Showing posts with label disease. Show all posts

0

We Should Listen to our Body

Posted on Monday, 17 April 2017

WE SHOULD “LISTEN” TO OUR BODY
By Apolinario Villalobos

While I advocate the alternative herbal medicines which are already accepted even by licensed scientific medical practitioners, the “basic” prescribed drugs which are considered as beta blockers such as the “statins” (mine is atorvastatin) and losartan are still necessary. They have their own immediate effect, while those of the herbs have their own, too. Along this line, it is a fact that factory-produced drugs are clones of medicinal herbs, but enhanced with various chemicals to extend their shelf life. As regards the stroke or heart attack, in particular, there are many natural alternatives for its prevention, many of which have already been packed in gel, capsule and tablets, as well as, made more palatable in the form of syrup.

It is important that we “listen” to our body by being sensitive to manifestations of what is wrong with our system. Our intestines, for instance, grumble if we have overeaten for the job that they could not undertake effectively, so we either have loose bowel movement (LBM) or constipation, and worse, we vomit or puke. If we feel constant pain in certain parts of our body, by all means, that particular area must immediately be examined by a doctor. If our skin shows tell-tale signs that suggest cancer, we should see a doctor immediately. If we experience regular chest pains, dizziness, numbness of any of our legs or arms, we might already be experiencing the onset of a mild stroke, etc.

For those who are fond of uncontrollably quaffing alcoholic drinks, they should minimize their intake soonest as they feel signs of high blood pressure (HBP) after downing 5 bottles of beer or more. Other indications for the inception of HBP are redness of the face and appearance of red spots all over the body, but most especially, dizziness.

For the health buffs who are fond of jogging or doing strenuous workouts, they should immediately see a doctor if they experience unusual shortness of breath and chest pain which they have not encountered before. They should not treat them as simple signs of fatigue.


To stay alive and healthy, we should shake off arrogance from our person and accept the fact that there is no perfect body, even if it is pampered by health drugs….not even by high-tech therapies, one of which is stem cell intake by injection or orally. If we have to believe what is said in the Bible, the Godly-decreed life of man is supposedly until before he reaches the age of 70. We should therefore, take care of our body to make the most out of life by being sensitive to its manifestations.

0

Ang Droga ay parang Bakukan

Posted on Thursday, 4 August 2016

ANG DROGA AY PARANG BAKUKANG
Ni Apolinario Villalobos


MISMONG MGA NAKAKAKILALA SA MGA NAPAPATAY NA SILA AY MGA DRUG PERSONALITIES AT ANG IBA AY MGA PAMILYA PA MISMO ANG NAGPAPATUNAY. BAKIT NAGREREKLAMO ANG MGA KABATAAN DAHIL SA PAGKAWALA NG MGA SALOT NA ITO SA IBABAW NG MUNDO?....CONCERNED BA SILA DAHIL GUMAGAMIT DIN SILA NG DROGA AT DAHIL NAWAWALA ANG MGA “RUNNERS” AY NAGMAHALAN ANG DROGA KAYA HINDI NA NILA KAYANG BUMILI?....NAKAPAGTATAKA LANG DAHIL ANG GINAGAWA NG GOBYERNO AY PARA SA KANILANG KAPAKANAN BILANG PAG-ASA NG BAYAN.

ANG DROGA AY  BAKUKANG NA DAPAT PIGILAN ANG PAGLAKI AT TULUYANG PAG-ALINGASAW NG NAKAKASULASOK NITONG AMOY. ANG GAMOT SA ANUMANG SAKIT AY NAGDUDULOT NG HAPDI AT MAPAIT DIN SUBALIT KAILANGANG TIISIN UPANG GUMALING ANG SAKIT. GANYAN ANG NANGYAYARI SA PILIPINAS….MAHAPDI AT MAPAIT ANG “GAMOT” SA SUGAT NA NILIKHA NG DROGA…DAPAT TIISIN BAGO LUMALA ANG SALOT NA NILIKHA NITO SA BUONG BANSA!



0

Walang Pambili ng Gamot Pero Namumutiktik sa mga Herbal Medicine ang Paligid ng Bahay

Posted on Tuesday, 31 May 2016

Walang Pambili ng Gamot Pero Namumutiktik
sa mga Herbal Medicine ang Paligid ng Bahay
ni Apolinario Villalobos

May isa akong kaibigan na namatayan ng mga miyembro ng pamilya dahil sa iba’t ibang uri ng sakit, kasama na ang kanser. Mahirap lang daw kasi sila kaya hirap sa pagbili ng gamot at walang pambayad sa doktor. Nasa bandang Montalban (Rizal) sila at bulubundukin ang tinitirhan kaya presko. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi man lang niya nalamang ang mga tanim sa paligid nila ay pwedeng pang-iwas sa mga sakit basta tuluy-tuloy lang ang pag-inom ng pinaglagaan at pagkain ng kanilang prutas. At, imposible ding hindi niya alam na ang ibang mga dahon at damong panggamot na tinitinda sa Quiapo ay galing sa Montalban.

Noong pasyalan ko siya ay panahon ng tagbunga ng mangga. Subalit dahil Indian mango ang uri, ay hindi nila pinapansin kaya ang mga nahinog sa puno ay nagkakalaglagan na lang. Ganoon din ang guyabano sa likod ng bahay nila na ang mga nalaglag na mga hinog na bunga ay nilalangaw lang. Sa tabi ng kanilang poso ay napakakapal rin ang tubo ng luyang dilaw at tanglad. Sa gilid ng maliit na kanal na dinadaluyan ng tubig galing sa poso ay makapal rin ang mga kumpol ng “lupo”, “takip-kuhol”, at ulasiman. Ang “makabuhay” namang pumupulupot sa puno ng langka ay kumapal na rin ang mga ugat na nakabitin. May alogbate sila pero ang turing nila ay pangdekorasyong halaman.

