Ang Pulitika sa Pilipinas
Posted on Friday, 15 September 2017
Ang Pulitika sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
Walang permanenteng kaibigan sa larangan ng pulitika. Sa
larangang ito ay umiiral ang tinatawag sa Ingles na, “survival of the toughest”,
o sa Tagalog ay “matira ang matibay” dahil sa makapal na mukha at matibay na
sikmura. Ibig kong sabihin sa “makapal na mukha” ay matapang humarap kanino
man, hindi nahihiya o nangingimi kung may pinaglalaban. Ang may matibay namang
sikmura ay hindi nasusuka sa nakakasulasok na amoy sa loob ng larangang ito. Kung
mahina ang fighting spirit mo, huwag kang sumabak sa pulitika. Kung wala kang
financial machinery, ibig sabihin ay wala kang “financier” o “investor”, huwag
ka nang pumil-ap ng candidacy form sa COMELEC. Sa kabila ng mga nabanggit ko,
mayroon pa rin namang mga pulitikong pagkatapos manalo ay nagpapairal ng
prinsipyo, subalit, iilan lang sila.
Hindi lang sa Pilipinas umiiral ang bilihan ng boto tuwing
panahon ng eleksiyon. Matindi nga lang sa Pilipinas dahil sa tagal ng panahon
na pag-iral ng ganitong gawi, nagkaugat na ng napakalalim sa kultura ng mga
Pilipino. Tanga lang ang mag-iisip na ang mga sumasama sa mga rally at
bumabatikos sa corruption ay “malinis”. Hindi magbibilad sa init at magpakapaos
ang mga raleyista sa panahon ngayon kung wala silang natatanggap na benepisyo
sa ano mang paraan mula sa ma pulitiko. Huwag nilang sabihing ipinaglalaban
nila ang idealism at kapakanan ng bansa at mga Pilipino dahil ang iwinawagayway
nila ay BANDILANG PULA o KULAY NG KANILANG FINANCIERS! Kaya malinaw na
ginagamit sila ng mg taong naghahangad na hindi magkaroon ng katahimikan ang
bansa.
Hindi lang karunungan at yaman ang namamana ngayon kundi
pati na rin puwesto sa gobyerno. Okey lang sana ito kung matitino ang mga
nagmamana tulad ng ilang mga kilala ko. Subalit karamihan sa mga napaluklok sa
puwesto ay gahaman. Negosyo ang turing sa pulitika sa Pilipinas dahil marami
ang namumuhunan upang makapasok sa larangang ito. Kapag nanalo, gusto nilang
makuha agad ang “return of investment” nila o ROI at ang pinakamadaling paraan
ay mangurakot.
Ang 10% na pabiro kung banggitin sa mga usapan, na komisyon
daw ng ILANG mga pulitikong nakaupo sa puwesto ay “standard” at “tolerable”
kung totoo man. Ang ibang sumisipsip, sa halip na pera ang ibigay sa mga
pulitiko ay idinadaan sa regalo….standard practice din yan, maski saang bansa.
Subalit ang hindi maganda ay kapag lumampas na sa 10% na umaabot kung minsan sa
70%! Ang malalaking komisyon ay gumimbal sa buong bansa nang isiwalat ni
Napoles noong siya ay imbestigahan sa senado. Nasa kulungan na siya ngayon at
may mga pulitikong nakakulong din…at kung maaabsuwelto sila, panahon lang at
kung sinong presidenteng nakaupo ang makakapagsabi.
Ang nakakabahala ngayon, sa kabila ng katapangan ni Duterte
ay napapalusutan pa rin siya ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno na naiimpluwensiyahan
pa rin ng mga pulitiko….silang mga naghihintay sa pagbagsak o pagbaba niya,
kung alin man ang mauna. Dahil may lahi yata ng hunyango ang mga karamihang
ungas na pulitiko, papalit-palit sila ng kulay upang umangkop sa kung sinong
presidente ang nakaupo sa Malakanyang.
Sa uulitin….ang pulitika sa Pilipinas ay para lamang sa may
makapal na mukha at matibay na sikmura.
Discussion