0

Ang Baha at Kapalpakan ng Gobyerno

Posted on Tuesday, 19 September 2017

Ang Baha at Kapalpakan ng Gobyerno
Ni Apolinario Villalobos

Ang nararanasang baha tuwing tag-ulan ay nangyayari sa buong kapuluan ng Pilipinas. Ang isa sa mga dahilan nito ay ang kalumaan ng mga drainage – maliit at puno na ng latak o sediments….yan ang sitwasyon ng Manila at mga lumang lunsod tulad ng Bacoor City, Imus City, Cainta, Taytay, Makati, at marami pang iba. Subalit maraming mga bagong barangay, bayan at lunsod ang binabaha dahil sa KAWALAN NG DRAINAGE SYSTEM.

Sa mapa at blueprint na batayan ng mga proposal sa pag-approve ng status ng local units upang maging barangay, bayan o lunsod, walang naka-indicate na drainage system. Ang nakalagay lang ay mga “zones”.  Dapat ay kasama sa blueprint ng barangay, bayan at lunsod ang sketch ng  DRAINAGE SYSTEM NA GAWA NA, HINDI DROWING LANG. Kung wala nito, dapat ay hindi aprubahan ng Kongreso ang pino-propose na status. Dahil sa kapalpakan na yan, maraming lunsod na palaging lubog sa baha, at kung magpagawa man ay wala pang effective na direction kung saan dadalhin ang waste water. Ang kapalpakan na yan ay hindi dapat isisi sa kasalukuyang nakaupong mga namumuno dahil minana lang nila ang problema.

Dapat ay gayahin ang sistema ng mga subdivision developers batay sa requirement ng mga ahensiyang may kinalaman sa housing program.  Bago sila makapagbenta ng mga lote, ang subdivision ay dapat kumpleto sa mga facilities tulad ng drainage system, electric posts, plaza, multi-purpose hall, basketball court at ang iba ay mayroon pa ngang chapel.

Kung magpo-propose naman sana ng isang sitio na gagawing barangay, dapat ay kasama ang territorial blueprint na nagpapakita ng mga kanal, manhole, at direksiyon na patutunguhan ng tubig – kung sa ilog man o sa lawa.  

Kapag ipinanukalang gawing lunsod ang isang bayan at inaasahan ang pagdagsa ng mga investors na magtatayo ng restaurants, malls, hotels, at condo buildings, dapat ay mahigpit na ipatupad ang pagkakaroon nila ng malaking septic tank na siyang magsasala (strain) muna ng maruming tubig bago ito padaluyin sa drainage system.


Sa simpleng salita…KAPABAYAAN ANG DAHILAN NG MGA BAHA, NA LALO PANG PINATINDI NG MGA NAKATIWANGWANG NA MGA PROYEKTO, NA KARAMIHAN AY BASTA NA LANG INIWAN NG MGA CONTRACTORS DAHIL SA KAKULANGAN NG BUDGET.

Discussion

Leave a response