0

Mga Tanong Tungkol sa mga Pangyayari sa Buhay ng Tao at Droga

Posted on Monday, 19 December 2016

MGA TANONG TUNGKOL SA MGA PANGYAYARI
SA BUHAY NG TAO AT DROGA
Ni Apolinario Villalobos

·        Kung mangati ang balat natin, hindi ba kinakamot ang bahaging nangangati, dahil ito ang unang nararamdaman bago tayo pumunta sa derma doctor upang magpasuri?

·        Kung nagkaroon tayo ng sugat na maliit, hindi ba tinatapalan ng “band aid” o pinapatakan ng gamot upang maampat muna ang pagdugo, at saka magpa-ineksiyon kung kailangan?

·        Kung sumakit ang gilagid dahil sa ngiping may butas, hindi ba umiinom muna ng pain killer upang mawala ang pamamaga ng gilagid at pananakit bago tayo pumunta sa dentista para ipabunot ang sirang ngipin?

·        Kung nagagalit ang mga magulang sa maliliit pang mga anak na ayaw pasaway, hindi ba pinapalo muna sila bago pinapaliwanagan ng dahilan?

·        Hindi ba kung may sunog, pinapatay muna ang apoy na tumutupok sa bahay, bago iniimbistigahan ang dahilan ng sunog?

·        HINDI BA ANG DROGANG NAKASIRA SA BUHAY NG MGA KABATAAN AY DIREKTANG GALING SA MGA DRUG PUSHER?...NA  IBIG SABIHIN, ANG MGA DRUG PUSHER ANG MGA DIREKTANG SUMISIRA NG LIPUNAN?

KUNG ANG SAGOT AY OO, BAKIT MARAMI ANG NAGAGALIT KUNG MAY MGA DRUG PUSHER NA NAPAPATAY, GANOONG SILA ANG DIREKTANG DAHILAN KUNG BAKIT KUMALAT ANG DROGA? BAKIT HINDI SILA “KAMUTIN” UPANG MATANGGAL AGAD ANG “PANGANGATING” DULOT NILA SA LIPUNAN, NA TALAGA NAMANG SUSUNDAN NG TULUYANG “PAGGAMOT SA SAKIT SA PAMAMAGITAN NG PAGLIPOL NG MGA SUPPLIER AT DRUG LORDS?”

KILALA ANG MGA DRUG PUSHER NA DIREKTANG DAHILAN NG PAGKASIRA NG MGA KOMUNIDAD, BAKIT SILA HAHAYAANG PAKALAT-KALAT LANG NA PARA PANG NAGYAYABANG?

MAY MGA DRUG PUSHER NA HINDI NAMAN ADDICT AT TALAGANG PERA LANG ANG HABOL AT ALAM NILANG MASAMA ANG KANILANG GINAGAWA NA MAY KARAMPATANG PARUSA KUNG SILA AY MAHUHULI. YAN AY DAHIL MAY TALINO SILA AT HINDI NAMAN MGA BALIW NA WALANG KATINUAN ANG PAG-IISIP. DAHIL ALAM NG MGA SALOT NA ITO NG LIPUNAN ANG KANILANG GINAGAWA, BAKIT SILA KAAAWAAN? BAKIT HINDI IBIGAY ANG AWA SA KANILANG MGA BIKTIMA?

Ang ISANG drug pusher ay NAKAKAPAMINSALA NG DAAN-DAANG KABATAANG ESTUDYANTE MAN O HINDI, AT DAAN-DAAN DING PAMILYA. Kung ikumpara ang mga numero, alin ang mas malaki? At dahil hindi lang isa ang drug pusher sa buong bansa, hindi ba nakakabahala ang milyon-milyong buhay na sinisira nila?



Discussion

Leave a response