Showing posts with label intelligence. Show all posts

0

Magkaiba ang Ugali at Antas ng Kaisipan ng mga Tao

Posted on Thursday, 25 February 2016

Magkaiba ang Ugali at Antas ng Kaisipan ng mga Tao
Ni Apolinario Villalobos

Hindi pare-pareho ang ugali at antas ng kaisipan ng mga tao sa mundo. May mga taong tanga, mapanlinlang, oportunista, sutil, mabait, maka-Diyos, maka-Demonyo, korap, atbp. May mga tao ring bobo, hangal, matalino lang, o sobrang talino, atbp. Dahil sa mga kaibahang nabanggit, hindi pwedeng lahat ay maging madre, pari, mayor, governor, clerk, manager, presidente ng kumpanya, presidente ng Pilipinas, senador, doktor, janitor, atbp. At, dahil sa simpleng paliwanag na nabanggit, hindi dapat pagtakhan kung bakit may mga milyonaryo at mahirap, at mayroon ding mga nasa gitna ng lipunan ang kinalalagyan.

Ang mga mahihirap ay umabot sa kalagayan nila dahil sa iba’t ibang dahilan, tulad ng:
·        kawalan nila ng pagsisikap dahil sa likas na katamaran 
·        nakasanayang umasa sa iba lalo na sa mga kapamilya at kaibigan na may kaya
·        pagiging biktima ng mga manloloko tulad ng mga employer, illegal recruiter, landgrabber at iba pang mga switik sa lipunan
·        pagkapadpad sa slums sa siyudad dahil umiwas sa mga kaguluhan sa probinsiya nila

Ang mga mayayaman naman ay umabot sa kalagayan nila dahil sa mga sumusunod na dahilan:
·        minanang kayamanan mula sa mga ninuno o magulang
·        pagsikap na makaahon mula sa kahirapan kaya umasenso
·        nagtulak ng droga hanggang maging drug lord o drug laboratory operator
·        nag-operate ng huweteng sa kanilang bayan kaya naging milyonaryo
·        naging big- time illegal recruiter
·        naging opisyal ng gobyerno at nangurakot
·        naging big-time holdaper hanggang maging financier ng kidnap-for-ransom gang

Kapag naging mayaman ang isang tao, puro papuri ang maririnig tungkol sa kanya kung hindi galing sa masama ang kanyang yaman. Kung bistado namang galing sa masama ang yaman, abot- langit ang pagbatikos sa kanya. Binabatikos din ang mga mahihirap na nakatira sa slums dahil sa kalagayan nilang animo ay manok na nabubuhay sa “isang kahig, isang tuka” na paraan. Idagdag pa diyan ang paninisi sa kanila dahil kung magbuntis o magpabuntis ng asawa ay walang pakundangan kaya ang mga nanlilimahid na mga anak na pakalat-kalat sa kalye ay  animo mga mantas sa mukha ng lipunan.

Ang mga yumaman tulad ng mga magnanakaw sa gobyerno, tulak ng droga, drug lord, illegal recruiter, at iba pa, ay may mga karampatang parusa ayon sa batas, kaya kung maayos lang sana ang namamalakad sa gobyerno, sila ay mapaparusahan tulad ng pagkakulong. Subalit, kalat din ang mga kuwentong kung sino pa ang may kaalaman sa mga batas o nagpapatupad ng mga ito, ay sila pang nangunguna sa pagsuway. Ang namumuno naman ay parang taong dayami na panakot sa mga ibon sa palayan – walang kabuhay-buhay at pakiramdam!

