ANG
mundo ay kubo ng mga dukha at palasyo ng mga mayayaman. Ang kubo ay
napapaligiran ng maraming pananim…mga butil ng kahirapan at ang palasyo ay
nababakuran ng bitui't perlas ng karangyaan. Dalawang mukha ng buhay -
mukha ng dukha at maskara ng may pera................
SA
kabilang dako , bigyan natin ng pansin ang liriko ng awiting
"Dukha"...."Kami'y anak mahirap. Mababa ang aming
pinag-aralan. Grade 1 lang ang inabot ko, no read, no write pa ako, Paano
na ngayon ang buhay ko. Isang Kahig, isang tuka ...Ganyan kaming mga
dukha" Tama ba si Freddie Aguilar sa kanyang awiting "Dukha' ?
Tama ba ang ama ng "Anak" na sabihin : isang kahig, isang
tuka,,,ganyan kaming mga dukha. ? Tama ang mensahe, isang realidad ngunit
mali ang pagkasabi sapagkat pinupuri ni Freddie ang ganoong kalagayan ng
tao at lubos pa niyang tinatanggap na parang "birthday gift o kaya'y
Christmas gift" ang KAHIRAPAN. Sa halip na isang kahig, isang tuka
bakit hindi sinabing sampung kahig sampung tuka para marami na rin ang
mapakain sa isang dukha.. Tayong mga Filipino ay talagang mahilig sa mga
salitang matalinghaga, na para bagang napakatamis pakinggan itong
pariralang "isang kahig isang tuka"..........
SA
ating pagtanggap , pagpapuri at pagpapasikat sa akay ng kahirapan ay isang
masakit na pagtanggap ng katotohanan na tayo ay walang kakayahan na umiwas
o lumaban sa karukhaan. Isang kahig , isang tuka isang awit na naging
mantra ng mga dukha na isinulat ng isang makatang
dukha.....................
NGAYONG
gabi, mga kaibigan, dito sa bulwagan ng NDEA ay sumambulat na naman ang
panawagan ng NOTRE DAME EDUCATIONAL ASSOCIATION sa PAGTAKDA NG
PANANAMPALATAYA NA MAY BAGONG PANANAW SA MUNDO NG MGA DUKHA.
SA
usaping karukhaan o kahirapan, minabuti ng NDEA na mag-ambag ng ideya o
bagong pananaw. At sino ang makapagsabi na baka ang ideya ng NDEA ay siyang
katanggap-tanggap na solusyon sa problemang kahirapan? ARAW-ARAW ang
radyo't telebisyon , mga pahayagan at mga bunganga ng taumbayan ay hitik sa
malagim na mga balitang kamatayan at karukhaan: Patay ang isang tatay dahil
sa pagnanakaw. Patay ang isang binatilyo dahil sumungkit ng isang pirasong
tinapay. Patay ang isang nanay na nagnakaw dahil tumalon upang iwasan ang
mga pulis. Patay ang isang bata matapos masagasaan at tumilapon pa ang
ninakaw na pagkain. Mga kaibigan ito ay ilan lamang sa mga tagpo...mga
tagpo ng kamatayan sa lansangan na itinulak ng karukhaan. Silayan mo ang
isang mundo sa ilalim ng tulay- ayan
nakaluray ang mga inakay na walang pagkaing iniwan ang tatay at nanay..
Sundan mo sa mabahong estero si Juan at si Pedro sa isang ektaryang
sementeryo ang kanyang pamilya ay nasa loob ng nitso. Malagim na buhay . At
marami pa diyan hanggang sa kanayunan. Hindi sila mabibilang ngunit kung
bilangin mo ulit ang 7,100 na isla ng Pilipinas doblehin mo ang bilang at
doblehin uli ang bilang - ganyan karami ang mga dukha................NGAYON
anong bagong pananaw ang itutuon natin sa mundo ng mga dukha? Itatakda na
lang ba natin sa pananampalataya ang mga dukha? Hanggang saan? Hanggang
kaylan? .............ANO ang itinuturo ng paaralan hinggil sa kahirapan,?
