Ang Pagmamahal ng Ina sa Anak...para kay Miguel Kurt Padua
Posted on Friday, 21 August 2015
Ang Pagmamahal ng Ina
sa Anak
(para kay Miguel Kurt
Padua)
Ni Apolinario Villalobos
Mula sa sinapupunan niya nang ito ay sumibol
karugtong na ng kanyang buhay
ang anak na walang kamalay-malay
at sa marahang pagpintig ng puso nito
ramdam ng ina’y ligayang hindi matanto.
Nagmamahal nang walang pasubali, yan ang ina
na lahat ay gagawin para sa anak
nang ito’y lumigaya’t ‘di mapahamak
gumapang man at magtiis, o maghirap
matupad lang para sa anak, ang pangarap.
Ina lang ang kayang magtiis sa mabigat na pasakit
kakayanin ang lahat para sa anak
na sa mundo’y iniluwal na may galak
biyaya ng Diyos, sa kanya’y ipinagkaloob
kaya, pagmamahal niya’y taos, marubdob!
Discussion