahan ng bigas sa Kidapawan. At, sana daw ang ginastos sa paghakot ng mga magsasaka ay ginamit na lang sa pagbili ng bigas. Sa mga sinabi niya ay masusukat ang “katalinuhan” ng mga tao ni Pnoy sa gobyerno. Ito ang mga sagot sa mga sinabi niya:

·        Kahit mura ang mga presyo ng bigas sa Kidapawan ay WALA RING PAMBILI ANG MGA MAGSASAKA DAHIL HINDI NGA SILA NAKAPAGTANIM, KAYA WALA SILANG PERA, NA NAGRESULTA SA KANILANG PAGKAGUTOM! May mga balitang marami nang namatay sa bahaging yon ng bansa dahil sa gutom na ang dahilan ay sobrang tag-tuyo….hindi pa ba sapat ang mga ito?

·        Bakit pabibilhin ng bigas ang mga naghakot ng mga tao papunta sa rally GANOONG MAY BIGAS NAMAN NA DAPAT AY IBIBIGAY SA KANILA AT KAYA NGA HINAKOT SILA DOON AY UPANG KALAMPAGIN AT PAALALAHANAN ANG GOBYERNO NA NAGBINGI-BINGIHAN!

·        Ang sitwasyon sa Kidapawan ay kaiba sa sitwasyon sa Maynila. Ang mga magsasaka doon ay nakatira sa paanan o  gilid ng mga kabundukan na kung ilang kilometro ang layo mula sa bayan, at ang iba ay tatawid pa sa mga ilog bago makarating sa bayan. Sa Maynila, ang mga taong hinahakot sa rally ay galing lang sa mga depressed areas o slum na pwedeng maglakad patungo sa pagdadausan ng rally.

 “Infiltrated” o nahaluan daw ng maka-kaliwa ang rally sa Kidapawan. Ang mga sagot:

·        Maski hindi nahaluan ng maka-kaliwa ang rally ng mga magsasaka, hindi pa rin mawawala ang dahilan ng kanilang rally na pagpapaalala sa gobyerno na ibigay ang ipinangakong bigas.

·        Tatlong panig ang kinatatayuan ng mga Pilipino: sa “kanan” na maka-gobyerno; sa “gitna” kung saan ang mga nakatayong Pilipino ay nanonood lang at handang lumipat sa “kanan” o “kaliwa”, na kung tawagin sa Ingles ay “fence sitter”; at ang “kaliwa” na kitatayuan ng mga lumalaban sa masamang ginagawa ng gobyerno at tumutulong sa mga inaapi. HINDI MALAPITAN NG MGA INAAPI ANG MGA NASA “GITNA” DAHIL AYAW NILANG MAKIALAM. LALONG HINDI MALAPITAN ANG MGA NASA “KANAN” DAHIL SILA ANG NANG-AAPI. KAYA, ANG NATIRANG PWEDENG LAPITAN AY ANG MGA NASA “KALIWA”.

Ang problema sa Pilipinas ay hinihintay pa munang magkaroon ng dahilan ang mga Pilipino upang kusang tulungan ng mga taga-kaliwa,  o lumapit ang mga nasabing inaapi sa mga taga-kaliwa dahil sa kapabayaan ng mga ibinoto at itinalagang mga opisyal. Mangangamkam ang mga opisyal ng mga dapat ay para sa kapakinabangan ng mga Pilipino at kung pumalag at tinulungan ng mga maka-kaliwa ay pagbibintangang mga komunista. Ang mga Pilipinong nangangailangan ay kailangan pang magpakahirap sa rally na umaabot sa massacre upang paalalahanan ang gobyerno sa mga kakulangan nito, pero kung para sa mga kawatang nakapuwesto, ang kaban ng bayan ay open na open - nakatiwangwang!

