Sa Isyu pa rin ng Bangsamoro Basic Law...hantad na ang kuwestiyon sa papel ng Malaysia
Posted on Sunday, 16 August 2015
Sa Isyu pa rin
Bangsamoro Basic Law
…hantad na ang
kuwestiyon sa papel ng Malaysia
Ni Apolinario Villalobos
Noon pa man ay nagtaka na ako kung bakit kinuha ng gobyerno
ang Malaysia bilang “third party” o mediator sa usaping BBL, ganoong
napakaliwanag ng mga sumusunod na dahilan kung bakit hindi dapat:
·
May pinagtatalunang kaso ang Pilipinas at
Malaysia tungkol sa pagmamay-ari ng Sabah, at tulad ng China gumamit din ng
ampaw na historical facts ang Malaysia. Tulad ng China, ayaw din ng Malaysia na
may mamagitang international court sa usapin.
·
Kalat sa internet ang sinabi ni Iqbal na ang
orihinal na biyahe dapat noon ni Ninoy Aquino ay papunta muna sa Malaysia kung
saan ay magkikita sila, hindi diretso sa Maynila kung saan siya ay pinatay.
Kung sa Malaysia siya nakarating, malamang na kinanlong siya ng Malaysian
government na galit kay Ferdinand Marcos na siyang may ideya ng pag-agaw sa
Sabah gamit ang mga recruits na sinanay sa Corregidor at kalaunan ay
na-massacre, at tinaguriang “Jabidah massacre”. Ang nagbulgar ng planong
pagbawi ng Pilipinas mula sa Malaysia ay si Ninoy Aquino na noon ay senador.
Ang pagbulgar na ito ang dahilan ng “Jabidah Massacre”. Kung hindi ito binulgar
ni Ninoy, malamang ay nabawi na ng Pilipinas ang Sabah.
·
Binulgar ni Nur Misuari ng MNLF na
sinusupurtahan sila ng Malaysia sa layunin nilang ihiwalay ang Mindanao sa
Pilipinas na hanggang ngayon ay adhikain nila. Kaya, personal akong nagulat
nang malaman kong ang orihinal na BBL ay tila patungo sa pagiging hiwalay na
estado. Kapag nagkaganoon ay madali na ring isama sa federation ng Malaysia ang
Mindanao kung sakali. Kung hindi man maisama ay maaaring mas malaki ang
magiging pakikipagtulungan ng hiwalay na Mindanao sa Malaysia dahil sa
magkaparehong kultura at relihiyon ng dalawa. Ang malaking isyu sa Mindanao ay
ang hindi matawarang likas na yaman nito na hindi pa “nailalabas”. Sa kabila ng
yamang ito, naghihirap pa rin ang mga Muslim sa Mindanao, na ginamit na
malaking dahilan upang magkaroon ng Bangsamoro. Lumalabas na napapabayaan ng
central government ng Pilipinas ang Mindanao.
Nang banggitin ko sa mga isinulat ko noon ang banta ng
Malaysia sa BBL, tahimik ang Senado at nagkaroon na ng seremonya sa pag-apruba
ng BBL “in principle”. Tahimik ang lahat, subalit dahil malapit na ang eleksiyon, nabanggit na
ito ni senador Marcos, lalo na ang tungkol sa Malaysia…. at marami na rin ang
nakikisawsaw!
Discussion