Showing posts with label facebook. Show all posts

0

ANG PEYSBUK (FACEBOOK)

Posted on Saturday, 23 June 2018


ANG PEYSBUK (FACEBOOK)
Ni Apolinario Villalobos

Nagsimula sa “friendster” ang ugnayan
Ilang dekada na ang nakaraan
Kinagat din naman at naging tanyag
Subalit hindi nagtagal, may iba nang “tumawag”.

Tawag ng ibang nabuong application ito
Madaling gamitin ng mga tao
Sa sandaling gamit, many ay nagulat
Sa buong mundo ay spectacular ang pagkalat.

Facebook sa English, Peysbuk sa Pinoy
Puno ng photos at mga “hoy”
Ito yong sinasabi, mga shoutout kuno
At, may mga messages din na puno ng siphayo.

Maraming tao, sa Peysbuk ay nai-ugnay
Relatives sa tunay na buhay
May mga magkakaibigang di nagkita
At sa Peysbuk, halos hindi sila makapaniwala!

Mayroon nagkikindatan, nagmumurahan
Iba’y naglalabas ng kalooban
Matagal na kanilang kinuyom sa puso
At nang mailabas, naging makulay ang mundo!

Sa Peysbuk ay maraming nagkikita, matindi!
Nagka-impresan sa mga ngiti
Na nakita sa kanilang posted na photos
At sa aybolan nila, makita sana ay di  “etchos”!

Mayroon pa ring nari-reyp dahil sa Peysbuk
Kung bakit kasi napakamapusok
Nakita lang photo na pogi, akala’y siya na
Ang nakipagkonek, gumamit ng photo ng iba!

Kaya sa Peysbuk dapat lahat tayo’y mag-ingat
Pag-isipang mabuti ang nararapat
Ang fb request, huwag i-okey nang basta
Dahil ang pagsisisi ay nangyayari kapag huli na!





0

The Writer

Posted on Wednesday, 22 February 2017

The Writer
By Apolinario Villalobos

A true writer should be sensitive to the feelings of others, be they read as expressly written or viewed as shown through actuations. He should be able to develop any form of literary expression out of spoken words or written “bullet statements”. With facebook as an example, an adept writer should be able to develop a poem out of the comments on a certain posted photo. Comments about the photo are the “thoughts” of the facebook owner who posted it and a poem that is developed out of them by a writer should be rightly attributed to him….the writer being just the “editor”.

The writer should not constrain himself from writing the name of the source of the thoughts in the byline of a literary expression, be it a poem or an essay. Many people are frustrated writers and poets. They have thoughts that float in their mind, but they just do not know how to capture them. They may enumerate the words down but they do not know which to put ahead of the rest, which of them to comprise the content, and which word to end their presentation. This is where the writer-friend comes in….lend a hand….put substance to the words or discerned thoughts that are not yet expressed but are expected, as feelings are universal and interpretations vary only according to situation, but words are the same.


Some people show signs of literary talent but are shy to let them out. Their latent talent is discerned through the kind of words that they use in making comments on facebook posts or in the way they use them. These are the people who should be given utmost understanding. In the end, if the effort has made somebody happy, exert more of it….help many more shy people. This is what a “writer” should do…encourage others to express themselves.

0

Ang Mga Pino-post sa Facebook

Posted on Saturday, 28 January 2017

Ang Mga Pino-post sa Facebook
Ni Apolinario Villalobos

Hanggang ngayon ay may nag-aakalang may bayad ang pag-post ng mga larawan sa facebook, na isang maling akala. May mga tao ring nangungutya ng mga nagpi-facebook na ang pino-post ay mga larawang nagpapakita ng kasiyahan – mga kuha sa bertdey kaya maraming pagkain, o di kaya ay nang nakaraang pasko kaya may Christmas tree at mga regalo, nag-eemote na pakenkoy ang posing kaya masaya ang dating, at marami pang iba. Dapat unawain ng mga nangungutya na hindi dapat pinakikialaman ng kung sino man ang pino-post ng may-ari sa facebook niya.