Ang mangga daw ay itinanim nang ipinanganak siya. Ang langka  at guyabano ay basta na lang itinanim ng kanyang tatay. Ang tanglad daw ay itinanim para may magamit sila kung mag-litson ng manok, at ang luyang dilaw ay basta na lang din daw itinanim ng kanyang tiyahin. Ang “makabuhay” naman daw ay itinanim upang magamit na “panglatigo” sa kanila tuwing Biyernes Santo.

Namatay daw ang nanay nila dahil tinubuan ng bukol sa bahay-bata nito. Ang nakababata naman niyang kapatid na babae ay tinubuan din ng bukol sa suso hanggang sa ito ay pumutok at na-impeksiyon na ikinamatay niya. Ang tatay naman niya ay namatay dahil sa alta-presyon. Ngayon, ang bunso nila ay hirap sa pag-ihi at pagdumi kaya lumubo na ang tiyan. Ang kaibigan ko naman ay may diabetes.


Noong madalas akong mamasyal sa kanila na halos apat na beses sa loob ng isang buwan, napansin kong ang ulam nila, kung hindi sinampalukang manok ay ginisang sardinas sa itlog at miswa, di kaya ay pata ng baboy na inadobo. Ni minsan man lang sa aking pamamasyal ay wala akong nakitang gulay na niluto nila. Ilang beses na akong nagpayo sa kanila tungkol sa mga biyaya ng mga halaman na pwedeng pang-iwas sa mga sakit, na nasa paligid lang nila at panay naman ang kanilang pagsang-ayon…yon pala ay hanggang doon lang, hindi nila ginagawa. Noong huli ko siyang pasyalan ay naghihintay ang kaibigan ko sa perang ipapadala ng kanyang anak na domestic helper sa Hongkong, upang pambili ng gamot niya sa botika sa bayan.

0

Mga Kuwentong Pagkaligtas sa "Stroke" na Dapat Tularan

Posted on Wednesday, 24 February 2016

Mga Kuwentong Pagkaligtas sa “Stroke”
…na dapat tularan
Ni Apolinario Villalobos

Kapag sinabi kong nakaligtas ang isang tao sa “stroke” na isang nakakabahalang sakit sa puso, ang ibig kong sabihin, siya ay naglalakad, nakakagamit ng isang kamay man lang, nakakakaing mag-isa, at hindi lamang nakaratay sa kama o wheel chair. Ang mga tinutukoy kong nakaligtas sa “stroke” ay sina Godo Melecion, Nelson Borromeo, Nani Dalisay, at Apiong Bunag – mga taga Perpetual Village 5 ng Barangay Real Dos, sa Bacoor City ng Cavite.

Hindi ko mapigilang magsulat tungkol sa kanila dahil nakita ko kung paano silang magsikap upang makapamuhay uli nang normal at may kabuluhan sa tulong ng kanilang misis, at lalo na ng disiplina. Nadanasan nila ang mga unang hakbang upang sila ay makaraos sa atake ng sakit, kaya tiniis nila ang nananalaytay na kirot ng “therapy” na ginawa sa kanila araw-araw upang hindi tuluyang mawalan ng lakas ang kanilang mga litid at hindi maging inutil ang mga ugat na dinadaluyan ng dugo, at pati na ang mga kasu-kasuan at buto. Mula sa pagkaratay ay pinilit nilang makabangon, at unti-unting makakawala sa animo ay pagkakatali nila sa kama.

Animo ay nagpaligsahan silang apat kung sino ang unang makakalabas ng bahay upang makapag- “walking- walking” na tawag namin sa exercise ng mga senior sa palibot ng basketball court. Unang nakita isang umaga si Nani. Makaraan ang ilang araw ay nakita si Nelson. Sumunod si Godo na mas gusto ang pag-ikot sa loob ng subdivision. Bandang huli ay nakita si Apiong na may baston, subalit nag-iikot pa pala sa dalawang subdivision bago dumiretso sa basketball court upang makipaghuntahan bago umuwi.

Sa kanilang apat, ang pinakamabilis na nakabawi ng lakas ay sina Godo at Apiong. Si Godo ay nakagawa na ng kulungan ng aso gamit ang hindi apektadong kamay, samantalang ang isang medyo mahina pa ay ginagamit na pangsuporta, at nitong huling mga araw ay nabuo niyang mapinturahan ang loob ng kanilang bahay, bakod at gate na bakal. Sa mga ginawa niya, katuwang rin niya ang kanyang misis na si Zeny.

Si Apiong naman ay nakaubos sa pagsibak ng mga sangang nakatambak sa likod ng bahay nila. Nagdidilig din siya kasama ang kanyang misis na si Bedi. Dating nagtitinda ng gulay sa palengke ang mag-asawa at ang pinagkitaang ito ang bumuhay sa kanila at nagpatapos sa pag-aaral ng kanilang mga anak, kaya hinanap-hanap ng katawan ni Apiong ang mga dating kilos na nakasanayan ng isang magbubukid.

