Partido Pulitikal?...o Bayan!
Posted on Friday, 30 December 2016
PARTIDO PULITIKAL? O BAYAN!
Ni Apolinario Villalobos
Malalaman kung ang isang tao na may
ambisyong pumasok sa pulitika ay taos sa puso ang adhikain sa pamamagitan ng
mga binibitiwang pangako. May mga imposibleng pangako dahil paulit-ulit na sinasambit nila ang mga
nakalipas nang ipinangako noon ng mga pulitikong naging korap nang manalo.
Hindi rin maiiwasan ang plastikan tulad ng nangyayari sa pagitan nina Duterte
at Robredo, lalo pa at magkaiba sila ng partido. Sa puntong ito, si Duterte na
mismo ang nagsabi sa isang interview na nakikita niya si Robredo sa mga rally
para pabagsakin siya, at sa sunod nilang pagkikita sa meeting ay nakangiti pa
ito ng buong tamis sa kanya. Magkaiba sila ng pinaghuhugutan ng lakas – si
Robredo ay ang kanyang partidong kulay dilaw at si Duterte ay taong bayan na
kailangan niyang iligtas mula sa lagim ng droga at korapsyon.
Kung partido ang pinaghuhugutan ng lakas ni
Robredo, paano niyang masasabing siya ay kakampi ng bayan ganoong sumemplang na
ang partidong ito dahil ang mga adhikain ay hindi makabayan?. Ang ganitong uri
ng adhikain ay pangsarili lamang – personal, kaya gagawin ang lahat upang
makakapit-tuko sa puwesto ng mga kapanalig nito.
Samantalang si Duterte na mula’t sapol ay
naniniwalang nakatadhana siyang maging presidente para sa kapakanan ng bayan ay
palaging taong bayan at kabataan ang laman ng mga talumpati. Ang isang patunay
sa sinasabi niya ay ang pagkapanalo niya sa kabila ng kawalan niya ng sariling
pondo para sa kampanya. Walang bahid na pangsarili ang kampanya niya laban sa
droga dahil hindi naman niya ikayayaman ito, sa halip ay maglalagay lang sa
kanya at pamilya niya sa delikadong kalagayan dahil ang binabangga niya ay
mayayamang personalidad na sangkot sa droga.
Kung sinabi ni Duterte na wala nang puwang
si Robredo sa administrasyon niya dahil obvious ang pagka-ipokrita nito, lalo
pa at halatang walang simpatiya sa bayan…dapat lang! Ang opisina ni Robredo na
tumutulong kuno sa mahihirap, silang mga nasa laylayan ng lipunan, mukhang
hindi yata totoo. Yong isang kaibigan ko na mahigit dalawang buwan nang
pabalik-balik upang humingi ng pandagdag sa gastusin sa pagpa-opera ng anak,
hanggang ngayon, ni singkong duling ay walang natanggap. Hiningan pa ng staff
ng bank account number para doon daw ipapadala ang tulong….na napakamaling
sistema dahil pwedeng pakialaman ng mga magnanakaw ang impormasyon na yan, at
higit sa lahat ay walang patunay na natanggap ng tao ang pera kung sakali man,
kaya paanong maa-audit ng COA? Saan kaya nila nakuha ang ideyang itong napakamali?
Kung sasabihin ni Robredong wala siyang
pondo, magtanggal siya ng mga pandekorasyong mga tao at isara ang opisinang
pang-community outreach kuno na pandekorasyon lang din. I-maintain na lang niya
ang opisina niya bilang Bise-Presidente…na standby lang hangga’t may mangyari
sa presidente. Makipag-ugnayan na lang siya sa mga obispong Katoliko at mga
grupo ng mga babaeng kapanalig niya at mag-camp out sila sa Liwasang Bonifacio
o Luneta. Humingi kaya siya ng tulong kay Pnoy at Roxas....o baka nagbibigay na
at para kung saan, sila lang ang nakakaalam!
Discussion