Sa ngayon, dahil eleksiyon, upang ipakita na may ginagawa ang gobyerno sa mga kawatan, hinalungkat ang baul ng mga record ng mga “small time” na mga kasong noon pa dapat nabigyan ng desisyon at biglang “dinesisyunan” at inanunsiyo sa buong mundo. Ang mga pinakabago at mga “big time” na mga kaso naman ng mga taga-administrasyon, lalo na sa pork barrel ay hinahayaan. Nasaaan ang hustisyang sinasabi ng gobyerno?


Mga massacre sa Hacienda Luisita (Tarlac-Luzon), Mendiola Massacre (Manila-Luzon) at ngayon, Kidapawan Massacre (North Cotabato- Mindanao)…lahat nang yan ay nangyari sa kapanahunan ng “President Aquino” (Cory at Benigno III). Magkakaroon kaya ng massacre sa Visayas upang makumpleto ang pagdurusa ni “LuzViMinda”?

0

Ang Pagkakamali ay Hindi Maibabaon sa Limot

Posted on Monday, 4 April 2016

Ang Pagkakamali ay Hindi
Maibabaon sa Limot
Ni Apolinario Villalobos

Kalokohang sabihin na naibabaon sa limot ang isang pagkakamali. Maaaring hindi na ito banggitin at ang mga taong naapektuhan ay hindi na lang kikibo. Kung baga sa isang nabasag na baso, nabuo uli ito subalit may lamat pa rin.  Ang kabutihang nagagawa ng isang pagkakamali ay nagagamit na itong batayan sa mga gagawing pagkilos upang hindi na maulit ang mga pangyayari…kaya malaking tulong sa mga nakakaalam ng pagkakamali kahit pa sabihing naging eskandalo ito.

Kung tanggap naman ng taong nagkamali ang ginawa niya dapat ay hindi sumama ang kanyang loob kung ito ay maungkat o mabanggit sa mga sitwasyong nangangailangan ng pagbanggit, lalo na kung gagamitin itong leksyon para sa iba. Kapag ganito ang mangyayari, nakatulong pa ang taong nagkamali upang mapaalalahanan ang iba, at hindi nangangahulugang binanggit upang laitin siya.

Lahat ng tao ay nagkakamali kahit pa ang mga sinasabing mga “tauhan” ng Diyos sa mundo tulad ng mga pari, pastor, Obispo, pati santo papa, mga di-hamak na mga taong tituladong nagtapos sa mga kilalang universidada, mga president ng kumpanya, etc……ordinaryong mamamayan pa kaya? Nagkakaiba lang ang uri ng nagagawang pagkakamali ng bawat tao, at ang antas o bigat ng ginawa na batay naman sa katayuan nila sa lipunan.

Hindi dapat libakin ang taong nagkamali, halimbawa, na nagmura dahil si Hesus mismo ay nagmura nang walang mapitas na bunga sa isang puno noong panahong nagugutom siya.  Ayon sa alamat ng “creation” sa Bibliya, ilang beses ding nagkamali ang Diyos sa paggawa Niya ng tao, bago Niya nagawa ang uri na talagang gusto niya. At, hindi pa rin dapat libakin, halimbawa, ang mga babaeng nagkaanak sa pagkadalaga kaya naging “single mom”, dahil tanggap na ang ganyan sa kasalukuyang panahon. Sa panahon ngayon, marami na ring mga dahilan ng pagkakamali ang katanggap-tanggap sa iba’t ibang lipunan, subalit hindi pa rin nangangahulugang kinukunsinti ang kanilang ginawa.

Ang taong hindi marunong tumanggap ng pagkakamali ay ipokrito, tulad ng mga naglipanang mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno na kahit hantad na ang mga ginawang pagkakamali ay todo pa rin sa pagkakaila. Ito ang mga taong nag-aakalang sila lang ang may utak sa ulo dahil ang turing nila sa iba lalo na ang mga biktima nila ay mga mangmang o bobo….pag-aakalang napakamaling pagkakamali dahil nagbunga ng matinding nakawan sa kaban ng bayan at kagutuman sa panig ng taong bayan! Maitatala ang mga nakakasukang pagkakamaling yan sa mga pahina ng kasaysayan ng Pilipinas kaya hindi makakalimutan ng kahit kahuli-hulihang Pilipinong mabubuhay sa mundo!