Sina Nelson at Nani naman  ay mas gusto ang pag- “walking-walking” sa basketball court. Kahit hindi pa pumuputok ang araw, naglalakad na si Nani palibot ng basketball court hanggang sa siya abutin ng liwanag. Sinasabay naman ni Nelson sa pagsilip ng arawa ng kanyang paglalakad sa palibot ng court. Matiyagang gumigising ng maaga si Belen, asawa ni Nelson upang makapila sa bilihan ng pandesal at nagtitiyaga pa rin sa paghintay sa asawa na sinasabayan niya sa pagsawsaw ng tinapay sa kape. Ang asawa naman ni Nani na si Winnie ay hindi magkanda-ugaga sa paghanda ng almusal.

Ang kuwento ng apat na nakaligtas sa “stroke” ay pagpapakita ng pagsasakatuparan ng pinangakong pagsasama nila bilang mag-asawa habang buhay…wika nga sa Ingles ay, “for better or worse….till do us part”, at pagpapatunay na rin na ang disiplina at tiyaga ay napakahalaga upang malampasan ang pagsubok na dulot ng mga sakit na kung minsan ay nagiging sanhi ng kamatayan.

Ang mga tulad nila ang dahilan ng paminsan-minsan kung pag-post ng mga impormasyon tungkol sa tulong ng mga halamang gamot na nakikita lang sa ating paligid.








0

Masarap Sana, Subalit Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Posted on Monday, 15 February 2016

Masarap Sana,  Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo
Ni Apolinario Villalobos

Masarap sana ang mabuhay sa mundo, kung hindi magulo at walang mga kalituhan. Dahil ito sa likas na ugali ng taong mapanlamang, mapag-imbot, at maramot na kadalasang  tumatalo sa mga mabubuting ugali na mapagpakumbaba, mapagbigay, at bukas-palad. Kung mapagpakumbaba ka, siguradong yayapakan ang iyong mga karapatan. Kung mapagbigay ka, siguradong itutulak ka lang sa tabi ng mga mapag-imbot. Kung bukas-palad ka kaya maluwag sa loob ang pagtulong sa kapwa, aabusuhin ka naman.

Dahil sa nabanggit na mga kalituhan, yong isa kong kaibigan, ay halos ayaw nang lumabas ng bahay upang makaiwas sa mga hindi magandang mangyayari sa kanya. Dahil sa ginawa niya, itinuring siya ng mga ungas niyang kapitbahay na “makasarili”. Sabi niya minsan sa akin, kung magpapaputok siya ng baril sa kalye siguradong sasabihin ng mga kapitbahay niyang “siga” siya. Sinabihan ko na lang na madaling araw pa lang ay umalis na siya at umatend ng misa sa Baclaran o Quiapo, pagkatapos ay mamigay ng tulong sa squatter’s area at kapag padilim na ay saka na lang siya umuwi – walang mga ungas na kapitbahay ang makakakita sa kanya. Sabi ko nga sa kanya ay maswerte siya at ungas lang ang mga kapitbahay niya…hindi mapagkunwari at mainggitin.

Hind lang sa pakikipagkapwa-tao ang may kalituhan, kundi kahit na rin sa mga bagay na kailangan upang mabuhay tulad ng pagkain. Kailangan daw ay kumain ng gulay at isda dahil masustansiya ang mga ito. Subali’t sa palengke, hindi lang isda ang nilulublob sa “formalin”,  ang kemikal na ginagamit sa pag-embalsamo, kundi pati na rin mga gulay upang hindi malanta agad. Ang karagatan at mga ilog na tinitirhan ng mga isda ay marumi na rin. Ang mga nahiwang gulay ay nilulublob sa tawas upang hindi mangitim tulad ng hiniwang langkang nakagawiang iluto sa gata at talong na tinanggalan ng bulok na bahagi, pati binalatang gabi, kamote, at patatas. Ang mga gulay sa pataniman ay alaga din sa mga chemical na pamatay-peste habang lumalago. Yong sinasabing mga “organic” daw ay hindi rin sigurado dahil maraming mga nagtitindang mahilig magsinungaling, makabenta lang. Kung totoo man, ay nakakakuha naman ang mga ito ng lason mula sa hangin.

Ang mga karne ay may mga anti-biotic, kaya ang akala ng isang kumpanyang nagdede-lata ng produktong karne ay bobo lahat ng mamimili dahil sinasabi ng ads nila na walang sakit ang mga baboy at manok nila – siyempre, dahil alaga sa antibiotic!...talaga din namang kumita lang, lahat ay gagawin upang makapanlinlang. At, yong mga batang lumaki sa gatas at karne ng hayop, ngayon ay may ugaling hayop na rin…dahil kung hindi man bastos ay lapastangan at suwail pa!

Ang mga softdrink lalo na ang “Cokes” (tawag yan ng Bisaya sa Coke”), na pampagana sa pagkain kahit bagoong, toyo, o patis lang ulam ay nakakasira ng kidney at atay. Kung mag-ulam naman palagi ng instant noodles na pinakamura at pinakamadaling iluto, subalit ginamitan ng kemikal upand hindi magdikit-dikit, ay lalo namang sisira ng kidney. Mismong bigas na sinasaing ay may mga chemical din upang hindi kainin ng uod at kuto habang nakaimbak sa bodega, kung saan ay iniispreyhan pa sila upang hindi upakan ng mga daga at ipis.

