Si Jun Taladtad, walang mga paa, pero nagsisikap
Posted on Saturday, 9 September 2017
Ito si Jun Taladtad, 27 years old, nagtatrabaho sa barangay
San Pablo ng Tacurong bilang caretaker ng puwestong nagbebenta ng culled
chicken. Stay-in siya at ang tinutulugan niya ay ang maliit na kuwarto sa likod
ng puwesto. Mabait ang taong nagtiwala sa kanya…sana ang ibang employer ay
ganoon, hindi tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng taong iha-hire. Si Jun naman
ay masikap at masipag dahil sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagtatrabaho na
siya mula noong siya ay bata pa. Nang makausap ko siya isang umaga ay may
balahibo pa ng manok sa kanyang ulo, palatandaang sumuot siya sa ilalim ng mga
kulungan upang walisin ang mga dumi…may advantage ang kanyang height! Mabuhay
ka Jun!!!!
Discussion