0

Mabuhay ang IGLESIA POWER!...tanda kaya ito na maaaring magkaisa ang mga simbahan sa Pilipinas?

Posted on Friday, 28 August 2015

MABUHAY ang IGLESIA POWER!
…tanda kaya ito na maaaring magkaisa
ang mga simbahan sa Pilipinas?
Ni Apolinario Villalobos

Na-“ay mali!” si DOJ Secretary, de Lima nang nagpa-istaring dahil sa personal na paghawak sa kaso ng Iglesia ni Cristo (INC). Akala niya, dahil ang kinilingan niya ay ang sinasabing “original” faction, in the bag na ang suporta para sa kanya at Mar Roxas sa darating na eleksiyon. Hindi niya akalain ang resulta na pagdagsa ng mga supporter ng kasalukuyang nakaupo sa pamunuan ng INC. Ang tawag sa nangyari sa kanya ay “supalpal to the max”…sagad todong kahihiyan!

Bakit ba naman hindi maituturing na kahihiyan, eh malinaw naman talagang “selective justice” ang pinakita niya sa pag-aksiyon agad sa kaso, ganoong napakarami pang nakapila na mas mahalaga, lalo na ang SAF 44 Massacre at Maguindanao Massacre, pati ang dapat na isusunod pang kaso na may kinalaman sa pork barrel.

Sa ginagawa ng INC, pinapakita nito na pagdating sa pagkilos laban sa katiwalian, hindi rin sila napapag-iwananan. Noon kasi, ang EDSA People Power na ikinahihiya na ng maraming sumapi, ay pinangunahan ng mga kasapi sa simbahang Katoliko.

Maganda sana kung magsanib ang dalawang simbahan – Katoliko at INC upang labanan ang katiwalian sa gobyerno…lalong maganda kung sumama na rin ang grupo ng mga Muslim, at charismatic groups. Ang ganitong pagkilos ay pagpapakita ng tunay na kaisahan ng mga Pilipino sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya. Iisa lang naman ang nilalabanan nila kaya walang dahilan upang hindi sila magkaisa sa puntong ito.

Kung mangyayari ang inaasam na ito…maaari sigurong tawagin itong FILIPINO POWER na talaga!


Discussion

Leave a response