Ang instant na kape ay dumaan din daw sa mga paraan o process na nangailangan ng mga kemikal na hindi maganda sa katawan kahit pa sabihing nakakatulong ang inuming ito sa paglusaw ng cholesterol at bara sa daluyan ng dugo patungo sa puso. Ang asukal na puti ay mayroong bleaching chemical na nagpaputi sa dating manilaw-nilaw na katas na ito ng tubo. Naka-imbento ng artipisyal na asukal upang makaiwas sa diabetes, subalit nakakasira naman din daw ng kidney.

Pati mga bitamina na ginagawa sa mga laboratoryo ay pinagdududahan na rin. Kahit maliit lang ang sumobra sa naimon ay magsasanhi na ng overdose na maaari pang maging sanhi ng sakit. Sa puntong ito, ang mga gamot na akala natin ay nakakapandugtong ng buhay ay hindi rin pala magandang basta na lang iinumin, kaya mismong anti-biotic ay hindi na rin ligtas.

Ano pa nga ba at, animo ay nag-uunahan ang mga bahagi ng katawan natin kung alin sa kanila ang unang manghihina hanggang bumigay  dahil sa mga pagkaing akala natin ay pampahaba ng buhay, yon pala ay may mga lasong unti-unting nakakamatay. Kaya siguro, madalas na payo ng doctor sa pamilya ng pasyente na may taning na ang buhay, ay pagbigyan na lang ito sa lahat ng hihilingin niyang pagkain dahil wala na rin namang mangyayari bunsod ng lasong nagkakaiba lang ang dami sa bawat pagkain.  Ang maratay dahil sa sukdulang epekto ng lason na nakukuha natin sa mga pagkain at hangin ang ultimate na sitwasyon kung saan ay talagang angkop ang kasabihang, “no choice” at “…no turning back”.  Ang kalagayan ring ito ang nagpapakita na ang tao ay nagsi-self destruct!





0

Take Note of the Signs and Reminders About Diseases

Posted on Saturday, 19 December 2015

Take Note of the Signs and Reminders
About Diseases
By Apolinario Villalobos

What we do normally is to take the necessary steps only when we are already feeling the effect of a disease or sickness. What most people forget is that signs and reminders are also manifested by other bodies, especially, the first-degree relatives. Their suffering from a certain disease or sickness should remind us that the same can happen to us. If for instance, our mother, or father, or brother, or sister, or first cousin, or uncle, or aunt, are suffering from or worse, died of cancer, hypertension, or complications triggered by diabetes, then most likely, we can have the same fate because the same diseases are in our blood. The signs pointing to them should immediately caution us to be very extra careful…at least, to delay the effect if we want to live longer…or, at least minimize the pain of the effect upon their occurrence.

All kinds of diseases are inherited, although, the “amount” varies according to the genes. It is for this reason that prevention for the onset or worsening is very necessary. This is also the reason why blood sample is taken from the newly-born infant to determine the stages of its life when certain diseases may occur and the parents are counseled what precautionary measures to take or when they should go back to the pediatrician so that necessary prescriptions could be made.

Those who were born before the blood sampling for newly-born has been popularly practiced, rely on the time when diseases occur. When a member of the family succumbs to the heart attack, for instance, he is brought to the hospital which could  already be late.  Of course “maintenance medicines” are prescribed after check- ups done usually at the age of 50 or 60. But such may be considered late, as the disease could have fully developed to become well-entrenched in the person’s system….arteries have been clogged, diabetes has reached uncontrolled level, inflammations in the organs have occurred and developed into cysts, kidneys have been damaged, etc.

What I am trying to say here is that parents themselves should remind their children about “family diseases” as shown by deaths in the family. At a young age, the children should be counseled on what food to avoid or at least eat in moderation. Each one of us should also open our mind for inputs from other people and what are gathered from the media, especially, the internet. WE SHOULD NOT ONLY READ BUT ACT ON WHAT ARE BEING SHARED. The inputs should not only be appreciated but put into practice. They should not only be made as “conversation pieces”, but emulated.

There is always resistance every time chili, garlic, ginger, ampalaya, turmeric, saluyot, okra are mentioned- foods that are beneficial. They would say, it is hot, slimy, bitter, etc. And, those who have read or heard testimonies about their healing effects, express their appreciation …and it ends there, nothing else is done by the person who appreciates.

When an acquaintance died of cancer or complications brought about by diabetes or stroke, friends ask questions….but I doubt if the unfortunate incident has ever made them think if their lifestyle, especially, their diet, will also lead to such, or it made them curious about deaths in their family which necessitates asking their elders about their family history, so that preventions can already be taken.


Again, I say…regrets comes always at the end.

0

Ang Mag-asawang Survivor ng Kahirapan at Sakit...sina Emmy at Tony Sagenes

Posted on Thursday, 26 November 2015

Ang Mag-asawang Survivor ng Kahirapan at Sakit
…sina Emmy at Tony Sagenes
Ni Apolinario Villalobos

Junk shop ang pinagkikitaan ngayon ng mag-asawa. Nagsimula sa kakarampot na puhunan, nagsikap dahil sa harap ng mga problema tulad ng matagal na sakit ni Tony Sagenes sa bagᾁ at sakit naman ni Emmy na cancer nagsimula sa isang bukol sa kanyang dibdib na naging sanhi ng kanilang pagkatanggal. Mga survivor sila ng kahirapan at sakit…na kanilang nalusutan. Masaya sila tuwing umaga sa kanilang paggising upang makipaglaro sa kanilang dalawang apo na sina Abby at Richanne, mga anak ni Meanne ang panganay nila, kay Richard Borras.

