Ang Pulitika bilang Balakid o Harang sa Pag-usad o Pag-asenso ng Bansa
Posted on Saturday, 16 September 2017
ANG PULITIKA BILANG BALAKID O HARANG SA PAG-USAD O
PAG-ASENSO NG BANSA
NI Apolinario Villalobos
PULITIKA ANG PINAKAMALAKING BALAKID O OBSTACLE KAYA HINDI
MAKAUSAD TUNGO SA KAUNLARAN ANG PILIPINAS SA KABUUHAN NITO, DAHIL KASAMA SA
NAHAHARANGAN ANG MGA LALAWIGAN, LUNSOD, BAYAN AT BARANGAY.
MGA HALIMBAWA:
- PAGKATAPOS NG ELEKSIYON, KAHIT MAGAGANDA ANG PROYEKTO NG NATALONG BARANGAY CHAIRMAN, MAYOR, O GOVERNOR, IPAPASIRA ITO UPANG MAPALITAN NG BAGONG NAHALAL NA OPISYAL. PAPALITAN ANG KULAY SCHEME NG ADMINISTRATION AT GAGAWA NG BAGONG SLOGAN.
- NAKATATAK ANG SLOGAN NG LOCAL OFFICIAL PATI PICTURE SA MGA FORMS NG OPISINA KAYA KAPAG MAY NAUPONG BAGONG OPISYAL LAHAT NG MGA FORMS AY PAPALITAN….MALAKING GASTOS!
- ANG MGA NANALONG MAGKAKALABAN SA PULITIKA AY HINDI NAGTUTULUNGAN KAHIT PAREHONG KAGAWAD. HINDI LALAPIT ANG KALABANG KONTRA-PARTIDO NA MAYOR SA GOVERNOR O CONGRESSMAN.
- HINDI TUTULUNGAN SA BUDGET NG CONGRESSMAN ANG KONTRA-PARTIDONG MAYOR O GOVERNOR.
- HINDI MAKIKIPAGTULUNGAN ANG TAONG-BAYAN SA NAKAUPONG BARANGAY CHAIRMAN O MAYOR DAHIL KALABAN NILA SA PULITIKA.
- HINDI TUTULUNGAN NG BARANGAY CHAIRMAN, MAYOR O GOVERNOR ANG MGA CONSTITUENTS NA NABISTO NILANG HINDI BOMOTO SA KANILA.
- KAPAG TODO-TODO ANG KAMALASAN NG NANALONG OPISYAL, MGA BALA MULA SA BARIL NG MGA BAYARANG “RIDING-IN-TANDEM” ANG AABUTIN NILA!
Discussion