Hindi dapat basta na lang isisi sa mga mahihirap kung bakit sila nasadlak sa nakakaawa nilang kalagayan ngayon. Ang korapsyon na siyang pinakamalaking dahilan ng lahat ng paghihirap nila ay nagsimula noon pa mang kasibulan ng Pilipinas bilang isang malayang bansa. Marami nang oportunista noon – mga mayayamang asendero na naging opisyal ng bansa, at mga edukadong naging pulitiko na nasilaw sa pera mula sa kaban ng bayan. Yan ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng NPA na ang impluwensiya ay nakarating na sa mga siyudad ngayon, kung saan ay naglipana din ang mga makabagong oportunista. Kaya tulad ng dapat asahan, sumabay sa paglala ng korapsyon sa gobyerno ang kahirapan sa bansa.

Ang nakikitang kahirapan at karangyaan ay mga pang-ibabaw lamang na tanawin sa isang lipunan. Hindi magkakaroon ng mga nasabing kalagayan kung walang mga dahilan tulad ng mga nauna nang nabanggit….at ang mga dahilang iyan ang dapat munang tingnan ng isang tao bago magbitaw ng komento na tulad ng:  “nakakasuka at mantsa ng lipunan ang mga slums at mga nakatira sa mga ito”, at “kasalanan ng mga inutil na mga taong yagit na ito kung bakit sila naghihirap”. Dapat isipin ng mga mapangkutya na kung may tamad na mahihirap, mayroon ding ganito sa hanay ng mga mayayaman ngunit hindi lang pansin dahil may pera sila.


Isang makapal na libro ang magagawa kung ilalahad ang mga may kinalaman sa kagutuman dahil hindi lang kahirapan ang mauungkat kundi pati mga kadahilanan. Hangga’t maaari ay iwasan sana ng mga “matatalino at masisipag” na magtanong kung bakit ang mga nasa iskwater ay hindi tumulad sa kanila. Kung maligaya na sila sa mataas nilang kinalalagyan at wala silang balak na tumulong sa mga nangangailangan o kung tumulong man ay may kasamang panunumbat, tumahimik na lang sila at iwasang tumingin sa ibaba. Pero, alalahanin nila na may kaakibat na matinding lagapak ang pagbagsak ng isang tao kung siya ay mula sa mataas na kinalalagyan!

0

On the Value of Books, Magazines, Etc.

Posted on Wednesday, 24 February 2016

On the Value of Books, Magazines, Etc.
By Apolinario Villalobos

I just cannot understand how some people can fail to appreciate the value of books, magazines, etc. just because they are two, three or more years old. For them such materials are already outdated, so they do not deserve appreciation. The fact is, these materials, especially books can be updated while retaining their historical usefulness, hence, never outdated. Books are updated based on the old editions, and this is necessary, as some authors are found to bungle or distort facts, especially, on political issues.

Even for scientific and technical books that are supposed to be updated regularly due to the fast turnover of new ideas and discoveries, there is still a need to maintain old editions so that basic information will always be on hand, in case of verification.

The notion that hard copies of books are no longer necessary with the onset of high technology is wrong. What the cyberspace keeps in its archives are actually digitized old books and their new editions if there are, for easy reference. Important issues here are the convenience and affordability of access, as not everybody can afford the installation of computers at home or the expense for browsing in internet cafes. On the other hand, there are the so-called e-books, but such are just “versions” of printed ones. In fact, some authors venture into e-book publication first, to sell their books on-line which is easier, but still print them later, using the earnings.

While before, the book was considered as a precious commodity for the acquisition of knowledge, today, book publication is viewed more as a very profitable business venture. This is the reason why the questionable Philippine educational system has allowed the “conversion” of text books into workbooks with the insertion of a portion on questions and answers at the end of each chapter. This practice of the educational institutions, including government agencies, in connivance with the unscrupulous publishers and agents has made many people shamefully rich on one end, while on the other end, the parents and students suffer. In their haste for printing, some books even come off the press with so many errors. The practice no longer made possible the passing on of old books to younger members of the family, as buying new sets with unanswered questions at the end of chapters, has become necessary and a requirement of the school.

