Ang Kagarapalan ng Ahensiya ng Edukasyon
Posted on Wednesday, 7 December 2016
ANG KAGARAPALAN NG AHENSIYA PANG-EDUKASYON
Ni Apolinario Villalobos
Dahil sa kagustuhang makasipsip kay Duterte
ay naisipan na rin ng ahensiyang pang-edukasyon na mamigay ng condom sa mga
estudyante. Para ano?...para ma-encourage sila na mag-sex dahil feeling na safe
sila? Kasabwat yata nila ang mga short-time lodges at motels sa ideyang ito.
Kung ganito ang takbo ng isip ng namumuno ng ahensiyang dapat ay nagbibigay ng
tamang gabay sa mga kabataan, wala talaga silang maaasahang maaliwalas na kinabukasan.
Kung malilibog ang matatandang ito , huwag nilang idamay ang mga kabataang
estudyante!
Napakaraming importanteng isyu ang dapat na
asikasuhin ng ahensiya, lalo na ang taunang pagtaas ng tuition at patuloy pa
ring paglimbag ng mga librong workbook ang format sa halip na textbook, kaya
hindi na magamit pagkatapos ng isang taon. Ang pinakahuling sistema ang dahilan
kung bakit napakaraming mga titser ang halos walang pakinabang dahil inaasahan
na lang ang pagsagot ng mga estudyante sa mga tanong sa workbooks…ni walang
balitaktakan dahil inasahan lang din ang isa-submit na kinopyang assignment
mula sa internet….buong-buo dahil ini-copy/paste.
Noon pa man ay marami na ang nagsasabi na
ang ahensiyang ito ay tahimik lang pagdating sa kurakutan. Dahil sa pakikipagsabwatan
ng ilang mga opisyal nila sa mga negosyante ay nagsulputan ang mga
“fly-by-night” publishers ng mga workbook na napakaraming mali pero
pinapalampas, at dahil walang nakukulong, hindi natatakot ang mga publishers
kahit paulit-ulit silang magkamali. Napakalaki ang kita sa mga libro dahil
hindi bababa sa 500pesos ang bawat isa. Dahil diyan ang nasa prep school pa
lang na bata ay napipilitang gumagamit ng set ng mga libro na ang halaga ay
hanggang 5thousand pesos o higit pa. Walang magawa ang mga magulang dahil
nagsisilbi ding “test papers” ang mga workbooks na may mga question na dapat
sagutin sa huling bahagi ng bawat chapter. Pagkatapos ng isang taong gamit ay
ibebenta lang ang workbooks sa junkshop sa halagang wala pang 20pesos batay sa
bigat ng mga ito sa timbangan. Dahil sa raket na yan ay marami ang yumamang
nagbukas ng mga kinder/prep schools.
Malakas ang loob sa paggawa ng
ka-demonyohan ang ahensiyang ito ganoong hindi nga nila mapabigkas ng tama sa mga
titser mismo ang letrang “R”…. silang proud pa sa pagpa-impress dahil “Americanized”
ang accent sa pagsalita ng Pilipino. Ang salitang “condom” ay hindi nga
mabigkas-bigkas ng mag-asawa sa harap ng mga anak maski nasa hustong gulang na
ang mga ito, pero ang mga inakalang pantas ay animo nilukuban ng demonyo sa
pagpanukala ng pamimigay din ng condom dahil adbokasiya ng presidente Duterte
ang family planning….talagang mga sipsip!
Wala na…..talagang wasak na wasak na ang
sistema ng edukasyon ng Pilipinas, kaya kawawa ang kasalukuyang henerasyon ng mga
estudyante at mga susunod pa. Mukhang may MALAKING dahilan kung bakit
kapit-tuko ang mga opisyal sa puwesto sa ahensiyang ito.
Discussion