May nabasa pa akong comment na, “ang hilig  magpo-posing suot magagandang damit pero hindi naman nagbabayad ng utang”. Para sa akin, kung ang inutangan ay ang nag-comment, hindi niya dapat hiyain ang may-ari ng facebook sa mga viewers na kapwa nila friends. Dahil sa ginawa niya, lumalabas ang kagunggungan niya, dahil dapat ay kinukulit niya ng singil at kung away magbayad ay ipa-barangay niya. Bakit hindi niya sugurin at singilin?...kaladkarin pa niya sa labas ng bahay at sabunutan sa gitna ng kalye kung ayaw magbayad. Ang commentor ay nagpapakita ng ugaling manlilibak….okey kapag kaharap ang kaibigan pero nililibak ito pagtalikod niya dahil siguro sa inggit!

May mga taong inaakala ng ibang naghihirap kaya ang inaasahan sa kanila ng mga nakakakilala  ay wala na silang karapatang mag-post ng mga photos na naglalarawan ng masaya nilang mukha at ang suot ay magagandang damit, may make-up at abot-tenga ang ngiti. Ang gusto ng mga nakakakilala sa mga taong inaakala nilang naghihirap kaya tumatanggap ng tulong mula sa iba ay malungkot ang mukha ng mga ito sa larawan upang ipakita na sila ay naghihirap. Libre ang pag-post ng mga larawan sa facebook kaya walang dapat makialam basta ang i-post ay huwag lang panawagan sa paghasik ng terorismo!

Karapatan ng may-ari ng facebook ang pagpili kung ano ang gusto niyang i-post. Sa mga naging biyuda pero bata pa o di kaya ay mga naghahanap ng asawa, facebook ang pinakamadaling paraan para sa mga nabanggit na pangangailangan. Ang problema nga lang ay inaabuso ng mga utak-kriminal tulad ng mga magnanakaw at rapist. Ang mga kawatan ay nagmamatyag sa mga inilagagay ng mayayabang sa facebook nila tulad ng “balita” na sila ay magbabakasyon sa malalayong lugar na tulad lang nilang mayaman ang may “karapatang” gumawa, o di kaya ay mga larawan ng interior ng bahay, ari-arian tulad ng alahas at kotse….pati address!


Ang mga manyakis naman na kalimitan ay may porma-  guwapo at matikas kung manamit na nakikita sa mga larawan sa facebook niya, ay nakikipagkaibigan sa mga babae, bata man o matanda na “matakaw” sa kaibigan. Ang mga naguguyo ng manyakis ay iniimbita sa isang “eyeball to eyeball” o pagkikita, halimbawa, sa mall. Ang susunod na kuwento dahil may halong krimen ang layunin ng pagkikita ay paggahasa sa babaeng may kabataan pa o pagnanakaw sa matandang babaeng nag-akalang may asim pa siya!

0

Huwag Magpa-impress sa Pamamagitan ng Facebook

Posted on Wednesday, 4 May 2016

Huwag Magpa-Impress
sa Pamamagitan ng Facebook
Ni Apolinario Villalobos

Malimit nakakabasa tayo ng mga balita tungkol sa mga tin-edyer na babaeng ginahasa. Ang matindi, bukod sa pinagnakawan na ay pinatay pa pagkatapos makipagkita o makipag-eyeball sa bagong kaibigan na sa facebook lang nakilala. Makikita ang larawan ng mga tin-edyer na maganda at sa pananamit ay halatang galing sa may sinasabing pamilya. Ang iba ay nakasuot pa ng uniporme ng kanilang eskwelahan. Sa ganitong mga pagkakataon, kalimitan ay ang kapusukan ng mga kabataan ang masisisi, at dahil ang gusto ay “adventure”, hindi nila pinapaalam sa mga  magulang ang kanilang mga ginagawa. Magtataka na lang ang mga magulang sa hindi pag-uwi ng kanilang anak ng kung ilang araw na at ang masakit ay makikita na lang nila ang larawan ng kanilang ginahasang anak sa diyaryo.

May mga tin-edyer at ilang nasa tamang gulang na ring mga babae ang sobrang bilib sa kanilang “kagandahan” kaya kung anu-anong selfie posing ang nilalagay sa facebook nila, dahil feeling cute nga sila, kaya inaasahang maraming magla-like at ang iba ay magpapadala pa ng “friend request”. Ang hindi nila naunawaan ay nagpapahiwatig ang mga nilalagay nilang larawan ng motibo na “game” sila dahil ang dating nila sa mga larawan ay animo nang-aakit. Ang masakit ay ang mga mga “comments” ng mga friends nila na “nice try”, o di kaya ay “take it easy”, etc., kaya sa bandang huli ay sama lang ng loob ang nakukuha nila hanggang kung minsan ay nagreresulta pa sa away. 