People love trivia. But where do all the information come from? – old books and magazines! Those found in the internet are the upload, patiently done by website owners that earn through ads squeezed in available spaces of their site’s pages, or number of viewers they generate. This is how servers and website owners in the cyberspace earn. Netizens thought that they owe a lot to them thinking that they are the originators of the information, when all these website owners do is upload information. On the other hand, the servers only provide space for these websites from which they earn enormous income. 

I have no quarrel with the servers and website owners, but my effort here is directed at how people have been misled by thinking that because of the computers, hard copies of reading materials have become obsolete or on a kindlier view, unreliable.

Before the onset of the internet, students had no choice but to diligently turn the pages of books to cull the needed information for their theses. They were forced to make summaries or condense sourced materials. But because of the advance technology, some of them just “copy” and “paste” pages from sources in the internet, make minimal revisions, by deleting sentences and paragraphs, then, collate them into a “thesis”. That is the ongoing sad reality.

When I did a job on the side editing theses of students from a reputable university, I discovered one time, that four drafts were identical word for word – with the same source in the internet. Two other students tried their best to be authentic by jumbling the sequence of paragraphs that they copied and collated. And there’s the story shared by a librarian about two similar theses, but with submission dates of more than ten years apart.  They were discovered later when a researcher took note of the similarity and called the librarian’s attention about it. And, there’s a classic story of how the whole content of a thesis reference was peeled off from its cover by a student researcher, and who inserted folded newspapers, afterwards, as replacement to make the reference material look intact when it was returned to the librarian who did not bother to check.

I am not saying that we fill whatever space we have at home and offices with books and magazines and hold on to them till time eternal.  What I am trying to share is the restraint that we should observe in disposing books and other reading materials that have outlived their immediate usefulness. What we do not need can be shared, instead of dumping them in garbage bins. What shocked me was when I found two copies of pocket edition of Bible in a box of junk, and worse, a copy of Koran in another junk shop! I found my rare copies of biography of Queen Victoria, “Pepe En Pilar”, and “Codigo Penal” printed in 1870, in a pile of junks sold on a sidewalk.

As a high school and college student in Notre Dame of Tacurong, a parochial school in the far southern province of Sultan Kudarat in Mindanao, I had a grand time poring over the pages of National Geographic, Reader’s Digest, and Encyclopedias in our library, all old editions, solicited by Oblate priests in the United States. Some of them were even dated as early as 1950’s, especially, the Reader’s Digest and National Geographic, but I still enjoyed reading them. We were lucky, as our bespectacled librarian, Leonardo Ninte and his student assistants, carefully, rebound the reading materials, to make them endure regular handling. A good number of shelves in the library were filled with donated books, with only very few important current editions purchased due to the scant fund of the school. Those “outdated” materials helped me a lot in developing my love for reading. Accordingly, if some people who are in charge of libraries today will nurture an attitude of abhorrence to old books, they will eventually deny others the opportunity to earn knowledge from books, be they old or new.

The fast advancing technology on information is proving its great help to mankind. But we should understand that technology in whatever form has limitations. The gadgets we see now as “repository” of information, still need to be fed with basic information by man as basis for their mechanical “intelligent” subsequent actions. Most importantly, what are fed to these machines come from the human brain. These invented and fabricated machines come about as forms of convenience that man seeks tirelessly for his comfort. Man started with barks, leaves, rocks and even pot shards in recording events long time ago. What resulted into modern day codices – books, should therefore be given due respect and importance for all their worth which is fathomless. To tip the balance in favor of these machines as regards the perception on the value of books, therefore, is not fair.


0

Do Not Pamper Illness and Grief

Posted on Friday, 26 June 2015



Do Not Pamper Illness and Grief
By Apolinario Villalobos

Several times, I have proven that “mind over matter” really works. I found out that some friends also had the same experience. Pain can be managed – both emotionally and physically. All it needs is discipline. Unfortunately, some people fake illness and grief to be used as alibi in evading responsibilities.

