0

Ang "Human Rights" Kuno na PInaglalaban ng Ilang Pilipino

Posted on Wednesday, 7 December 2016

Ang “Human Rights” Kuno
na Pinaglalaban ng Ilang Pilipino
Ni Apolinario Villalobs

Ang “human rights” kung Tagalugin ay “karapatang pangtao”, ibig sabihin ay para sa tao. Sa madaling salita, hindi ito angkop sa mga taong ang ugali ay mala-hayop. Kabilang diyan ang mga rapists, mamatay-tao, holdaper, kidnapper, lalo na mga drug addict na ay pusher pa at mga drug lords. Nawalan sila ng karapatang “makatao” nang gumawa sila ng karumal-dumal na krimen sa kanilang kapwa. Pasalamat sila at kahit papaano ay may batas na nagpo-protekta sa kanila kaya sinasabi ng mga kapanalig nila na dapat ay dalhin sila sa husgado upang patunayan nilang wala silang kasalanan. Ibig sabihin, kahit naaktuhan silang gumawa ng masama kaya pinatay ng nagtanggol sa sarili, ang may kasalanan ay ang nag-self defense pa!

Bago umupo si Duterte ay kalat na ang balita tungkol sa “recycled drugs” na pinabebenta sa mga scavengers, driver, at cigarette vendor ng mga tiwaling pulis sa kalye. Ang mga mahuli namang pusher ay napapakawalan dahil sa “technicalities” ayon naman sa mga tiwaling huwes. Yan ang dahilan kung bakit namamayagpag ang krimen sa Pilipinas dahil talagang “bulag” ang hustisya. Pwedeng sabihin ng iba na wala tayong magagawa dahil nasa ilalim tayo ng demokrasya…fine, pero sana naman ay hindi dumating ang panahong ang nagsasabi nito mismo ang maging biktima ng mga kriminal!

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga karumal-dumal na nagawa na ng mga kriminal na pilit pinaglalaban ng mga kapanalig nila sa ngalan ng “human rights”:

·        Adik na anak, kapag bangag sa droga ay ginagahasa ang nanay na mahigit 60 na ang edad. Pinagpaparausan niya ang nanay kapag nalibugan na sa pinapanood na video. Walang magawa ang nanay dahil baka siya patayin ng anak.
·        Adik na apo ginagahasa ang lola dahil ang tingin niya dito ay tin-edyer kapag siya ay bangag sa droga. Walang magawa ang lola dahil baka daw bugbugin ang apo niya kapag nakulong kung isumbong niya sa pulis.
·        Tatay na adik na nagalit sa sanggol na anak na iyak nang iyak, habang siya ay sumisinghot ng shabu, kaya hinawakan ang mga paa nito at inihampas sa kalsada.
·        Tatay na bangag sa droga, tinakpan ng unan ang mukha ng sanggol na anak dahil tingin niya dito ay tiyanak.
·        Adik, hinubaran ang asawa at pinaglakad sa kalsada nang ayaw siyang bigyan ng perang pambili ng shabu. Ang pinagkikitaan lang ng asawa ay pagbenta ng sigarilyo at kendi sa bangketa at ang adik na asawa ay nangingikl sa mga jeepney driver.
·        Mga adik na high school students, nanggahasa ng batang babae, pinasakan ng sanga ng ang puke, at tinadtad pa ang katawan.
·        Mga anak-mayamang adik, pinagtripang gahasain ang isang hostess at binuhusan pa ng rugby ang puke at tinadtad ng staple wird ang dalawang suso.
·        Mga anak-mayamang adik pinagtripan ang isang salesman na nagda-drive ng van, ginahasa kaya inabot ng ilang stitches ang puwet dahil napunit.
·        Mag-asawang adik na nang mabangag ay masayang nag-camp fire sa loob ng barung-barong kaya ang compound na may iba pang barung-barong ay naabo.
·        Adik na high school student, palaging ginagahasa ang kanyang ate.
·        Mga nanay na adik, binebenta ang mga anak na tin-edyer, babae man o lalaki sa Avenida.
·        Kumare kong nakatira sa Dagat-dagatan (Malabon), pinasok ng adik na kapitbahay ang tinitirhan at sinaksak silang mag-ina. Mula sa likod ay lumusot hanggang sa harap ng kumare ko ang itak na pinangsaksak sa kanya, mabuti na lang sinuwerte pang mabuhay.
·        Adik na bangag sa Quiapo, nilaslas ang dalawang pulso at habang sumisirit ang dugo ay humahalakhak pang pinapakita sa mga tao.
·        Nanay na adik, pinakukunan ng retrato ang anak na sampung taong gulang sa mga kostumer niya sa pagpuputa sa Avenida, habang ang anak ay pilit niyang pinagma-masturbate.
·        Kilalang artistang bangag sa droga, inihian sa set ng shooting ang isang beteranong actor na kasama sa pelikula.
·        Etc. etc. etc. etc.

Nang mabalita ang resulta ng imbestigasyon ng NBI tungkol sa kamatayan ng nakakatandang Espinosa sa loob ng kulungan at lumabas na “rubout” ang nangyari, maraming text messages ang natanggap ng radio station na nagbalita. Ang mga text ay mula sa mga taga-Samar na nagsabing talagang salot sa buong Samar ang mag-amang Espinosa at nalulungkot sila na maraming hindi nakakaalam ng istorya nila sa Samar. Sa tagal daw ng panahong kontrolado sila ng mag-ama, kalat na kalat ang droga kaya sila yumaman. Dapat nga daw, pati si Kerwin ay patayin na rin.

Ang palaging sinasabi ng mga ungas, dapat daw ay  mga drug lords ang habulin upang makasuhan, sa halip na ang mga drug addict at drug pusher. Paanong hulihin at kasuhan ang mga demonyong drug lords na nasa Bilibid na, pero hanggang ngayon ay nakakapagtransaksyon pa ng droga dahil sa iba’t ibang paraan kahit walang cellphone? Kaya nga ang gusto SANA ni de la Rosa na itigil na rin ang dalaw sa mga ito dahil ang mga bisita nila ang binibigyan na nila ng instruction, pero pag ginawa yan, papalag na naman ang “human rights” advocates….at kontrabida na naman siya at si Duterte! At, paanong hindi sawatahin ang mga drug pushers at drug addicts na ang ginawang pagsuko noong kasagsagan ng panawagan sa kanila ay “palabas” lang pala kaya balik na naman sila sa dating ginagawa?

Madali para sa iba ang magsalita at pumanig sa mga human rights advocates at mga kriminal dahil hindi sila direktang nabiktima, o di kaya kapamilya o kaibigan man lang nila. Wala rin silang nakita, kundi nabasa lamang sa diyaryo at narinig sa TV o radyo. Kaya para sa kanila ay madaling magsabing dapat bigyan ng pagkakataong “makatao” ang mga kriminal na sumira sa buhay ng mga taong nananahimik. Pwede ba ang mga kriminal na ito sa karapatang pangtao lamang, gayong masahol pa sila sa hayop dahil sa mga ginagawa nila?


Ang mga nabanggit na kriminalidad ay nasaksihan ko o sinabi sa akin ng mga kaibigan kong kamag-anak ng mga adik mismo na gumawa ng mga kademonyuhan.

Discussion

Leave a response