Ano ang sinesermon ng simbahan tungkol sa karukhaan? At anu-ano ang mga
dekrito ng pamahalaan para tugunan ang kahirapan?
Ang
turo ng paaralan, ang sermon ng simbahan, at mga dekrito ng pamahalaan ay
nag-umpisa pa sa kapanahunan ni Magellan na hanggang ngayon ay wala pang
solusyon. Lalo pang lumalala...............ANG pananampalataya na walang kaakibat
na gawa ay patay na tupa, iyan ay ayon sa Banal na Bibliya. Call me crazy
ngunit ito ang masasabi ko: ang leksyon sa paaralan, ang sermon sa simbahan
at dekrito sa pamahalaan ay pawang mga retorika lamang. BAKIT hindi natin
bigyan ng daan ang makabuluhang ugnayan ng simbahan, paaralan at pamahalaan
upang lumikha o magtatag ng BAGONG PAMAYANAN para sa mga dukha? Imposible
ba na magkaroon ng SIMBAHAN, PAARALAN at PAMAHALAAN “PARTNERSHIP” sa diwa't
sigla ng kahirapan? The church, the educational institution and the
government shall give way for the creation of a new human settlement for
the poor.............
KUNG
gustuhin pwedeng gawin ng simbahan na maglaan ng 10% mula sa lingguhang
koleksyon. Kung gustuhin pwedeng gawin ng paaralan na maglaan ng 10% galing
sa koleksyon sa magtrikula. Kung gustuhin pwedeng gawin ng pamahalaan na
maglaan ng 10% koleksyon sa buwis. Sa isang taon mahigit sa isang milyon
ang mailaan sa isang bayan sa bawat lalawigan ng Pilipinas. Magtatag ng
superbody na mamahala nito. Labag sa batas? Tanungin ang Economous Council
ng simbahan, ang Board of Trustees at Board of Regents ng paaralan, Department
of the Budget and Management, Commission on Audit at Department of Finance
ng pamahalaan upang talakayin ito. Ipaalam sa kongreso at senado upang
magtatag o maglikha ng proseso. Makipag-ugnayan sa mga kritiko't
cause-oriented na mga grupo laban sa DAP at PDAF kung mayroon mang ganito
upang mapalaganap ang transparency ng mga ito...............
HINDI
ako naniniwala na ang simbahan ay poor. Sila ay may mga palasyo...Hindi ako
naniniwala na ang paaralan ay poor. Sila ay may mga hotel at condo...Hindi
ako naniniwala na ang pamahalaan ay poor. Sila ay may barko, eroplano yate,
banko at palasyo. Ngunit ako ay lubos na naniniwala na ang sambayanan ay
very poor..............HUWAG nating sabihin na ipagdasal na lang at
sambitin sa pananampalataya ang mundo ng mga dukha...............SANA
walang FOREVER sa mga DUKHA.
(Note:
Ito ay isang talumpati. Ang mga patlang na nilagyan ng mga tuldok at pinalaking
mga titik ay pananda ng mga pagdiin na gagawin ng magsasalita. Itong
talumpati ay gagamitin ni Bb. Vhon Padernal ng Notre Dame of Tacurong
College, sa Oratorical Contest na gaganapin sa Notre Dame of Midsayap, sa
darating na Notre Dame Educational Association (NDEA) Socio-Cultural
Contest, sa Ika-22 ng October, 2015. Ang may-akda ay dating professor ng
Notre Dame of Tacurong College, naging unang curator ng museum at event
organizer ng nasabing kolehiyo, at “Ama” ng Talakudong Festival ng Tacurong
City. Nagsimula siyang magsulat ng mga tula at sanaysay noong siya nasa
elementarya pa lamang.)
|
Discussion