Kung para sa mga nabanggit, ang mga “naughty” na posing nila ay katuwaan lang at para sana sa mga kaibigan, iba naman ang pagkakabasa ng ibang browsers na hindi “friends” at  may masamang layunin na pagsa- “shopping” ng mga mabibiktima. Karamihan ng mga kriminal na ito ay mga lalaking masasabing mapoporma dahil kita naman sa mga larawan nila sa facebook. Malimit nilang gawin ang pagbukas ng kung ilang facebook account at nilalagyan ng mga larawan nilang iba-iba ang ayos ng mukha at pananamit upang hindi agad makilala sa biglang tingin. At, kapag may makitang mabibiktima ay saka magri-request ng friend, na susundan na ng ligawan kahit hindi pa personal na nagkita.

Ang iba namang gustong magyabang ng kanilang karangyaan upang inggitin ang mga kaibigan ay nagpo-post ng mga larawan ng kanilang bahay mula sa gate, garden, swimming pool kung meron, loob ng kanilang bahay, alagang mga hayop, pati collection nila ng mga alahas, damit, sapatos, bag, at iba pang mga gamit. Tanggap kasi ang katotohanan, batay sa mga survey, na marami ang nagpi-facebook upang magyabang o mang-inngit lang, at ang iba naman ay upang makaganti sa mga dating nang-api sa kanila noong sila ay mahirap pa at sa maliit na kuwarto lang nakatira.

Kung magbabakasyon naman ang mga nabanggit na nagyayabang ay kontodo post pa ng airline ticket at passport para masabing nagsasabi sila ng totoo. Sinasabi din nila kung gaano sila katagal mawawala, dahil para sa kanila, mas mahabang bakasyon, mas malaking gastos, kaya mas lalong nakakabilib ang yaman nila. Dahil sa ugaling yan, may lumalabas na mga balita tungkol sa mga bahay na nalimas ang laman nang ang buong pamilya ay nagbakasyon!

Pero kung minsan, ang kayabangan ng ilang gumagawa ng masama ang nagkakanulo sa kanila dahil sa mga post nila sa facebook. Ang isang pangyayari ay nang i-post ng isang babaeng taga-Norte ang daliring may singsing at brasong may pulseras. Ninakaw pala niya yon sa kanyang dating amo na kanyang nilayasan agad makalipas ang ilang buwan. Dahil alam ng amo na may facebook ang dating kasambahay, ang ginawa niya ay minanmanan ang facebook nito hanggang sa nai-post nga ang ninakaw na mga alahas kaya nagkaroon na siya ng batayan upang habulin ito sa probinsiya nila upang mahuli.

Ang dalawang magkaibigan namang “riding in tandem” ang istilo sa panghoholdap ay nahuli din dahil sa post nila sa facebook. Sa kuwento ng ninakawang bagong uwing seafarer, naglilinis daw siya sa labas ng kanilang gate nang dumating ang dalawang nakasakay sa motorsiklo, walang takip sa mukha ang isa at palihim na tinutukan siya ng baril habang itinutulak papasok sa bahay nila. Minamanmanan na pala ang seafarer ng kung ilang araw dahil halos araw-araw itong nagpapainom ng mga kaibigan sa bakuran nila. May kontak pala ang mga kawatang “riding in tandem” sa lugar ng biktima at nabistong may pera dahil sa halos araw-araw na pagpapainom ng mga kaibigan. Natangay ang seaman’s book ng seafarer, mga dolyar na pang-deposito sana sa bangko, bagong palit na peso, mga alahas, mga cellphone pati ng sa kasambahay nila, at dalawang laptop na isinilid sa backpack na ninakaw din.

Kaswal lang na lumabas ng gate ang dalawang magnanakaw at sa malakas na boses ay nagpaalam pa kunwari upang marinig ng mga kapitbahay. Ang mga tao naman sa bahay na pinagnakawan ay nakagapos at may mga takip sa bibig. Makalipas ang ilang araw, sa kaba-browse ng biktimang seafarer sa facebook upang maghanap ng kaibigan, may napansin siyang larawan sa isang facebook at nang busisiin niya ay napansin niyang kamukha ito ng holdaper na walang takip sa mukha. Nakita rin ng biktima ang diver’s watch niya na suot naman ng isa. Nagyayabang ang nag-post sa pagsabing nasa isang  beach resort sila sa Zambales at nagsi-celebrate. Agad  humingi ng tulong sa pulis ang biktima at hinanap ang beach resort sa Zambales na binanggit ng mga kawatan sa facebook. Ang masakit ay “ facebook friend” pa pala ng biktima ang “pointer” o “contact” ng dalawang kawatan, at nakatira ilang kanto lang mula sa kanilang bahay, kaya pati ito ay hinuli rin.