Pampering illness and grief results to self-pity that further results to the deterioration of personality. The body has its own way of counteracting the malfunction of any organ, the most noticeable sign is having a fever. Instead of feeling down, the mind should help the body by controlling the emotion. The same mind-driven control should be applied when somebody is grief-stricken.

If a person becomes used to the “mind over matter” routine, emotional maturity sets in which is very important in coming up with sound decisions and having a healthy outlook in life. Also, if a person gets used to pain, no amount of threat or weight on his shoulder can buckle him down.


0

Mga Suhestiyon para sa Kagawaran ng Edukasyon

Posted on Friday, 19 June 2015



Mga Suhestiyon para sa Kagawaran ng Edukasyon
Ni Apolinario Villalobos

Kung seryoso ang Kagawaran ng Edukasyon na mabago ang imahe nito na nakulapulan ng bansag na isang korap at pabayang ahensiya, dapat ay magkaroon ang pamunuan ng masusing imbestigasyon tungkol sa mga bagay na bukod sa alam na nila ay alam na rin ng publiko. Maliban pa diyan ang mga sumusunod na suhestiyon:

1.Tanggalin agad at parusahan ang mga mapatunayang tumatanggap ng komisyon mula sa mga publishers ng mga librong workbooks na ginagamit ng mga estudyante at mga guro.

2. Ibalik ang dating sistema sa paggamit ng mga textbook na walang mga bahaging sinasagot ng mga estudyante sa bawat katapusan ng mga tsapter, upang magamit pa uli ang mga ito. Sa ganitong paraan, ang mga hindi nakakabili ng mga libro ay maaaring manghiram sa mga kaklase, at makakatipid pa ng di-hamak na malaking halaga ang gobyerno.

3. Paigtingin ang makabagong paraan sa pagtuturo sa pamamagitan ng agad-agarang paglagay ng mga computer sa mga eskwelahan. Huwag umasa sa mga donasyon dahil kaya naman ang ganitong proyekto kung gagamitin ang napakalaking matitipid sa pagtigil ng pagbili ng mga workbook taon-taon na pinagkikitaan lamang ng mga tiwaling opisyal na kinakasabwat ng mga publisher.

4. Magkaroon ng paraan upang maitaas ang hanay ng mga pinagtuturong mga gurong hindi pa nakakapasa sa licensing exams, upang mabigyan sila ng nararapat at maayos na sahod.

5. Kung may binibigay nang “hazard pay” sa mga gurong nakatalaga sa mga delikadong lugar, dagdagan pa, upang hindi magdalawang isip ang iba pa sa pagtanggap ng ganitong assignment.

6. Magtalaga ng regular na Property Custodian na ang duty ay buong taon, hindi mga buwan ng pasukan lamang, upang masigurong mabantayan ang mga gamit ng eskwela na karaniwang napapabayaan tuwing bakasyon. Aayon ito sa suhestiyon tungkol sa modernisasyon sa pagtuturo, dahil magkakaroon ang mga eskwelahan ng mga computer at iba pang gamit na may kinalaman sa information technology.

7. Magtalaga rin ng regular na Security Officer na buong taon din ang duty, katulad ng sa Property Custodian.

8. Huwag i-asa sa perang donasyon ng PTA ang mga bagay na may kinalaman sa pamamalakad ng eskwelahan. Kung pinagmamalaki ng gobyerno na libre ang pag-aaral ng mga bata, dapat lahat ng bagay na may kinalaman sa ganitong panukala ay libre din. Dapat ang gamit ng PTA ay bilang instrumento lamang para sa masinsing pakikipagtulungan ng mga magulang sa mga namumuno ng mga eskwelahan upang masubaybayang mabuti ang mga bata. Hindi dapat gumagastos ang PTA para sa mga security guard o pagpalinis ng mga kubeta o pagbayad ng mga ilaw. Labas sa suhestiyong ito ang nakaugaliang “Brigada: Balik Eskwela” na boluntaryo lang naman tuwing bago magpasukan, dahil nagpapairal ito ng bayanihan na magandang halimbawa para sa mga kabataan.