0

Ang Tagumpay....(para sa Batch 1973-74, Real Elementary Schoo, Bacoor City, Cavite)

Ang Tagumpay
(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School
Bacoor City, Cavite)
Ni Apolinario Villalobos

Kaylan ba masasabi ng isang tao na, “ako ay nagtagumpay”?

Kung siya ba ay naging pinuno ng isang bayan?
…nagtapos sa isang kilalang unibersidad
   ng pinakamataas na kurso?
…nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak
   na naging bahagi ng isang malaking pamilya?
…o di kaya’y naging presidente ng isang kumpanya
   kaya sa marangyang buhay ay nagpakasawa?

Ang tagumpay ay higit pa sa salapi…
Higit pa sa isang mataas na kurso…
Higit pa sa isang prestihiyosong trabaho…
Higit pa sa isang malaking pamilyang nabuo.

Ang tagumpay ay minimithi ng ating puso
Na sa ating nakamit, tayo ay naging kuntento
Dahil lubusang nagamit, biyayang bigay ng Panginoon
At Kanyang susukatin pagdating ng takdang panahon.

Pamamahagi rin ito ng biyaya sa mga kapus-palad
Na mula sa kanila ay hindi natin inaasahan ang bayad
Isa rin itong hindi maipaliwanag na nararamdamam
Kapag sa simpleng payo tayo ay mayroong napasaya
Lalo na kung tayo’y nasa tabi’t umaagapay sa kanya.

Ang tagumpay ay kasiyahang hindi nasusukat
Lalo pa’t sa panahong ang araw, sa ati’y di na sisikat
Kung kayla’y walang dapat tangisan at pagsisisihan pa

Sa pagdilim ng ating paningin at paghugot ng huling hininga!




0

Fernando Sagenes: Walang Hadlang ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman

Posted on Sunday, 3 April 2016

Fernando Sagenes: Walang Hadlang
Ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman
Ni Apolinario Villalobos

Bago ko nakilala si Fernan ay nakilala ko muna ang kanyang tatay. Ang unang nakatawag sa akin ng pansin nang makilala ko ito, ay ang pagiging tahimik niya. Kilala ang tatay niya sa palayaw na “Adring”, may kaliitan subalit matindi ang pagrespeto sa kanya. Noong iisa pa lang ang barangay Real at nasasakop pa ng Imus, isa ang tatay niya sa mga konsehal. Ngayon, hiwalay na ang barangay namin na naging barangay Real Dos na itinalaga sa teritoryo ng Bacoor, samantalang ang orihinal na Real ay naging Real Uno at sakop pa rin ng Imus.

Sa kanilang magkakapatid, pansinin si Fernan dahil sa kanyang salamin kahit noong tin-edyer pa lang siya. Ang impresson tuloy sa kanya ay mukhang may itinatagong talino, at napatunayan kong meron nga nang mabisto kong mahilig palang magbasa. Palagi itong may dalang babasahin, magasin man o maliit na libro na binubuklat niya habang naghihintay ng pasahero sa pilahan ng mga traysikel. Ang pinagkikitaan niya ay pagta-traysikel kahit noong wala pa siyang asawa. Minsan ay nakatuwaan kong tingnan kung ano ang binabasa niya nang maging pasahero niya ako, at nalaman kong lumang kopya pala ng Reader’s Digest.