0

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media

Posted on Thursday, 17 March 2016

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media
By Apolinario Villalobos

Hackers can pick up personal information from ATM receipt and airline boarding pass. There is a gadget today that can be used to scan them for personal information of the identification owner. The best thing to do then is shred into pieces the used airline boarding pass and ATM receipt. Do not throw used boarding pass ATM receipt in trash cans or just anywhere in their intact form.

Restrain yourself from posting revealing personal information in your facebook to impress viewers. Do not use this social media as a diary. The most no-no is posting the interior of your lavishly furnished homes, again, to impress friends. Some even go to the extent of posting jewelries as if telling viewers to eat their heart out in envy, while others announce to the world that they will be out-of-town to enjoy weeks-long vacation.

Hackers can pick up passwords and usernames in free wi-fi sites, so that it is advised that upon reaching home, the passwords that were used in free wi-fi sites should be changed immediately. Some hackers frequent free wi-fi areas such as malls, airports, parks, hotel lobbies, and others to fish for easily hacked passwords.

Delete the history in the computer used in internet cafes. Hackers can retrace the route taken by browsers who forgot to delete the sites and pages that they opened and explored. The sites opened by the browser can betray his or her personality that hackers can use in invading his or her privacy. This should also be done when using personal computers such as laptop or desktop as they might be used by “friends” with unpleasant intention.


It is sad to note that the high-technology that brought about comfort and unquestionably helpful social media also brought with it a curse of destruction to the careless. The best protection that we can give ourselves is a reminder not to be too trusting.

0

Mag-ingat sa Email at Facebook Scams

Posted on Tuesday, 15 March 2016

Mag-ingat sa Email at Facebook Scams
Ni Apolinario Villalobos

Huwag basta buksan ang email na natanggap kahit may pangalan ng kaibigan, lalo na kung walang inaasahang ganito mula sa kanya. Nakakaduda ang email kung walang subject man lang na dapat ay familiar sa magkakaibigan. Nananakaw na kasi ang mga email password at ginagamit ito ng mga hacker sa masamang paraan. Ang kadalasang mensahe sa email ay nangangailangan daw ang nagpadalang “kaibigan” ng pera dahil “stranded” sa isang bayan o bansa kaya kailangang padalhan agad ng dollar sa pamamagitan ng Western Union.

Ang isa pang klaseng scam sa email ay yaong may pangalang hindi kilala ng pinadalhan, at karaniwang subject ay “Hi”. Ang nilalaman ng mensahe ay paghingi naman ng tulong dahil daw pinamanahan ang nagpadala ng email ng malaking halagang pera, pero dahil baka maubos lang daw sa tax na ipapataw ng kanilang bansa, kailangan daw ideposito ang pera sa ibang bansa upang makaiwas kaya kailangang magbukas ang pinadalhan ng email ng dollar account, pero may laman na at least ay $5k man lang. Mababawi naman daw ang dinepositong pera at may 20% pang regalo mula sa perang ideneposito pagdating sa Pilipinas ng nakipagkaibigan. At ang pinadalhan ng request ay pwede ring sumama sa hinayupak na scammer sa pagbalik nito sa kanilang bansa o sa mga babakasyunan-grandeng bansa sa Europe.  Kapag kinagat ito, goodbye ka na sa $5k mo!

Ang isa pa ay nanggagaling naman sa isang “estudyante” daw, taga-ibang bansa pa rin, at pinagmamalupitan daw ng magulang kaya lumayas at nakikitira lang sa isang kaibigan. Matataas daw ang mga grado niya at sayang kung titigil kaya kailangan ng perang pang-tuition. Ang isa pang style ng mensahe ay nakikitira naman daw ang “estudyanteng” nagpadala ng email sa isang kumbento at gusto niyang magtrabaho na lang o maging working student kaya kailangan niya ng perang pang-upa sa boarding house para sa limang buwan man lang at pambili ng pagkain sa loob din ng panahong nabanggit.

