0

Sa Aking Paglisan...pasasalamat ni Vivian C. Talusan

Posted on Monday, 4 August 2014



Sa Aking Paglisan…
(pasasalamat ni Vivian C. Talusan)
Ni Apolinario Villalobos


Dahil nadama ko ang pagmamahal
Ninyo sa lahat ng pagkakataon -
Masaya ang aking paglisan
Tungo sa buhay na walang hanggan.

Dahil kahi’t sa matinding kakapusan
Pinilit ng mga mahal ko sa buhay -
Na ako ay bigyan ng kasiyahan
May ngiting mga labi ko sa aking paglisan.

Sa mga nagtaguyod sa akin mula noon
Sapul pa sa aking kamusmusan -
Sa kabilang buhay ay dadalhin ko
Ang alaala ng paghubog nyo sa buhay ko.

Masaya ang aking paglisan, mga mahal ko
Dahil baon ko’y inyong pagmamahal -
Kaya dasal ko rin na ang Panginoon
Gagabay sa inyo sa lahat ng pagkakataon.

(Ang kasama ni Vivian noong nabubuhay siya ay ang kanyang ina, kaya ngayong wala na si Vivian, mag-isa nang mamumuhay ang kanyang ina, dahil wala na rin silang malalapit na kamag-anak.)

Discussion

Leave a response