High School graduate si Fernan, subalit pinipilit niyang “habulin” ang mga dapat sana ay natutunan pa niya kung siya ay umabot sa kolehiyo, na hindi nangyari. Sa simpleng paraan na pagbabasa hangga’t may pagkakataon at kung ano man ang mahagilap niya ay pinipilit niyang madugtungan ang naputol niyang pagpupunyagi sa larangan ng kaalaman. Natutuwa siya kapag nakakahiram ng mga aklat lalo na ang mga tungkol sa mga talambuhay, relihiyon at pulitka.

Dahil sa kaalaman ni Fernan, siya ay nahirang noon ng barangay bilang Executive Officer nang panahong ang Barangay Chairman ay si Vill Alcantara, at ngayon sa ilalim naman ng bagong Chairman na is BJ Aganus, siya ay nahirang namang Kagawad. Mapagmahal si Fernan sa asawa niyang si Myrna at anak na si Abby na ngayon ay 7 taong gulang at tulad niya ay mahilig ding magbasa.

Noon ay natawag niya ang pansin ni Mayor Strike Revilla at Congresswoman Lani Mercado nang lakarin niya ang 8 kilometrong layo mula sa sentro ng Tagaytay hanggang Talisay na nasa dalampasigan na ng lawa ng Taal upang dumalo sa isang mahalagang seminar.  Nanggaling pa siya sa Alfonso kung saan ay may trabaho siya. Dahil madalang ang mga sasakyan, nagdesisyon siyang lakarin ang 8 kilometrong kalsada na puno pa ng mga nakahambalang ng mga nabuwal na puno dahil katatapos lang noon ng bagyo.

Nang dumating siya sa pinagdausan ng seminar ay halos nanlilimahid siya sa pagkadikit ng damit sa katawan dahil sa pagtagaktak ng pawis. Ganoon pa man ay lakas-loob siyang pumasok kaya nakaagaw siya ng pansin ng iba pang dumalo sa seminar. Nang tinawag siya sa harap ng mismong mayor ng Bacoor na Strike Revilla upang pagpaliwanagin kung bakit siya na-late sa pagdating, sinabi niya ang totoo kaya buong pagmamalaki siyang pinuri ng mayor sa harap ng iba. Nandoon din ang Congresswoman ng distrito na si Lani Mercado-Revilla na pumuri din sa kanya. Binanggit din ni Fernan na hindi niya naisip na umupa ng sasakyang maghahatid sa kanya kahit hindi niya kabisado ang Talisay, dahil ang laman ng bulsa niya ay Php200 lang. At hindi rin siya nakapag-abiso na mali-late dahil wala siyang cellphone. Sa tuwa ni Mayor Strike Revilla ay ibinigay nito sa kanya ang isa niyang cellphone at dumukot pa ito ng sa bulsa ng sariling pera upang ipandagdag sa Php200 niya.

Ipinakita ni Fernan ang pagiging seryoso niya bilang kagawad ng Real Dos kaya kahit anong mangyari ay pinilit niyang matunton ang pinagdausan ng seminar sa Talisay. Alam niya na mahalaga ang makakalap niyang kaalaman na inaasahang ipamamahagi niya sa mga kasama niyang mga opisyal ng barangay.

Samantala, ang cellphone na N89 (Nokia) na bigay ni Mayor Strike Revilla ay pinagtitiyagaang ginagamit ni Fernan sa pagbukas ng internet. Maliliit ang mga titik na lumalabas dahil maliit lang din ang screen nito, kaya halos idikit na niya ang kanyang mukha sa screen. Ganoon pa man, dahil sa cellphone ay nadagdagan ang pagkakataong madagdagan ang mga kaalaman ni Fernan tungkol sa mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo at iba pang mga bagay na may kinalaman sa buhay ng tao.




0

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob
at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala
Ni Fernando  Sagenes

Lumpo ang pinsan kong si Soly (Soledad) dahil napinsala ang kanyang gulugod (spine) nang siya ay madaganan ng isang bahagi ng natumbang bahay nila noong bago pa lang silang nagsasama ni Caloy bilang mag-asawa. Sa kabila ng lahat, hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus ay nagsikap siya upang hindi umasa sa tulong naming mga kamag-anak niya. Nagbukas siya ng maliit na tindahan na masuwerte namang lumago kaya mula sa kita ay napaayos nila ang bahay nila sa Vasquez/Arevalo Compound sa Barangay Real 2.