Dalawang beses akong napadalhan ng mga email na nabanggit ko, pero dini-delete ko agad. Ang isa naman ay pumasok naman sa message ng facebook ko at ang nakita kong larawan ng nagpadala ay sa isang matandang foreigner. Ang message ay “how are you?”. Nang i-check ko ang facebook niya ay walang laman as in talagang wala kahit na personal info man lang! Hindi ko siya kilala kaya hindi ko pinansin. Nagsawa din yata sa pagmi-message kaya tumigil na.  Naisip ko na kung viewer ko siya, at seryosong gumagamit ng social media, dapat ay may laman ang facebook niya.  Hindi rin dapat sa facebook ko siya nagpadala ng message kundi nag-comment sa ibang sites na nilalagyan ko ng blogs na dapat ay nabasa niya, dahil ang mga sites na ito ang karaniwang nababasa ng viewers sa ibang bansa.

Kamakailan lang, ang pinakamalaking scam na idinaan sa cyberspace ay ang pumutok na balita tungkol sa na-hack na bank account ng Bangladesh  at ang perang nakuha ay inilagak sa ilang kilalang bangko sa Pilipinas. Bilyong dolyar ang nanakaw na pera at muntik nang makalusot kung walang nangyaring pagkakamali sa isang transaction.
Bilang payo……huwag matakaw sa pagnanasa ng maraming kaibigan sa facebook at maging gahaman sa pera upang makaiwas sa kapahamakan…



0

Ang Pagpapalaganap ng Pananalig o Pananampalataya (tungkol ito sa "chain prayer" at iba pa)

Posted on Tuesday, 1 March 2016

Ang Pagpapalaganap ng Pananalig o Pananampalataya
(tungkol ito sa “chain prayer” at iba pa)
Ni Apolinario Villalobos

Maraming paraan ang maaaring gamitin sa pagpalaganap ng pananalig o pananamapalataya sa Diyos. Subali’t magandang gawin ito sa paraang walang karahasan o pamimilit.

Ang isang halimbawa ay ang ginagawa ng ISIS sa Gitnang Silangan na gumagamit ng dahas upang maisakatuparan ang hangad nilang mapalawak ang pamumuno ng “Islamic Caliphate”. Inabuso din nila ang tunay na kahulugan ng “jihad” na ginamit nilang pangbalatkayo sa pulitikal nilang layunin.

Ang iba naman ay gumagamit ng “literal” na kahulugan ng mga sinasabi sa Bibliya upang ipakita na malawak na ang narating sa kababasa ng nasabing libro. Hindi man lang nila naisip na ang Bibliya ay may iba’t-ibang bersiyon na ginagamit ng iba’t- iba ring relihiyon. Ang matindi pa nga ay ang sinadyang pagkaltas ng ibang bahagi ng nasabing libro upang umangkop sa layunin ng mga namumuno ng relihiyon.

May mga taong sumasampa sa mga bus at jeep o di kaya ay nagtitiyagang magsalita sa matataong lugar tulad ng palengke. Ang iba naman ay naghahanap ng makikinig sa kanila kaya umiistambay sa mga mall at liwasan o park tulad ng Luneta. Karamihan sa kanila ay nag-resign sa trabaho upang bigyan ng halaga ang “nararamdaman” daw nilang utos sa kanila ng Diyos, kaya ang resulta….pagtigil ng pag-aaral ng mga anak, at kagutuman ng pamilya. Ang mga nasa palengke naman ay matiyaga din, at kadalasan ay grupo sila – habang ang isa ay nagsasalita o kumakanta sa harap ng mikropono, ang mga kasama naman niya ay nakakalat hanggang sa paligid ng palengke na hindi na abot ng loud speaker, lumalapit sa mga tao habang may hawak na lagayan ng “donation”.

Noong wala pa ang computer, ang tawag sa daluyan ng teknolohiyang hatid ng radyo at telebisyon ay “air wave”. Ngayon naman ay may mas malawak na daluyang kung tawagin ay “cyberspace”. Kung noon ay may “air time” na binabayan ang mga maperang pastor na kung tawagin naman ay “block timer” upang magpalaganap ng mga salita ng Diyos ayon sa kanilang paniniwala, ngayon ang napakasimpleng gagawin lang ng isang tao ay magbukas ng facebook account, at presto!...mayroon na siyang venue, o outlet, o labasan ng kanyang mga saloobin.

