Ang Mga Hindi Nakakatuwang Pagbabago ng mga Salitang Nakasanayan Na
Posted on Monday, 25 September 2017
Ang Mga Hindi Nakakatuwang Pagbabago
ng mga Salitang Nakasanayan Na
Ni Apolinario Villalobos
Pinagpipilitan ng ilang sektor ang pagtawag ngayon sa
“iskwater” o “squatter” bilang “informal settler”. Kung maging literal sa
pag-translate ng katagang “squatter”, ang pinakamalapit na katumbas ay
“mang-aagaw”, kaya binaybay o inispel na lang na “iskwater” – noon yan. Pero
ngayon, dahil “informal settler” na ang pinagpipilitang itawag, ang tanong ay
ano ang katumbas nito sa Tagalog o Filipino…”impormal setler”? At bakit ginamit
ang salitang “informal”?...kaylan pa naging “formal” ang pang-iiskwat?
Ang “squatter’s area” naman na simpleng tinatawag na
“iskwater” sa Tagalog o Filipino ay pilit na binabago sa tawag na “depressed
area”. Pero, ano naman yan sa Tagalog o Filipino”…”malungkot na lugar”? …lalo
pang pinasama ang katawagan! Sa mga lugar na yan, kahit maraming kakapusan sa
mga materyal na bagay, masaya ang mga nakatira. Nakita ko yan dahil madalas
akong mamasyal sa mga kinatatakutan ng iba tulad ng Baseco Compound, Isla
Puting Bato sa Tondo, at mga slums sa gilid ng mga riles at ilog ng Reina
Regente.
Gumanda nga sa pandinig ang “iskwater” o “squatter” dahil English ang ginamit, pero ang tinutukoy
ay GANOON PA RIN dahil hindi mababago sa anumang katawagan ang tunay na mukha
ng kahirapan o poverty.
YAN ANG KAHANGALAN NG MAKABAGONG SISTEMA…PINAPAGANDA SA
PANDINIG ANG MARAMING BAGAY NA PARA BANG NAGMI-MAKE UP NG MUKHA UPANG
“GUMANDA”. PARA BANG SA MGA BEAUTY
CONTEST…NAGPAPAGANDAHAN NG MGA MUKHA ANG MGA KALAHOK, PERO TANGGALAN MO SILA NG
MAKE-UP, ANO ANG MANGYAYARI KAPAG “TUNAY” NA MUKHA ANG MALALANTAD? …ANO ANG
MAKIKITA?
Mapapansing hindi man lang pinag-isipan kung ano talaga ang
mga katumbas na katawagan sa Filipino o Tagalog ang mga salitang gustong
baguhin, kaya ang ginagawa ng taga-media, ginagamit pa rin ang English kapag
nagri-report o nagsusulat sa Tagalog o Filipino. Para sa akin ay hindi yan
nakakatuwa.
Bakit kailangan pang baguhin ang mga katawagan na hindi na
kailangan pang baguhin?...para lang masabing may ginawang pagbabago?...
samantalang pwede namang MAG-ISIP NG BAGO NA.
Discussion