0

Dapat nang Tanggalin si Aguirre bilang Kalihim ng DOJ

Posted on Monday, 5 December 2016

DAPAT NANG TANGGALIN SI AGUIRRE BILANG KALIHIM NG DOJ
Ni Apolinario Villalobos

KUNG SERYOSO ANG DEPARTMENT OF JUSTICE NA PATANGGALAN NG LISENSIYA SI DE LIMA DAPAT AY GAWIN NA AGAD DAHIL MATIBAY NAMAN ANG EBIDENSIYA LABAN SA KANYA SA KASONG IMORALIDAD. DAPAT AY PASUNDAN ITO NG PAGTANGGAL SA KANYA SA SENADO SA KAPAREHONG KASO. IPAHULI NA LANG ANG KASO TUNGKOL SA KONEKSIYON NIYA SA ILEGAL NA DROGA DAHIL SA MGA NAKAKALITONG TESTIMONYA, AT MALINAW NAMAN NA IBA ANG NASASAKLAW NITO.

KUNG HINDI AGAD MAGHAHAIN NG KASO BATAY SA IMORALIDAD LABAN KAY DE LIMA, SIGURADONG MALULUSAW LANG ITO KUNG HIHINTAYIN PANG MAGKAROON NG LINAW ANG KONEKSIYON NIYA SA ILEGAL NA DROGA SA LOOB NG BILIBID DAHIL SA NAKAKALITONG MGA TESTIMONYA NG MGA SAKSI AT SANGKOT, KAYA PATI ANG KONGRESO AT SENADO AY HALOS NAWALAN NG DIREKSIYON SA PAG-IMBESTIGA.

PAGPAPAKITA NG KAHINAAN NG DEPARTMENT OF JUSTICE KUNG HINDI AGAD MA-DISBAR O MATANGGALAN NG LISENSIYA BILANG ABOGADO, AT SA PUWESTO NIYA SA SENADO SI DE LIMA.

NOON PA MAN AY NAKITAAN NA NG KAHINAAN ANG KALIHIM NG DOJ DAHIL ANG PALAGING PALUSOT NITO SA MGA TANONG KUNG BAKIT WALA PANG GINAGAWA ANG AHENSIYA AY GUSTO DAW NIYA NG “MATIBAY” NA EBIDENSIYA. ANONG “MATIBAY” NA EBIDENSIYA ANG HINIHINTAY NIYA PARA SA KASONG IMORALIDAD, GANOONG UMAMIN NA SI DE LIMA AT DAYAN NA MAGSIYOTA NGA SILA?

USAD PAGONG ANG KILOS NI AGUIRRE AT ANG ISANG PRUWEBA AY ANG KAWALAN NIYA NG KIBO SA KABILA NG MAHIGIT DALAWANG BUWAN NANG HINDI PAG-AKSYON NG AMLAC SA NIRE-REQUEST MULA SA KANILA NA RECORDS NG MGA SANGKOT SA DROGA NA INIIMBISTIGAHAN. KUNG HINDI PA KINULIT NG MEDIA AY HINDI NABISTO ANG KAHINAAN NIYA SA PAGKALAP NG MGA EBIDENSIYA KAYA WALA PALANG NANGYARI.

DAPAT SIYANG MAG-RESIGN O TANGGALIN DAHIL HINDI ANGKOP ANG KAHINAAN NIYA SA MABILIS NA PAGKILOS NG PRESIDENTE AT IBA PANG AHENSIYA. HUWAG NIYANG HINTAYING MATULAD SIYA KAY ROBREDO NA SINIBAK SA PAMAMAGITAN NG TEXT.


AT, ANG PINAKA-NAKAKABAHALA AY BAKA MATULAD ANG KASO NI DE LIMA AT ILEGAL NA DROGA SA KASO NG MAGUINDANAO MASSACRE NA INABOT NG SIYAM-SIYAM AT PAGPASA-PASA SA ILALIM NG IBA’T IBANG ADMINISTRASYON, KAYA HANGGANG NGAYON, ANG MGA BIKTIMA AY NAKANGANGA SA KAWALAN.

Discussion

Leave a response