Ang “facebook” naman ay para lang sana sa mga larawan ng mga magkaibigan upang maipakita nila ang  aktwal nilang hitsura o mga ginagawa lalo na ng pamilya, na maaring samahan ng maikling bagbati. Subalit dahil nakita ang lawak ng inaabot ng facebook, naisip ng mga may malakas na pananampalataya na magpalaganap ng kanilang paniniwala sa pamamagitan ng paglagay sa “frame” ng mga dasal na ginamit sa “chain” o tanikala upang marami ang marating na kaibigan. Ang nakasama ay ang “babala” o warning na kung hindi ipagpapatuloy ng nakatanggap ay may mangyayaring sakuna o kamalasan sa kanyang buhay. Ang mga may mahinang pundasyon ng pananalig ay natataranta at natatakot dahil kung minsan ang natatanggap nila ay may warning na  “dapat ay sa 50 na kaibigan” ipaabot. Kaya ang mga kawawang nakatanggap na ang kaibigan sa facebook ay wala pa ngang 10 ay  hindi na magkandaugaga sa paghanap ng iba pang tao kahit hindi gaanong kilala upang umabot lang 50 ang kanyang padadalhan! Ang iba ay hindi makatulog dahil dapat daw ay ikalat ang dasal sa loob ng 24 na oras!

Sa isang banda, hindi dapat ipinipilit ang pagyakap sa isang paniniwala na mula’t sapul ay ayaw ng isang tao. Hindi dapat idaan sa “chain prayer” ang pagpapalaganap ng pananalig sa Diyos, kung mismong ang nagpadala ay hindi rin gumagawa ng dapat gawin ayon sa dasal na ikinakalat niya. Paano kung ang pinadalhan ay bistado ang ugaling masama ng nagpadala? Alalahaning hindi nakokontrol ang ganitong uri ng pamamahagi o sharing at hindi maiwasang magkakabistuhan ng ugaling “plastic”. Ang mangyayari niyan, baka libakin pa ang nagpada ng “chain prayer”, ng mga pinadalhan niya dahil sa kanyang pagkukunwari. Yan ang dapat pag-ingatan sa paggamit ng “social media” tulad ng facebook.

At, ang pinakamahalaga….dapat alalahaning, mas malakas ang internet sa “itaas”….iba ang gusto ni Lord na mangyari, ang ipakita sa gawa at kilos ang mga Salita Niya, hindi ipakalat sa facebook na may kasamang pananakot….dahil marami nang taong pagod sa mismong pananakot ng ibang relihiyon na ang gagawa ng masama ay “mahuhulog sa nag-aapoy na impyerno”!


0

The Serious Netizens...who are they?

Posted on Thursday, 13 August 2015

The Serious Netizens
…who are they?
By Apolinario Villalobos

Civilization has given us the high technology, thanks to the geniuses who toiled many 24/7 days of their life in order to develop bundles of convenience and comfort. And, the cyberspace is the centerfold of such effort. Today, not only texts and designs can be printed but some approved medicines, as well. Actual operations on patients in operating rooms thousands of miles away can be made via visual instructions. Interplanetary explorations are today made with ease, unlike before when taking an accurate photo of the moon’s cratered surface was a complex thing to do.

The emergence of high-technology has also developed a new generation of humanity – the “netizens”. These are the patient people who made the quick spread of knowledge possible. When before, one has to run to the library to check on something or pore over pages of encyclopedia at home, today, all that one need to do is tap the keys of his laptop, desk computer or smart phone, anywhere, anytime.

One can “travel” to other places by just browsing through the posts of travel bloggers, or check the posts of foodie bloggers to have an idea on what those in African continent and Mediterranean islands eat most of the time, or be updated on how to improve his health by going over the pages of posts on health and medicine.

The serious netizens are those who share what they know because they want to help humanity. They are also those who are hungry for the information that are archived in the webs of the cyberspace. They do not abuse the technology by bashing others through the facebook or post blogs that can foment misunderstanding, as well as, incite trouble.

The serious netizens are the unselfish ones who cause the viral spread of information about people, animal and places in distress. They offer help in any form – counsel, money or prayers to helpless strangers whose face they saw only on posted blogs. They are the new citizens of the world whose effort in helping others knows no boundary, and whose heart’s warmth penetrates even the deepest corners of any jungle all over the world.


You, who are viewing this, belong to this new generation! Congratulations!