Tuwing umaga habang naglilinis ng kanilang paligid ang mag-asawa, ang dalawang apo naman ay nakamasid. Pagkatapos nilang maglinis, mataman na nilang  aasikasuhin ang dalawang apo, ibibilad sa init ng araw at Ibibili nila ng lugaw sa isang malapit na karinderya.

Ang maliit nilang bahay ay nagsimula sa isang kuwadradong yari sa inipong hollow blocks, yero at mga plywood. Ang mga bintana ay walang takip na butas kundi kurtinang bigay ng mga kaibigan. Mahilig magtinda si Emmy kaya ang maliit na tindahan ay nakatulong sa kanila noong dalawa pa lang ang anak nila, sina Meanne at Michelle. Si Tony naman ay namasada ng tricycle at dahil sa loob lang ng subdivision ang pinapasadahan ay maliit ang kita. Nadagdagan ang problema nila nang dumating ang ikatlong anak na si Ian, at lalong nadagdagan pa nang dumating ang bunso na si Nene.

Lahat ay ginawa ng mag-asawa upang kumita. Si Emmy ay tumanggap ng labada mula sa mga kapitbahay, Kung talagang kapos ay nilalakasan nila ang loob sa pag-utang kay “Mommy” na katabi nila pero binabayaran agad dahil ang sabi nila ay hindi sila nakakatulog nang maayos sa pag-alala kung may utang sila. Iniingatan din nila ang reputasyon ng pamilyang Sagenes dahil ang tatay ni Tony ay kauna-unahang Barangay Chairman ng Real Dos, si Ka Pedro.

Bandang huli ay gumawa ng marahas na desisyon si Tony – ang magnegosyo at dahil hindi naman nakatapos ng pag-aaral, ang naisip niya ay mamili ng mga junk mula sa mga kapitbahay. Maliit ang kanyang puhunan subalit kapag may mga abiso siyang natatanggap tungkol sa mga dadalhing malaking bulto ng junk mula sa mga kapitbahay na may planong maglinis ng bahay, nilalakasan niya ang loob sa pag-utang upang magamit na puhunan. Binabayaran naman agad niya upang hindi siya mapatawan ng malaking interes. Ang ginamit niyang imbakan ay likurang bahagi ng kanilang lote – masikip subalit nagagawan niya ng paraan upang magkasya ang mga kalakal hanggang ang mga ito ay pik-apin ng suki niyang buyer.

Ilang taon lang ang lumipas, ang lupain nilang naisangla ay nabawi ni Tony, at kinapapalooban na ngayon ng junk shop. Markado na ang mga hangganan ng lupa kung hahatiin na ito sa apat niyang mga anak. Pinatayuan na nina Meanne at asawang Richard ang kanilang bahagi  ng maliit na computer shop, at ilang linggo na lang, matatapos na rin ang second floor na titirhan nilang mag-anak.
Sa piling nila si Danica, anak ng namayapang bunsong kapatid ni Tony, at pinapaaral nilang mag-asawa. Si Meanne ay secretary ng Barangay nila. Ang sumunod sa kanya, si Michelle ay nagtatrabaho naman sa isang malaking supermarket at siya na rin ang namumuhunan sa maliit na sari-sari store na sinimulan ng kanyang nanay. Ang nag-iisang nilang anak na lalaki, si Ian, ay nagsisilbing “utility man” ng pamily – tumutulong sa lahat ng pangangailangan, habang ang bunsong si Nene ay nag-aaral pa.

Kung hindi nagtiyaga si Tony nang siya sumailalim sa mahabang gamutan upang gumaling sa sakit niya sa bagᾁ malamang ay isa na siyang “teseko” (taong ang katawan ay halos buto at balat dahil sa sakit na TB), o di kaya ay namamahinga na siya ngayon. Si Emmy naman na Batangueἧa ay malakas ang loob at matapang sa kabila ng mga panibagong dinaramdam na maya’t mayang kirot dahil sa paghina ng kanyang mga buto, na ang ibang bahagi ay tinubuan pa ng mga bukol.

At lalong, kung hindi malakas ang loob nila sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay nila, malamang ay nakanganga sila ngayon. Subalit dahil ayaw nilang umasa sa mga tulong, literal na nagdildil sila ng asin upang makaraos sa kahirapan noong nagsimula pa lamang sila bilang mag-asawa. Kung ang Eat Bulaga ay may magandang pormula upang magtagumpay ang “Aldub”, ang mag-asawang Emmy at Tony naman ay mayroong sariling paraan upang makaraos mula sa kahirapan – tiyaga at pagsisikap at hindi umasa sa utang upang gawing pangmatagalang puhunan.


0

More on Herbal Remedies and Philippine Vegetables...that I personally tried

Posted on Friday, 6 November 2015

More on Herbal Remedies and Philippine Vegetables
…that I personally tried
By Apolinario Villalobos

I would just like to emphasize that discipline is very necessary if one shall try herbal remedies which require consistently patient preparation. On the other, conviction resulting from “conversion” to the nutritional benefits of Philippine indigenous vegetables is necessary before one can make the edible leaves and roots part of his or her diet – for consistency’s sake. The following are enhancements to what I have already written on this subject:

MALUNGGAY (MORINGA) – this plant is a “must” in every Filipino’s yard;  for those living in the city, it can be planted in plastic containers that saw good old days as “water bottles” on dispensers; the juice of the mashed leaves can stop bleeding even of open wounds in seconds; the dried seeds can lower the level of bad cholesterol; one of the discoveries of archaeologists in Africa were several thousand year-old water jars with dry malunggay seeds at the bottom, proof that the seeds were used as anti-bacterial; it is considered as among the “miracle” plants, infused by nature with plenty of nutrients, that is why, it is being used as enhancer for instant noodles and rice porridge to make them healthy, and fed to the children in feeding programs; it is not bitter as many people believe; the leaves can be air-dried, crumpled or powdered and stored; a teaspoon in powder form can be added to a mug of coffee, while the crushed  dried leaves can be added in pasta sauce, as well as, vegetable dishes, especially, monggo, or in fried rice.

