Ang Dahilan kung Bakit Pinagpapatay ang mga Kristiyano sa Japan noong Unang Panahon - tsismis!
Posted on Saturday, 1 August 2015
Ang Dahilan kung
bakit PInagpapatay
ang mga Kristiyano sa
Japan noong Unang Panahon – tsismis!
Ni Apolinario Villalobos
Noong panahon ng mga Kastila, ang mga misyonaryo nilang
dinala sa Pilipinas ay nakarating sa Japan. Maganda ang relasyon nga mga
Jesuits at Dominicans sa mga namumuno sa Japan, lalo pa at masigla din ang
pakikipagkalakalan ng mga Hapon sa mga galleon na dumadayo sa kanila. Hindi
pinapansin noon ang pagdami ng mga Kastila sa Japan, lalo na ng mga misyonaryo.
Subalit, minsan ay nagyabang ang isang piloto ng galleon na
San Felipe sa pagkuwento tungkol sa kung paanong lumawak ang mga nasasakupan ng
mga Kastila sabay pakita pa ng mapa. Ang paraan ng mga Kastila na pinagyabang
niya ay ang pagpapadala muna ng mga misyonaryo upang mang-convert ng mga tao. Kapag
dumami na ang mga converts ay saka darating ang mga sundalo, kaya walang
kahirap-hirap ang ginagawa nilang pananakop. Nakarating ang kwento sa mga lider
ng Japan na nabahala, lalo pa at napansin nila ang pagdami nga ng mga
misyonaryo sa kanilang bansa. May mga ordinaryong sibilyang Kastila rin pero
ang pagkaalam nila ay interasado lamang ang mga ito sa pangangalakal.
Ang sumunod na pangyayari ay ang pagpapalayas o pagpatay ng mga misyonaryong Kastila. Ang mga
Kristiyano naman ay pinagpapatay, at isa sa mga ito na naging santo, ay ang
Tsinoy na si San Lorenzo Ruiz.
Discussion