Nakabili din sila noon ng sasakyan na ginagamit sa pamamakyaw ng paninda, pati isang  motorcycle na ginamit ni Caloy para sa mabilisang pamimili sa Imus at Zapote. Lalong higit, nakatulong din siya sa mga kapatid niya at iba pang kamag-anak na kinakapos, at ginagawa pa rin niya hanggang ngayon.

Sa kasamaang palad, nalihis noon ang landas ni Caloy nang makiapid siya sa ibang mga babae, at ang kasukdulan ay nang hiwalayan niya ang pinsan ko upang pumisan sa pinakahuling babaeng nakilala niya at tumira pa sila sa hindi kalayuan sa amin. Ang bawal na relasyon ay humantong sa paggawa ng hakbang ni Caloy na kamkamin ang bahagi ng conjugal property nila ng pinsan ko. Mabuti na lang at nagkaroon sila ng kasunduan at kasulatan sa Barangay na pumigil sa kanya upang huwag ituloy ang masama niyang balak.

Sa loob ng dalawang taon ay talagang nagtiis si Soly at pilit na pinalampas ang lahat ng nangyari, kaya tuloy lang siya sa pagsikap upang mamuhay na wala ang asawa na dapat sana ay umaalalay sa kanya dahil sa kanyang kalagayan. Nariringgan pa rin siya ng malulutong niyang pagtawa kaya bumilib sa kanya ang mga kaibigan at mga kapitbahay na nakakaalam ng mga pangyayari.

Subalit, talagang matalino ang Diyos dahil binigyan Niya ng dahilan si Caloy upang gumawa ng desisyon – ang bumalik sa piling ng pinsan ko. Si Caloy ay na-stroke na naging dahilan ng matagal niyang pagkaratay kaya napilitang bumalik sa piling ng pinsan ko. Pinagtiyagaan siyang alagaan nito hanggang siya ay makaraos at kahit papaano ay makatayo at makalakad kahit sa simula ay mahina ang kanyang pagkilos. Ngayon, maliban sa kanyang pagkaputla, malakas na si Caloy na halos hindi na halatang nakadanas ng stroke.

Samantala si Soly naman ay tuloy pa rin ang pagiging masayahin. Sa paggising sa umaga, pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay pupuwesto na agad sa kanyang tindahan. Sa harap at kanang bahagi niya ay mga nakabiting paninda na halos abot-kamay lang niya, pati ang butas sa screen kung saan ay inaabot ang bayad sa kanya. Sa kaliwang bahagi naman ay ang kalan dahil gusto niyang siya pa rin ang magluto ng pagkain nila. Nang umagang mamasyal kami sa kanya, inabutan naming siyang nagpipirito ng talong at daing.

Sa unang reunion naming magkaklase sa Real Elementary School, pinagtiyagaan ko siyang kargahin upang makadalo. Sa kabila ng kanyang kalagayan hindi siya naghangad ng special na attention mula sa mga dumalong kaklase. Normal na normal ang pagtrato namin sa kanya dahil hindi namin siya itinuring na lumpo. Sa katuwaan namin dahil sa matagumpay na pagkikita, nagpasya kaming mag-reunion uli agad, pero sa bahay na niya gaganapin para hindi na siya mahirapan pa. Aayusin na lang namin ang maliit nilang garahe na dating pinaparadahan ng kanilang jeep at motorcycle.