9. Suriing mabuti ang mga itinuturong asignatura o subject sa mga estudyante dahil lumalabas na dahil sa dami ay hindi naman naituturong lahat. Ang problemang ito ay lalong nadagdagan ng K-12 program. Dahil sa mga nabanggit, lumalabas na “hilaw” ang kaalaman ng mga estudyante, kaya karamihan sa kanila, grade three na ay hirap pang mag-spell ng mga salita o magbasa nang tuluy-tuloy. At ang matindi ay bobo sila pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas dahil, ni hindi man lang nila alam kung sino si Tandang Sora  o si Diego Silang o si Sikatuna. Subalit, kung maglaro naman ng computer games, ang bilis ng paggana ng utak nila!

10. Gumamit ng solar power bilang suporta sa modenisasyon ng pagtuturo, sa halip na regular na kuryenteng binibili sa mga cooperative o MERALCO upang makatipid, at magiging modelo pa ang mga eskwelahan sa ganitong adbokasiya.

Dapat tanggapin ang katotohanang hindi naman talaga nagtuturo ang karamihan ng mga magulang sa mga anak nila sa bahay, lalo na kung may mga assignment. Maswerte ang mga estudyanteng ang mga magulang  ay may kaalaman sa mga bagong subject na itinuturo ngayon. Pagdating naman sa paggawa ng mga project, karamihan sa mga ito ay mismong mga magulang ang gumagawa. Kaya paggising ng mga anak sa umaga, tapos na ang project na dadalhin na lamang nila sa eskwela. Dapat gumawa ng paraan ang kagawaran upang maituwid ang ganitong maling sitwasyon.

May mga teachers din na umaaming  alam nilang hindi man lang nagbubukas ang mga estudyante ng mga libro nila dahil basta tama ang sagot sa mga katanungan sa katapusan ng tsapter, ay pasado na sila. Iba kasi kung bibiglain ang mga estudyante ng mga katanungan sa araw mismo ng test, kaya obligado silang magbasa upang makapaghanda.
Maraming mga estudyante ngayon ang hirap sa pagbaybay o pag-spell ng mga salita, lalo na ang mga Ingles. Magaling lang sila sa pabaklang  pag-pronounce ng letrang “R”, na hindi naman itinutuwid ng mga guro, dahil sila mismo ay guilty din.




0

Ang Emotional Maturity o Kaganapan ng Damdamin ng Tao



Ang Emotional Maturity
O Kaganapan ng Damdamin ng Tao
Ni Apolinario Villalobos

Kung ang dunong at isip ay sa utak, ang damdamin naman ay sa puso. Ang damdamin mula sa puso ang nagpapalambot ng kung ano mang matigas na desisyon at pananaw ng isang tao. Ang nabanggit ang magsasabi kung anong klaseng pagkatao mayroon ang isang tao, na kalimitan ay sinasabing mabait, maunawain, mapagmahal, matulungin, atbp. - dahil puso ang pinairal. Subali’t kung ang desisyon ng utak ay pinagmatigasan ng isang tao, ibang pagkatao naman ang ipinapakita niya, subali’t damay pa rin ang puso, kaya may tinatawag kung minsan na “pusong bato” – walang damdamin, matigas. Hindi maaaring paghiwalayin ang tungkulin ng isip at damdamin dahil magkaagapay sila sa lahat ng pagkakataon.

Ang taong normal, na ibig sabihin ay walang diperensiya ang katawan, pag-iisip, at puso, ay may sinusunod na panahon upang marating ang kani-kanilang libel ng kaganapan o maturity. Inaasahang sa pagtuntong sa tamang panahon ng kaganapan, ang isang tao ay matatag na sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay – hindi iyakin, malinaw ang mga desisyon, at malawak ang pang-unawa sa lahat ng bagay at kapwa-tao.

