0

Ang Pilipinas Noon at Ngayon sa Isang Sulyap

Posted on Wednesday, 28 December 2016

Ang Pilipinas Noon at Ngayon
Sa Isang Sulyap
Ni Apolinario Villalobos

Nadanasan na ng mga Pilipino ang maalipusta ng mga Kastila, pati ng mga Amerikano at sa maikling panahon ay ng mga Hapon….iba talaga ang maging malaya.

Nadanasan ang kalayaan nang ibigay ng mga Amerikano sa mg Pilipino ang pamamahala ng bansa, nagkaroon ng Commonwealth….umusbong ang katiwalian dahil ang mga humawak sa gobyerno ay mga mayayamang asenderong nanigurong hindi mawala ang kanilang yaman…pumasok sa eksena ang mga intelektwal, pero sa halip na kapakanan ng buong bansa ang inasikaso ay ang pagpayaman nila kaya nagkaroon ng karagdagang mukha ang korapsyon.

Nadanasan ang Martial Law….isinuka dahil ang kultura ng Pilipino ay hindi sumasang-ayon dito na kinopya lamang sa Saligang Batas ng Amerika…. nagkaroon ng People Power….subalit ang masaklap ay hindi nangyari ang ang inasahang pagbabago.

Pagkalipas ng administrasyon ng unang babaeng presidente, si Cory Aquino, na nagsilbi sanang “nanay” ng Republika ay nabigong magpakita ng mga inaasahang katangian…. hindi nagkaroon ng leksiyon ang mga Pilipino dahil nagkaroon ng isa pang babaeng presidente, si Gloria Arroyo....subalit, wala ring nangyaring pagbabago dahil lalo pang umalagwa ang korapsyon.

Nagkaroon ng presidenteng dating heneral at isang artista, at isa pang mabait at mahinahon kuno….puro sumemplang pa rin sa mga dapat asahan dahil lalo pang umalagwa ang korapsyon at ang nakawan sa kaban ng bayan ay halos hantaran na kung gawin….lalong tumapang ang mga kawatan dahil sa kalamyaan ng mga batas na walang pangil….at, ang masakit, nadagdagan ang problema ng Pilipinas sa droga na hindi alam ng mga Pilipino ay nagkakaugat na pala ng malalim at mabilis na yumayabong. Nabisto lamang ang katotohanang ito nang lumitaw ang isang Duterte.

Nagkaroon ng presidenteng hindi malamya, si Duterte, subalit tinutuligsa naman dahil sa mga extra judicial killings na pinaparatang sa kanya, pero wala namang napatunayan pa sa korte.

ANO KAYA KUNG ISANG KATOLIKONG OBISPO NAMAN ANG MANUNGKULANG PRESIDENTE DAHIL BATAY SA MGA PANANALITA NG ILAN SA KANILA, LALO NA YONG TAGA-NORTE, PARA BANG MAGKAKAROON NG KATAHIMIKAN ANG BANSA KUNG MAGING MABAIT LANG ANG GOBYERNO SA MGA TAONG SANGKOT SA DRUGS DAHIL “BAWAL” DAW ANG PUMATAY. SINO BA ANG MGA PUMAPATAY? AT, SINO ANG MGA PINAPATAY? KUNG SAKALING MATULOY, SANA AY ISAMA NA RIN NILA SA MABAIT NILANG PANUKALA ANG “MATIWASAY” NA PAGSAWAY SA MGA KORAP SA GOBYERNO!


AT LEAST,  AKO AY MAY SUGGESTION, HINDI TULAD NG IBA NA TULIGSA LANG NANG TULIGSA KAY DUTERTE PERO WALA NAMANG SUGGESTION KUNDI ANG MAGSAMBIT NG “DUE PROCESS” NA NOON PANG PANAHON NG COMMONWEALTH AY GINAGAWA NA PERO WALA NAMANG NANGYARI. DAHIL SA “DUE PROCESS” NA YAN, NAGSULPUTAN LANG ANG MGA KORAP NA HUWES AT MGA “MAGAGALING” NA ABOGADO NA ANG PABORITONG KLIYENTE AY MGA KRIMINAL NA MAY PERANG PAMBAYAD NG MILYON-MILYONG PESOSES!!!!

Discussion

Leave a response