0

Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook

Posted on Sunday, 5 July 2015



Isang Pagbusisi sa Mundo ng Facebook
Ni Apolinario Villalobos

Ngayon, ang facebook na yata ang pinakatanyag na bahagi ng internet dahil marami na ang nakapagpatunay na talagang malaking tulong ito sa buhay ng tao.  Malamang na ang orihinal nitong gamit ay para lamang sa mga retrato, kaya dapat ay naka-frame ang mga ipo-post sa facebook, upang magmukha itong “photo album” , kaya nga “facebook” o “aklat ng mukha”. Dahil dito ay nagdalawang- isip ako noon sa paglagay ng mga ginawa kong sanaysay at tula. At, kung kailangan ko talagang maglagay, dapat ay i-frame ko rin sila. Sa payak kong kaisipan, pwede nga siguro, pero kailangan kong tadtarin at ilagay sa kung ilang frame dahil kung ang isang sanaysay ay mahaba, iisang buong page na ng facebook ang siguradong masasakop nito….at sigurado ding isusumpa ako ng nangangasiwa dahil sa pang-aabuso!

Maaaring magkaroon ng ilang “katauhan” gamit ang ilan ding facebook dahil hindi naman alam ng nangangasiwa kung sino talaga ang may-ari ng mga ito. Dahil sa nabanggit, dapat lang na bago mag-confirm ng “friend request” ay kailangang tsekin ang mga detalye sa facebook ng nagpadala. Ang siste lang, marami ang gumagawa ng facebook na ang tanging laman ay pangalan at hindi pa sigurado kung totoo. Lalo na ngayong panahon ng batikusan sa larangan ng pulitika na nagbigay- buhay sa maraming grupo na ang layunin ay mambatikos ng mga pulitiko. Kung papansinin, ang facebook ng ibang nambabatikos ay walang lamang detalye kundi nakakadudang pangalan. Okey lang sana kung makabuluhan ang mga pagbatikos, subali’t ang iba ay halata namang hindi pinag-isipan, kaya ang labas ng mga gumawa ay ang tinatawag sa social media na “bashers”. Sila ang mga mahilig lang mangantiyaw at makisakay sa mga isyu.

Ang problema sa kaso ng “bashing” ay mahirap i-trace kung sino ang mga kaibigan ng “bashers” at kung kaninong facebook sila nakakabit kaya nagawa nilang pumasok sa “loop” o samahan ng mga dapat sana ay magkakakilala. Problema din dito kung naka-“public” ang isang facebook kaya napapasok ng kahit sino.

Mayroon ring nanlilito ng mga viewers. Ito yong parang may iniiwasan. Ang payo ko lang, kapag dating kaibigan ang gumagawa nito at obvious na talagang namimili lang siya ng makakadaupang-palad sa facebook, huwang nang magpumilit na mag-reach out sa kanya. Pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan dahil baka nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa piling ng mga dating ka-fb, kaya dinelet niya ang dati at nagbukas ng bago, at pati katauhan niya para sa mundo ng internet ay binago na rin.

Hindi rin pala tinatanggal ng nangangasiwa ng facebook ang mga namamayapa na, kaya tuloy pa rin ang pagsulpot ng mga pangalan nila sa listahan ng mga suggested friends. Nagkakaroon tuloy ng tampo ang ibang palaging nagpapadala ng friend request na hindi naman daw inaaksiyunan, hanggang sa may magsabing patay na pala ang taong gusto nilang maka-friend!...nagsisi tuloy sila dahil sa pagtampo sa taong matagal na palang patay! …kaya nagkaroon pa ng obligasyon na taimtim na pagdasal upang humingi ng sorry sa namayapa!

Marami ring kuwentong “pagkikita” sa facebook pagkalipas ng kung ilang taon. May mga kabataan namang sa facebook naging magkaibigan, hanggang sa magligawan, na kung minsan ay nauuwi sa lokohan kaya may mga kaso ng panggagahasa. Mayroon ding kaso ng lokohan sa pera na idinaan sa pakikipagkaibigan sa facebook. Pero may mga sinusuwerte ding nakakita ng matinong asawa sa facebook.

Upang makaiwas sa kapahamakan, dapat na lang isaalang-alang ang lubusang pag-ingat sa paggamit ng facebook. At, huwag din abusuhin ang magandang layunin nito para lang makapangantiyaw ng kapwa upang hindi magantihan. Palaging alalahanin na hindi man tayo nakikita ng ating kapwa sa ating ginagawa, hindi bulag ang nasa itaas na 24/7 nakabantay sa atin…