Subalit sa mga pagkakataon na sa murang gulang ay napasabak na sa pagharap sa mga pagsubok ang isang tao, mabilis ang pagkakaroon niya ng kaganapan ng damdamin. Dahil dito, may mga batang laki sa hirap na marunong nang gumawa ng mga malinaw na desisyon at ang damdamin ay umabot na sa libel ng kaganapan, kaya tinaguriang “isip- matanda”. May mga tao ring dahil lumaking spoiled sa magulang, kaya hindi nasanay sa pagharap sa mga pagsubok ay nagkaroon ng malamya o mahinang pagkakatao, kaya tinataguriang “isip-bata” at may “malambot na damdamin”.

Ang isa sa mga pagsubok ng buhay ay ang sitwasyon ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa. Kahit ang isip nila ay umabot na sa kaganapan, subalit dahil sa hindi mapigilang bugso ng damdamin tuwing maalala ang pamilya, bumibigay ito at humahantong sa pag-iyak, pagkawala ng katinuan ng pag-iisip, at ang pinakamasaklap ay pagpapatiwakal. Ang isa pa ay ang sitwasyon ng isang “spoiled” na taong nag-asawa.  Kahit may mga anak na ay nakasandal pa rin sa mga magulang na maya’t maya niyang hinihingan ng payo, dahil hindi siya nasanay na gumawa ng sariling desisyon kaya mahina ang damdamin. Ibig sabihin, kahit nasa hustong gulang na siya ay hindi pa rin siya emotionally- matured.

Kung sa relasyong magkapatid, ang isip ay “nakakatandang kapatid” ng damdamin o emosyon. Sa panahon ng “pagi-emote” ng isang tao, ang isip niya ang magsasabi kung siya ay tama o mali. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang utak ng tao ay nasa ulo, bandang itaas ng katawan, at ang pusong nagpapadamdam ay nasa dibdib o kalagitnaan ng katawan…nangangahulugang mas mataas ang utak kaysa puso, kaya dapat lang na umiral kung kailangan. Sa kasamaang palad,  may  mga pagkakataon ding umiiral ang damdamin na nawawala sa ayos lalo na pagdating sa pag-ibig,  na para bang sa magkapatiran, kung saan ang nakababata ay ayaw makinig sa nakatatanda, na umaabot sa “disgrasya” , kaya may tinatawag na mga batang babaeng “disgrasyada” – nabuntis ng wala sa panahon.
 
Dahil sa magandang dulot ng pag-iral ng isip sa damdamin, ang ginagawa ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa halimbawa, ay iniisip na lang ang kapakanan ng kanilang mga anak na naiwan sa Pilipinas, na siyang dahilan kung bakit sila nagtitiis na mapalayo sa kanila. Sa ganitong paraan, ang anumang panghihina ng damdamin ay natatalo ng isip…isang uri ng ipinilit na maturity ng damdamin.

Sa pangkalahatan, ang mga nakakaapekto sa damdamin ng isang tao upang umabot ito sa kaganapan o maturity ay ang angkin niyang likas na talino, paraan ng magulang sa paghubog sa kanya, nilakhang pamilya, mga kasama sa tahanan, at ang kapaligiran ng nilakhang tahanan o ang komunidad. Ang mga nabanggit na salik o sanhing nabanggit ang makakapagdetermina sa aabuting libel o taas ng kaganapan ng isang tao.

0

Ang Common Sense na Hindi naman Common

Posted on Sunday, 30 November 2014



Ang Common Sense
Na Hindi naman Common
Ni Apolinario Villalobos

Hindi maintindihan kung minsan ang takbo ng isip ng tao. Kung ano ang bawal, halimbawa, ay siya niyang gustong gawin. Kung ano ang dapat gawin, ay siya namang pinakaiiwasang gawin. Ang katinuan kadalasan ay wala sa ayos, dahil ang tinatawag na common sense, na dapat ay palasak at dapat palaging nandiyan lang sa kanyang katauhan, ay siya namang palaging wala.

