Ang Mag-inang taga- Tacub (South Cotabato, Mindanao)
Posted on Monday, 4 September 2017
Ang mag-iinang ito ay bumibiyahe mula sa bulubunduking
barangay ng Tacub sa Magon. Madaling araw pa lang ay umaalis sila sa kanila
upang magdala ng mga gulay sa “Apilado”, kanto ng highway malapit sa entrance
ng public market ng Tacurong. Ang nanay ay “Ati” na nakapag-asawa ng
Kristiyanong galing sa Passi, Iloilo. Hindi ko na babanggitin ang pangalan nila
upang mapangalagaan ang kanilang privacy.
Ang tawag nila sa pedicab na may platform na pinapatungan ng
mga kalakal ay “top down”. Akala ko noon, ang ibig niyang sabihin ay four-wheel
vehicle na walang bubong, kaya bumilib ako sa kanya dahil sa pagtitinda ng
gulay ay nakabili ng ganoong uri ng sasakyan. Nang mataymingan ko ang pagdating
nila isang umaga ng Martes, nakita ko
ang sinasabi niyang “top down”. Ang “top down” pala ay motorcycle na may “side
car” na may platform. Lalo akong bumilib sa kanya. Madulas ang “trail” pababa
mula sa Tacub hanggang highway at delikado ang kalagayan nilang mag-iina pati
ang mga sako-sakong gulay na pwedeng mahulog mula sa “platform”. Fluent sa mga
salitang Hiligaynon, Karay-a, Tagalog at Ilocano ang nanay. Nang marinig kong
mag-usap sila ng kanyang mga anak, nagpalagay agad ako na sila ay hindi Muslim
o Kristiyano at nang tanungin ko ay inamin niyang siya ay “Ati”.
Ang “Ati” ng Mindanao ay hindi katulad ng mga “Aeta” sa
Zambales. Hindi kinky ang buhok ng mga “Ati” sa Mindanao at ang iba sa kanila
ay mestisahin at mestisahin.
Discussion