SOFT, YOUNG GUAVA LEAVES – in my earlier blog, I forgot to mention that the guava leaves tea can alleviate the diabetes; the finely chopped young leaves can be added to salads, to lessen the tangy taste and odor of onion; it is suggested that the tea be always ready on hand as an after-meal deodorizer of the mouth; the fruit, I still maintain, to be more laden with vitamin c than citrus; my day is not complete until I drink at least two mugs of this tea.

LEMON GRASS (TANGLAD) – this herb can be frozen even for one month (I have tried it), but first, each root with stem must be cleaned thoroughly and entwined or interlaced before being kept in a plastic bag, to save on space in the freezer; the tea can alleviate colds aside from purportedly weakening cancer cells; before the “guyabano craze” hit the herb market, lemon grass was already very popular in Europe; an Israeli travel agent enhances his Holy Land package tours for Europeans by offering a side trip to a “desert  garden” for unlimited cups of lemon grass tea;

PAPAYA – the green fruit is full of vitamin C and has anti-cancer properties; the leaf has similar use as “tawa-tawa” grass, as the tea from the boiled leaf can increase the red blood cell count of the dengue victim; the ripe fruit can give one comfort in moving his or her bowel; the seeds can be dried, peeled and eaten as they are also full of nutrients; the dried seeds can also be added to guyabano and other leave to be boiled into tea.

LUPỘ - this is a wild indigenous vegetable more known among the Ilonggos, and lately, found to have anti-cancer properties, as just like the turmeric, it also blocks the passage of food to the cancer cells, thereby, starving them; it grows in rice fields and swamps; the vegetable can combine well with mongo or any fish dish, especially, milk fish or bangus.

CHILI – strengthens the immune system; its ‘hotness’, however, poses a problem to those who are suffering from hemorrhoid; if it cannot be avoided by people with the mentioned problem, suggested is drinking plenty of water to dilute the “hot substance” of the fruit, after meal; in my case, I add plenty of pounded fresh chili to the jar of salt, bottles of olive oil, canola oil, and palm oil to make them really hot; I add at least two spoons of dry chili flakes in any dish, or sprinkle them on fried rice, and instant noodles; I also add chili flakes to tomato sauce for my pasta;

PERIWINKLE (PAGATPAT) – the tea from boiled leaves can cure cancer as supported by testimonies of patients who got cured of breast cancer after religiously drinking tea from boiled leaves; it is really bitter, but if only for its medicinal value, one should endure the taste which I am doing, as the bitterness also neutralizes the sugar level in the blood; the tea cleanses the kidney; suggested intake is every other day of the week.

AMPALAYA (BITTER GOURD) – the sliced vegetable must not be mashed in salt and squeezed of its bitter juice as it becomes useless; the best way to lessen or remove the bitter taste is just to soak the sliced gourd in cold or iced water for about ten minutes – do not squeeze, just put the slices in a colander and allow them to drain; the fruit and leaves of this vegetable can prevent diabetes.

The Philippines is so blessed by Nature with plenty of plants with edible fruits, shoots, leaves and even flowers. Unfortunately, because of the “colonial mentality” that developed with the arrival of the Spanish and American colonizers, many of the Filipinos forgot about them or worse, refuse to eat them, in favor of the “western” vegetables such as cabbage potato, and many others, although, considered as nutritious, too, but comparably expensive. This mentality sort of, got worsened lately, with the influx of imported vegetables and fruits from other countries, especially, China and the United States. There is no question about the nutrients found in the imported vegetables and fruits. What I am driving at here, is that indigenous vegetables and fruit trees can be planted in our yard or any vacant lot! Can the same be done to the imported “food stuff” that may have been sprayed with insecticide to preserve them while in transit?



0

We Can Minimize, Delay, or Prevent the Devastating Effect of Diseases...discipline and patience are the keys

Posted on Friday, 23 October 2015

We Can Minimize, Delay, or Prevent the Devastating Effect of Diseases
…discipline and patience are the keys
By Apolinario Villalobos

Caring for our physical make up is our responsibility in the first place, and not somebody else’s. We can prevent diseases from pestering our body by espousing discipline and patience. We must be disciplined as regards our diet and vices. And, we must be disciplined in being consistent with the preparation of remedies not prescribed by doctors. We must not wait until a disease has set in before we toe the line in clinics for a costly diagnosis. Unfortunately for others, before they know that what they “feel” is a disease, and not just a fatigue or temporary pain, it is already beyond cure, so that the last resort for the doctor is to prescribe pain killing drugs, and loads of antibiotics and other strange sounding-named tablets and capsules.

Drugs are basically sourced from plants and enhanced with chemicals to preserve them as capsules, tables, suspensions, and injectibles. Curative properties of plants are “cloned” in laboratories to come up with their synthetic equivalent. But not all curative properties of plants can be cloned as in the case of guyabano (soursop), the information about which has been suppressed by drug laboratories for so many years. Due to their failure in cloning its curative properties, they finally let go of the information to confirm what have already been circulating anyway, about its anti-cancer substance.