May isa akong kaibigan na mabilis ang pagkahulog ng katawan kaya bukod sa namumutla na ay namamayat pa, yon pala ay may diabetes at may diperensiya na ang bato o kidney. Ilang beses ko na siyang pinayuhan noon pa mang malusog pa siya, tungkol sa mga halamang gamot o mga herbal medicines. Hindi pala sinusunod ang payo ko lalo na ang mga tungkol sa pagkain at mga bawal na bisyo, kaya natuluyang gumastos sa pagpapadoktor at pagbili ng mga mahal na gamot. Isang araw ay sinabi niya na “magpapabulong” daw siya sa isang arbularyo sa isang karatig na lalawigan. Sa ganoong gamutan, binubulungan daw ng arbularyo ang bahagi ng katawang may diperensiya.

Tinapat ko siya na pang-doktor ang sakit niya dahil hindi naman siya kinukulam. Dagdag ko pa, kung ano mang gamot ang “ibubulong” ng arbularyo ay siguradong mga halaman din na alam na ng lahat, kaya walang bago sa aasahan niyang gamutan. Ayaw pa ring paawat, itinuloy ang biyahe nila ng nakilala niyang “magpapabulong” din. Nang makauwi, binalitaan ako na ganoon nga ang nangyari – sinabihan siya ng arbularyo na itigil ang mga pagkaing bawal, at ang mga halamang sinabi sa kanya ay kapareho ng mga sinabi ko na sa kanya noon pa! Nagpagod na siya, gumastos pa!

Ang isa namang kaibigan ay walang inaasahan, maliban sa pagtinda sa palengke. Dalawa ang anak na suhod ang luho tulad ng mamahaling cellphone at mga damit. Pati sa pagkain ay pihikan ang mga ito, dahil ayaw kumain ng gulay at mumurahing isda – kinunsinti kasi ng kaibigan ko, maliit pa lang sila. Nang payuhan ko ang kaibigan kong maghinay-hinay sa pagsunod sa luho ng mga anak, ang sagot niya ay “sige lang…ngayon lang naman nila matitikman, eh…”. Halos isang kahig, isang tuka ang pamumuhay nila dahil ang perang ginagamit ay regular na inuutang sa ilang tao na nagtiwala sa kanya, at pinapaikot-ikot lamang niya upang makasambot sa pagbayad. Ang maling uri ng pagpapakita ng pagmamahal na ito ang halata nang nakakasira sa pag-uugali ng mga anak niya.

Ang uri ng buhay na meron tayo sa mundo ay batay sa takbo ng ating katinuan at common sense. May tinatawag na maluhong pamumuhay, may pabayang pamumuhay, may maingat na pamumuhay, may malusog na pamumuhay…marami pang iba. Ang talino natin ay nakokontrol ng katinuan at common sense, dahil kung hindi, ang talinong ito ay hindi magagamit ng maayos. Ito ang dahilan kung bakit sa ibabaw ng mundo ay may naglilipanang kriminal at mapagsamantala, ganoong ang iba sa kanila ay nagtapos sa mga de-kalidad na mga pamantasan at kolehiyo. Yong iba sa kanilang humantong sa mga opisina ng gobyerno ay mga corrupt. Yong iba na dapat ay tagapagpatupad ng batas ay naging bayaran.

Walang katumbas na halaga ng pera ang common sense o katinuan. May mga taong matino o may common sense na makikita sa mga kabundukan at nabubuhay sa pagkaing gubat. Mayroon ding mga namumulot ng basura at natutulog sa bangketa. Talo nila ang mga may diploma o master’s degree or doctorate na ang mga tanging laman ng isip ay kung paano kumita ng pera sa anumang paraan at manglamang ng kapwa.