Ang Gandang Pilipina
Posted on Friday, 22 August 2014
Ang Gandang Pilipina
Ni Apolinario Villalobos
Ang mga Pilipina, may iba’t ibang wangis ng
ganda
Mayroong mestisa, lutang ay kagandahang
Kastila
Matangos na ilong at mahahabang mga
pilik-mata
Kulay na kung di man mapusyaw, ay
mamula-mula.
Kung sa kulay din lamang, mayroon ding iba
diyan
Hindi pahuhuli sa mga paligsahan ng
kagandahan
Balat na makinis na’y morena pang di
pagsasawaan
Kahi’t na dumikit na halos, tingin ng mga
kalalakihan.
Mayroon ding mga Pilipina, dahil sa angking
alindog
Sa pagkakaupo, binatang makakita, tiyak
mahuhulog
Dahil talagang takaw-pansin, hips na tila
umiindayog
Kalangitang maaliwalas, di maiwasang
mapakulog!
Ano pa nga ba’t Pilipinas ay sadyang
mapalad talaga
Kababaihan ay pang-internasyonal ang
angking ganda
Pinatunayan nila na ang kagandaha’y di lang
sa mukha
Subali’t sa kaibuturan din ng puso, talino
at pananalita.
Mabuhay ang Pilipina…byuting morena!
At siyempre, pati na rin ang mga mestisa!
Dahil sa inyo, bansang Pinas ay pinagpala -
Kahi’t winatak ng mga berdugo sa pulitika!!!!
Discussion