Man since birth is already doomed with diseases that can manifest at certain points of his life. Fortunately, there is now a medical technique of predetermining the diseases that may befall infants by “reading” their genes at the time of birth with the use of their blood. At certain points of their life, diseases are already detected, thus, medications are already prescribed to prevent the onset. This is possible for those who will be born in hospitals and clinics, but for those in villages, this medical effort is not heard of, as in third-world countries like the Philippines. These children then grow without knowing that at a certain point of their life, they are bound to develop diabetes, rheumatism, heart failure, cancer, etc.

There’s again the problem with poor parents in urban areas who are told about the diseases that may befall their newly-born infants, because they cannot afford the prescribed drugs. Consequently, their children, though born in hospitals, grow just like those in the villages, without taking the preventive drugs for the detected diseases that may manifest at a certain age. Prescriptions are just set aside to be thrown later on.

The Philippines and the rest of countries in Asia and South America are profuse in herbal “medicines”.  Long before the western colonizers came, the natives were already thriving on these. The folk medicine men who are unfairly called “quack doctors” have been prescribing leaves, barks and roots of trees, vines and shrubs to dispel diseases. For instance, guyabano or soursop was first used by the South American Indians, particularly, those living in the jungles of the Amazon, while the use of tanglad or lemon grass was first used in Asia. In every country of these regions, there are always nooks and corners occupied by herbal vendors. In Manila, these can be found in Quiapo, while in the provinces, one can find them in public markets. But most of all, these curative plants are found in neighborhoods, or if not, can be planted just anywhere, even in pots.

Discipline is needed if one is really interested in preventing the onset of a disease. A ritual is involved, because every morning, all the necessary leaves, seeds or barks have to be boiled in a kettle dedicated for this purpose, followed by the preparation of the concoction to be drunk with coffee or as is. Most often, this simple effort is abhorred by most, as they would rather take synthetic drugs in capsule or tablet form which is a very convenient way. But then, the danger with such “convenience” is the latest finding that not all components of these drugs are dissolved, thus, turning into sediments that get deposited in the liver and kidney, eventually resulting to a disease that destroy the said organs.

Those without discipline in their diet are also easy victims of diseases. They are not satisfied with having tasted certain unhealthy foods and should have told themselves “enough”. Unfortunately, they want these to be part of their daily fare on the dining table. Parents who have this kind of attitude pass it on to their children, who will later on pass it on to their own, and so forth. And, when members of the family develop and die of diseases, they blame their ancestor!


0

Dalawang Kuwento ng Disiplina kung Paanong Napaglabanan ang Diabetes

Posted on Friday, 9 October 2015

Dalawang Kuwento ng Disiplina
Kung Paanong Napaglabanan ang Diabetes
Ni Apolinario Villalobos

Sa panahon ngayon, kahit karaniwan na ang pagkaroon ng mga sakit tulad ng kanser, diabetes, alta presyon, cholesterol, ulcer, etc., kahit papaano, nakakagulat pa ring malaman na tayo o mga kaibigan natin ay mayroon ng isa sa mga nabanggit, lalo na kung may namatay. Ang kadalasan na ginagawa ng mga tao para labanan ang mga sakit ay yong tinatawag na “reactive” na pamamaraan. Ibig sabihin, kung kaylan dumapo na ang sakit ay saka pa lamang kikilos ang taong tinamaan kaya halos araw-arawin niya ang pagpunta sa doctor, at kung maaari lang ay ubusin na sa isang lagukan ang mga prescribed na gamot. Maliban sa nahihirapang katawan, ay nabubutas din ang bulsa nila dahil sa mga gastusin. Ang nakakalungkot ay ang mga kasong napakahuli na ang reaksiyon kaya nawalan na ng pag-asang gumaling ang maysakit. Sino ang may kasalanan?...masakit mang aminin, kalimitan ay ang mga maysakit mismo dahil sa kapabayaan.

Subalit mayroon pa rin namang maituturing na masuwerte dahil kahit malala na ang sakit ay napaglabanan pa rin nila. Marami ang nagsasabi na ang pinakanakakatakot na sakit ay diabetes dahil dumadaloy ito sa dugo at lahat ng bahagi ng katawan ng tao ay tinutumbok nito. Hindi maaaring isabay ang paggamot sa diabetes sa iba pang sakit kung sabay silang umatake. Nakakatuwang malaman na may mga kuwento tungkol sa pakikipaglaban sa diabetes na ginagawa ng iba dahil sa layunin nilang mabuhay pa ng matagal, kaya lahat na lang ng paraan ay ginagawa nila.

Ang unang kuwento ay tungkol sa dati kong landlady sa Baclaran, si ate Lydia. Masasabing maganda ang landlady ko na noong kabataan niya ay lumalabas pa sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr. Makalipas ang maraming taon, nagkita uli kami at mangiyak-ngiyak sa pagkuwento na muntik na siyang maputulan ng dalawang binti dahil sa diabetes. Nagnaknak na daw ang harapang bahagi ng kanyang dalawang binti at dahil sa nakasusulasok na amoy, isa-isang nag-alisan ang mga boarders niya. Halos maubos ang naipon niyang pera sa pagpapagamot, subalit wala ring nangyari. Dahil sa hiya, hindi na siya lumalabas ng bahay na palaging nakasara.