Maliban sa pagmamahal ay malaki ang respeto ko sa aking pinsan dahil sa kabila ng kalagayan niya, noong tanungin ko kung mahal pa niya ang asawa niya kahit iniwan na siya nito, ay walang kagatul-gatol na sinabi niyang, “mahal ko pa rin siya kahit ano pa ang ginawa niya dahil asawa ko siya sa mata ng Diyos”. Pinatunayan niya ang matibay niyang pagmamahal nang alagaan niya ang kanyang asawa nang ito ay ma-stroke.








0

True Faith Does Not Need a Grandiose House of Worship

Posted on Friday, 1 April 2016

True Faith Does Not Need a Grandiose House of Worship
By Apolinario Villalobos

True faith regardless of leaning is found in one’s heart and not impressed upon a person by ceremonies in a grandiose house of worship. One need not go to an impressive church or cathedral full of antique icons to show that he or she has a strong faith in God.  If God is All Knowing… in other words, Omnipotent, He should be able to hear the faithful who prays even under a tree while resting after toiling his rice field, or out in a field while harvesting vegetables, or out in the open sea, while casting his net.

Instead of spending money for the expansion of an already comfortable house of worship that could accommodate the faithful, these “representatives of God on earth”, should instead build chapels in far-flung villages for an effective effort on spiritual outreach, as this is what God wants in the first place. As implied in the Bible, the shepherd is supposed to be herding the flock which can only be done if he goes to them, and not the other way around, in which the flock goes to the shepherd.

As regards the effort of the “shepherd” in going to the “flock”, this is true in the case of the Eastern Catholic and Orthodox churches. They have simply-built chapels in the midst of the less privileged such as slums and villages. Their house of worship is a simple chapel made of light materials. On the other hand, the “shepherds” of the “other churches” conduct spiritual service in the chapels and multi-purpose halls of subdivisions that are conveniently and comfortably visited in a car. Commendable also is the effort of New Christian evangelists who make do with open spaces, vacant stalls that saw good old days as stores, old garage, etc. which they convert into house of worship.

Along this line, “shepherding of flocks” should result to closeness between the “shepherd” and the “flocks” for better spiritual administration. But how can some of these supposedly “shepherds” develop close affinity with their “flocks” if they are pulled out from their assigned “religious territory” after a certain number of years of “duty” which is akin to a wordly or temporal corporate operation? Is not “shepherding of flocks” supposed to be a spiritual advocacy? How can these “fathers” be able to effectively reach out to their “children” if after a certain number of years, there is a switching of posts? Questions…questions…questions…that can lead one into asking more, but which hypocrites view as signs of faithlessness.

Lack of “shepherds” is not a plausible alibi why it is necessary to centralize the worship in a parish church or cathedral. Why not train volunteer catechists in villages, so that even simple sharing of the Words can be made? On the other hand, while “religious groups” are practically teeming in any parish, they are observed to be occupied only in social bonding and prayer meetings, as well as, attendance of church activities. For any one or two, or several members of these “religious groups” to have even attempted to conduct catechism in a slum or a barrio is a big question.

Again, there is a nagging question as to who among these supposedly “shepherds” or church “heads” are willing to do the task of reaching out to their far-flung “flocks” when they even consider the one day/week rest a necessity since, as they insist, they are only humans who need to rest. But why not come up with a schedule for a 7 days/week “duty”, such that while the “leader” takes a day- off on a certain day, the “assistant”, can take his on another day…thereby, leaving no gap in the their spiritual administration? Why must the two take their day off at the same day?


I was prompted to write this blog after a friend told me that she “loves” to attend a Mass in the Cathedral near their home because the “ambience” is very different…very captivating, and that by just closing her eyes makes her cry!  By the way, this lady friend hired a fourteen-year old girl from their province, and whom she pays one thousand five hundred pesos a month wage. The housegirl serves the family of six – the woman and her husband, and their four children. The woman also “lovingly” calls the housegirl “punyeta” and “tanga”, which I heard when I visited her several times.  One time, the housegirl told me discreetly that she has no day off. So there’s our “faithful” woman who cries a river inside a cathedral because of its ambience…what a faith!