Isang araw daw ay dumating ang dati niyang labandera at nang makita ang kalagayan niya ay agad nagsabi na subukan daw niya ang saluyot. Mula noon, tuwing almusal, tanghalian at hapunan ay halos saluyot na lang ang kanyang kinain. Makalipas ang isang buwan, napansin niyang unti-unting natutuyo ang malalaking sugat. Pagkalipas pa ng limang buwan, gumaling ang mga sugat. Nang bumalik siya sa doktor, nalaman niyang bumaba na ang indicator ng diabetes niya, pero tuloy pa rin ang kain niya ng maraming saluyot. Noong magkita kami, halos ayaw kong maniwala sa kuwento niya dahil makinis naman ang kanyang mga binti.. Kinakantiyawan ako ng landlady ko noon dahil sa request kong palaging ulam na pinakbet, adobong kangkong, paksiw na saluyot at okra, at tortang talong. Nang magkaroon siya ng diabetes, naalala daw niya ako.

Ang ikalawang kuwento naman ay tungkol kay Ellen, naglalako ng mga dinaing na isda sa lugar namin. Noong nakaraang taon, halata ang pagkahulog ng katawan niya dahil sa sobrang kapayatan at pamumutla. Inamin niyang may diabetes siya. Kaylan lang ay nakita ko uli siya, subalit hindi na payat at maputla…bumata pa nga. Ayon sa kanya, halos mawalan na daw siya ng pag-asa dahil sa sakit niya, at nadagdagan pa ng pagtetebe o hirap sa pagdumi ng kung ilang araw. Wala naman daw siyang perang pangkonsulta palagi, at kahit anong gamot ang inumin niya ay wala rin daw epekto. May narinig siyang mga kuwento tungkol sa ashitaba at okra na nakakagaling daw ng diabetes.

Wala naman daw mawawala sa kanya kung susubukan niya. Makalipas lang daw ang ilang araw, bumalik sa normal ang kanyang pagdumi. At, makalipas naman ang mahigit isang buwan ay nagkakulay na rin siya, hindi na maputla. Kaya mula noon ay itinuloy lang niya ang araw-araw na pagkain ng ashitaba at okra. Sa umaga, apat na dahon ng ashitaba ang nginangata niya habang nagtatrabaho at pinipilit niyang siya ay pawisan, at ang okra naman ay palagi niyang inuulam. Makalipas ang ilang buwan pa, nadagdagan na rin ang kanyang timbang subalit pinipilit niyang huwag tumaba uli tulad nang dati. Nang magpakonsulta siya uli, nagulat ang doktor dahil sa kanyang pagbabago.

Sa dalawang kuwento, malinaw na kung hindi dahil sa disiplina ay hindi gumaling si ate Lydia at Ellen. Ang iba kasi, marinig lang ang “okra” at “saluyot” ay nandidiri na dahil madulas daw ang katas. Kung may disiplina ang isang tao, kahit mapait pa ang isang halamang gamot o gulay tulad ng ampalaya, dapat ay itanim lang niya sa kaisipan ang layuning gumaling…yon lang.


0

Maggie Asuncion: Serenely Surviving the Threat of Cancer through Christian Faith

Posted on Monday, 6 July 2015

Maggie Asuncion: Serenely Surviving the
Threat of Cancer through Christian Faith
By Apolinario Villalobos

It takes much courage before a person who is threatened by cancer can accept his or her fate. Initially, disbelief sets in, followed by denial. And, this is despite the factual medical findings, yet. But what happened to Maggie Asuncion is different. With all her heart and mind, she accepted her fate but also went through a “compromise” offered by the modern medical technology. She underwent a mastectomy, a gamble on her part, in the year 2000, as during the time, stories about immediate failure of operation were prevalent.  The operation was followed by 6 months of chemotherapy, and 5 years of oral medication.

Maggie grew up in a Christian home that molded her personality according to her family’s strong faith. With a strong Christian foundation, she developed a steely personality that enabled her to face any kind of challenge in life. The worry that dawned on her when she was told about the growth of cancerous cyst in her breast did not last long. She did not suffer even just a bit from stigma, even after her operation. She went on with her life as if nothing has been taken from her body.

The more than five years of observation period during which she underwent rigorous medication, was patiently endured while participating in community outreach projects together with her supportive husband, Gene. The projects involved feeding of street children, clean-up drives, and random acts of charity, with the last, they did on their own. The projects served as an effective therapy, as she has practically forgotten about herself while spending her time with the less fortunate.

Their advocacy has in time, become an integral part of their life that today, every time they go out of their home, they would see to it that they have with them goodies for street children whom they might encounter along the way. They humbly admit that these are small tokens, though heartily given – things that they can afford.

Today, Maggie is a picture of serenity and dynamism, despite her age which is beyond sixty. If not with religious groups that undertake feeding programs for street children or with environmentalist groups doing clean- ups of Manila Bay, she bakes cake and prepares salads for the family. A time is also inserted in their schedule for visits to a bed-ridden friend. Every time there is an opportunity, she also gives testimonies in assemblies, assuring victims of the big C, that there is life after its riddance by operation, but with a reminder that the patient must do his or her share by following  a disciplined way of life…plus, of course, strong faith in Him.

 Maggie and Gene are blessed with four daughters, Gemma Lee A. Namit (38), Gracious Melody A. Torrijos (37), Genette Mae A. Shuler (34), and Geneve Maude N. Asuncion (26). Their only twenty day-old grandson, Gavril Matteo, unfortunately died of congenital heart disease.         

Maggie showed that it pays by just leaving everything to God by virtue of strong faith….that praying should not always be for asking worldly blessings.